Chapter 28

25.6K 232 7
                                    

Chapter 28

Kasalukuyang nagluluto si Kaella ngayon sa bahay nila. Maaga syang nagising dahil gusto nyang ipatikim sa Papa nya ang favorite nyang salted egg with mayonnaise and sardinas with egg.

"Mam sigurado po ba kayo na kaya nyo na po?" nagaalangan na sabi ng taga luto nila.

"Im fine Nena, don't worry about me... Just prepare the table..."

Sumunod naman ito agad sa kanya. Alam nyang nagaalangan pa ang mga kasambahay nila sa bagong Kaella na nakakasama nila.

Busy sa sya paghahanda ng mga naluto when her phone beeps. Excited syang kinuha ang new phone nya sa bulsa, alam nya kasi kung sino ang nagtext sa kanya.

[Goodmorning mahal kong Princessa! Kita kits mamaya]

One week of relationship with Gino means one week of happiness, at alam nyang simula palang ito. Text text sa umaga, tawag-tawag sa gabi. Pero twice a week lang sila pwedeng magkita dahil sa hindi pa masyadong safe para kay Mikay ang lumabas ng basta-basta.

Nagtype sya ng itetext nya [Goodmorning din... Can't wait to see you mamaya]

After ng trabaho ni Gino mamasyal sila. Simple date lang like what they always do noong nagtatrabaho pa si Mikay sa flowershop. But this time she has to be careful.

[Kung excited ka, ano nalang ako? Miss na miss na miss na miss na kaya kita] reply ni Gino

Napangiti sya. Si Gino na ata ang pinaka Corny na tao sa mundo, pero kinikilig naman sya. [You're so addicted to me Mr. Corny]

Inayos nya ulit ang mga pagkain sa hapag while waiting for Gino's reply and her father na kasabay nya sa breakfast. Mabilis namang nagreply si Gino [Oo, adik ako sayo. At wala akong balak magparehab. Kasi kahit tumanda tayo, willing akong maging adik sayo]

Napangiti ulit sya sa nabasa at nagtype ng reply [Haha My super boyfriend is being Mr. Corniman nanaman... Have ur breakfast na, we'll have brekafast na eh. I love u]

Reply [Kain na madami my Princess, i love you too.. Three and four ^_^]

They are the simple personification of teenage love. Lalo na at first week palang ng relationship nila. Kaya nga they even define the song Hinahanap hanap kita eh. They always miss each other, siguro dahil narin sa nasanay sila na nasa iisang bahay lang.

"Great morning, isn't it?" napalingon sya sa Papa nya. Naka full suit na ito, ready for a Congress.

"It is Dad" nakangiting bati ni Mikay bago humalik sa Ama. "Let's eat na Dad..."

Napatingin ang Papa nya sa mesa na puno ng ibat-ibang klase na bago sa paningin ng Papa nya "You prepared all these?"

"Yes Dad,.. Ayan ang mga favorite ko when I was still in Masantol. Nanay Belen taught me how to cook. I hope you like it"

"Wow," bakas sa mukha nito ang saya ng malaman na nagluluto na ang anak nya "Oh anu pang hinihintay natin? Excited na akong tikman ang luto ng Princesa ko."

Nagsimula na silang kumain. "Wow, this is great Kaella." bati ng Ama nya ng matikman ang luto nito.

"I told you Pa,.."

Masaya pa silang kumain at halatang nagustuhan ito ng Papa nya. Pati nga mga katulong nila sinaman nya sa niluto nya kaya kasabay nilang kumakain, sa kitchen nga lang sila.

"Kaella, this night we'll have a meeting here sa bahay, its about..." parang nagaalangan ang Papa nya magsalita.

"About the campaign?" nakangiting sabi nya. "Ok lang Dad, I'll support you. And I promise I won't fail you na this time"

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Where stories live. Discover now