Chapter 85

18K 216 32
                                    

Chapter 85

Nagluluto ng breakfast ngayon si Kaella. Maaga syang nagising para maipagluto si Gino. Hindi naman sya kagalingan magluto, pero kahit simple dishes natuto din sya.

Nagulat nalang sya ng may biglang yumakap sa kanya mula sa likod. Napangiti sya agad. Alam nyang si Gino ito.

"Kinabahan ako, akala ko panaginip lang lahat" napangit sya. Alam nya ang tinutukoy ni Gino. Paggising kasi nito wala na sya sa kama.

"Nagluto lang ako..." sagot ni Mikay nang humarap na sya kay Gino. "Magready ka na ng plates., matatapos na to"

"Yes boss..." bago pa lumayo si Gino hinalikan nya muna ito sa cheeks.

Who would have thought na aabot sila sa ganito? Gigising sila na pareho silang masaya dahil magkasama sila. Finally, magiging masaya na sila.

"May work ka ba today?" tanong ni Mikay habang kumakain sila.

"Yeah, ahm... I have to meet some clients para sa upcoming project ko by the end of the year"

Napangiti si Mikay "You know what, minsan nakaka intimidate ka. Kahit alam kung ikaw si Gino? Nakakapanibago yung... Yung ganyan"

"Anung ganyan?" nagtatakang yanong ni Gino

"The way you speak, the way you dress, pati gestures mo..." explain ni Mikay.

"Bakit? Hindi ba bagay?"

"Bagay kaya! Dalang dala mo ang pagiging isang best Architech in town. Actually I am happy for you."

Malaki ang pinagkaiba ng Gino ngayon kesa sa Gino noon. Pero masaya si Mikay dahil lahat ng minahal nya kay Gino, nakikita nya parin ngayon.

Noong inakala nyang wala na talaga si Gino akala nya sa panaginip nalang nya ito makakasama.

Habang umiinom si Mikay may bigla syang naalala "Teka, alam mo ba na babalik na sina Jao ang Julia babalik na ng bansa."

Medyo natigilan si Gino pero hindi nya pinahalata kay Mikay. Ang dami na nyang kasalanan kay Mikay. Dagdag pa yung nilihim nila na alam ni Jao at Julia ang totoo.

"Akalain mo yun, sila parin. Si Jao head-over-heels kay Julia. Si Julia namam, parang ganun din" masayang masaya magkwento si Mikay

Tumawa nalang sya. "Eh tayo rin naman eh,." sagot nya "Akalain mo tayo parin pala..."

Ngumiti si Mikay. Agree sya sa sinabi ni Gino. Ilang ulit naring nyang naisip na akala nya magiging panaginip nalang ito. Pero ngayon eto sila masayang masaya.

----------------------------

"Let me..."

Napangiti si Gino ng inako ni Mikay ang paglalagay ng neck tie nya. Kaya nga siguro kahit ayaw nyang ng neck tie, gugustuhin nalang nya basta si Mikay ang magkabit, araw-araw ng buhay nila.

"Sarap naman mag alaga ng girlfriend ko..." natutuwa si Gino sa paraan ng pag aalaga sa kanya ni Mikay

"Ayan na! Good to go!"

Tiningnan ni Gino ang sarili sa salamin. "Natriple ata ang kagwapuhan ko ah... Iba talaga kapag may girlfriend eh. Girlfriend na maganda."

"Alam mo bolero ka parin..." sagot ni Mikay na halata namang kinikilig dahil namumula na.

"Tataas nanaman ang market value ko nyan." napatingin si Mikay sa sinabi ni Gino "Mas lalo kasi akong guma gwapo eh"

Natawa si Mikay sa mga sinasabi ni Gino habang sinusuri ang sarili sa salamin "Pero sorry nalang sila!"

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Where stories live. Discover now