Chapter 47

19.9K 213 17
                                    

Chapter 47

"...my daughter's Prince..."

"Gino Dela Rosa"

Kasabay ng pagkagulat ni Kaella ay ang bulungan ng mga tao. Syempre, nobody knows who Gino Dela Rosa is... Pero wala syang pakialam dahil naguguluhan din sya, si Gino ba talaga ang nabanggit? Why? Andito ba sya?

Pero lahat ng tanong na yun ay nawala when she saw Gino wearing his suit na bagay na bagay sa kanya. Yung tie ni Gino ay match sa damit ni Mikay.

Sa pagkabigla napatayo si Kaella. Alam nyang uneasy si Gino pero ng magtama ang mata nilang dalawa, nakalimutan na nila ang pressure na meron sa paligid nila, basta ang alam nila masaya sila.

Nagshake hands pa ang Papa ni Kaella at ang boyfriend nyang si Gino. "Enjoy your night Princess,"sabi ng Papa nya.

At sa sobrang saya napayakap talaga sya sa Papa nya "Thank you Pa"

"Sabi ko naman sayo I will do anything diba?" sagot ng Papa nya.

"Paano nyo sya naconvince?" tanong ni Kaella.

"Ask him..."

Nang umalis na ang Papa nya "Akala ko ba may retreat kayo?"

Natawa si Gino. "Mikay, crew lang ako ng isang fastfood, at ang crew hindi nagreretreat,"

Nahampas tuloy sya ni Mikay. "Nakakainis ka,.."

"Hindi naman ako ang nakaisip nito eh..."

"Sino?"

"Edi yung ex boyfriend mo na si Jao."

"What?!" napatingin sya agad.sa kinaroroonan ni Jao. Katabi na nito ang girlfriend nya. Nag 'Peace sign' pa sya kay Kaella.

"Tatamaan talaga yan sa akin..."

"Okay lang tamaan sya sayo, wag lang ikaw ang tamaan sa kanya. Sa 'kin ka lang dapat may tama." banat ni Gino, napatawa nalang si Mikay.

Umupo na silang dalawa, si Kaella naiwan sa harap at si Gino doon sa tabi ng Papa nya kasama ang mga Lolo at Lola ni Kaella. At nagsimula na ang program. Mukha namang nakapag move on agad ang nga tao tungkol sa 'boyfriend' ni Kaella na si Gino.

"And now, someone will serenade our Princess... Let's all welcome... PATRICK RIVERO." nagpalakpakan naman ang lahat. Except Gino? Haha

Si Patrick Rivero ay isang sikat na singer. Bukod kasi sa magandang boses ay gwapo talaga ito kaya ganun nalang kabilis sumikat. Bumati muna ito kay Kaella bago nagsimulang kumanta.

"Isa pong malaking karangalan na kumanta para sa isa sa pinakamagandang babae sa bansa." aba at nagpacute pa kay Mikay.

"Kaella, alam mo bang nasa iyo na ang lahat?" matapos nyang sabihin yun ay agad na pumasok ang intro ng 'Nasa Iyo na Ang Lahat' ang latest single ni Billy.

Nasa iyo na ang lahat

Minamahal kita pagkat,

Nasa iyo na ang lahat,

Pati ang puso ko..

"Wala ata ito noong pinakilala ang boyfriend ni Kaella ah..." bulong ni Gino habang pinapanood ni Gino si Billy na inaawitan ang girlfriend nya.

Nagpatuloy naman ang kanta noong Patrick, humalik sa sa kamay ni Kaella. Hindi nalang umimik si Gino pero deep inside sobrang nagseselos sya.

Nagpatuloy pa ang program. Nagkaroon si Kaella ng 18th advices from chosen adults na andun. Kasama dito ang Political Adviser ng Papa nya na si Gretchen, ibang Senator at ang Lolo at Lola nya.

"Now, let me have the honor to introduce to you our Princess' bachelors"

Isa-isang tinawag ang mga ito at isa-isang lumapit ang mga ito kay Mikay para sa isang sayaw. Kasama doon si Gino.

"Billy Fernadez..."

Hindi alam ni Kaella bakit invited si Billy, di naman sila friends, was it because he is famous? Well siguro, kasi kahit si Patrick Rivero invited dahil sikat sya. Pero nakita nya ang pagka gentleman ng binata.

Pero kahit gwapo si Billy at Patrick, wala parin tatalo kay Gino Dela Rosa. Walang wala..

"Maganda ka pala talaga" sabi ni Billy habang sumasayaw sila.

"Excuse me?" tanong ni Kaella, sa tono kasi nito parang confused sya sa kagandahan ni Kaella and just now nya lang napatunayan ang kagandahan nito.

Ngumiti ito "Maganda ka alam ko na yun dati pa,. Pero now na nakikita kita ng harapan, mas maganda ka pala"

Lahat ba talaga ng lalaki ay may talent sa pagbanat? Bakit hindi nalang magakaroon ng Pilipinas Got 'Banat' Talent? Pero for sure, ang mananalo ang pinaka mamahal nyang boyfriend na si Gino, eh kahit cheesy o corny sabihin noon to the highest level ang kilig ni Mikay.

"Oh? Bakit nangingiti ka mag-isa?" napatingin sya sa kasayaw nya. Si Jao na pala kasayaw nya. Ibig sabihin, ang kasunod ay si Gino na..

"Ah wala... Nag-iisip pang ng way para makagante sa prank mo sa birthday ko."

"Hey hey hey.. Its not a prank, its what you called SURPRISE!"

"Surprise? Eh halos mamatay ako sa lungkot na di makakapunta si Gino"

"Patay agad?" natatawang sabi ni Kaella. "Ang OA mo pala Areeyah?"

"Ang yabang mo, nakakainis ka, alam mo minsan naiisip ko magkapatid siguro kayo ni Gino, pareho kayong malakas mang asar."

Natawa naman si Jao. "Nang asar lang magkapatid na?" sagot nya "Pero alam mo sinabi rin yan ni Julia.

"Pero mas gwapo sayo ang boyfriend ko..."

"Dati naman ako ang gwapo sa paningin mo ah..."

Natawa si Kaella "Syempre di ko pa kilala si Gino nun"

Natawa nalang si Jao. "Ah basta ang mahalaga ako ang gwapo sa paningin ni Julia"

Kitang kita ni Gino ang mga lalaking dumadating para maisayaw si Kaella ang Mikay nya, at nakilala nya rin ito dahil sa binabanggit bakit sila ang napiling Bachelor.

Kung iisipin mo lahat ito mayayaman, yung dalawa nga sikat na artista pa. Napatingin sya sa paligid. At naalala nya how he used to hate these kind of people. Mga taong maraming pera pero nagiging habit ang manakit ng kapwa lalo na ang mas nakakababa sa kanilaa.

So far wala pa syang naiexperience na ganun ngayong gabi, pero nakakaramdam sya ng pressure. Napatingin sya ulit kay Mikay na nakikipagtawanan kay Jao.

"Mikay, gagawin ko ang lahat para sayo..." bulong nya sa sarili.

"Gino Dela Rosa, the escort" pakilala ng emcee.

Tumayo si Gino para pumunta kay Mikay. Nang makalapit sya, "Kanina pa ako naiinip na maisayaw ka, sixteen na lalaki bago ako" natawa si Mikay sa reklamo ni Gino.

"Aba at talagang binilang mo ha..."

"Syempre..."

Nagsimula na silang sumayaw. They are not talking with their lips, they are talking with their eyes.

"Areeyah Mikaella Roxas Madrigal, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Pangako yan"

----------------

Sensya di ko napost last night. Black out dito sa amin.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Where stories live. Discover now