Chapter 12

32.1K 273 20
                                    

CHAPTER 12

Mabilis na lumipas ang panahon. Halos isang buwan na syang naninirahan kasamay si Nay Belen at Gino. Kahit papaano nasasanay na si Mikaella sa simpleng buhay. Pero paminsan minsan ay sinusumpong parin ng katamaran.

Naging maayos din ang relasyon nila ni Gino, bilang magkaibigan syempre. Kahit na hindi parin nawawala ang madalas nilang pagtatalo, katulad nalang ngayon.

"Bakit mo ba ako ginising?" naiiritang sabi ni Mikay.

"Syempre may trabaho ka mahal na Princesa, anong oras na to oh" sagot ni Gino.

"Diba off ko ngayon?" paalala nya kay Gino. Ngumiti sya ng malapad dahil nakalimutan talaga nya "Kainis ka naman, ngayon na nga lang makakatulog ng maayos eh"

"Bumangon ka na, ipagluto mo ako..." utos nya kay Mikay "Gising ka narin naman eh."

"Hoy, Gino Yabang Dela Rosa, hindi mo ako katulong... Kung makapagutos ka" buwelta ni Mikay bago humiga ulit.

"Gino anu ba?!!" sugaw ni mikay dahil sa inaangat ni Gino ang maliit na kama ni Mikay at may kasama pang tawa.

"Naglalambing lang eh.. Gusto ko lang naman gumawa ka nung ginawa mo nung nakaraan, yung itlog na pula na may mayonaise..."

Nagustuhan ni Gino yung ginawa na yun ni Mikay. Natutunan ito ni Mikay kay Joma, kasamahan nya sa shop. Dahil nagustuhan nya, gumawa sya sa bahay nila at naging paborito na ni Gino.

"Alam mo nagsisisi ako na gumawa pa ako nun dito, ang OA na kasi ng katakawan mo dahil doon..." Reklamo ni Mikay.

"Dali na Mikay! Nilibre kaya kita ng ice cream ni Val kahapon. Naka dalawa ka, ang takaw takaw mo, tapos ngayon naglalambing lang sa isang itlog na pula di mo pa ako mapagbigyan"

Bumangon si Mikay "Cut the drama Gino, ang arte mo na..."

"Ipagluto mo na kasi ako,"

"Ito na nga oh, bumabangon na... Di makapaghintay." lumabas si Mikay at nakita si Nay Belen na nagkakape.

"Goodmorning Nay,.." bati ni Mikay.

"Kayong dalawa nagaaway nanaman kayo.. Ikaw naman Gino, alam mo ng off ni Mikay dapat hinayaan mo nalang sya matulog muna."

She look at him with a smile, "Go Nay, pagalitan mo nga..." natatawang sabi nya. Si Gino naman napakamot nalang.

"Sige na, maliligo na ako. Mikay ha, yung request ko."

Naging malapit ang loob ni Mikay kay Nay Belen, naging kakampi nya rin ito sa lahat ng pangaasar ni Gino. Simula ng naging maayos sila ni Gino, parang naging isang masayang tahanan ang bahay nila nay Belen, kahit kasi madalas silang magsagutan ni Gino, ang ending asaran lang talaga.

*****

After an hour. Natapos na si Gino magprepare papuntang trabaho, nakahain narin si Nay Belen ng niluto ni Mikay.

"Alam mo Mikay, sa lahat ng ginawa mo ito lang talagang itlog na maalat ka pumasa" sabi ni Gino na maganang kumakain.

"Alam mo simula nung dumating ako dito, pansin ko lang consistent ang pagiging mayabang mo" sagot ni Mikay

Nginitian lang sya ni Gino at kumain ulit. "Kaella anak, tumawag ang Papa mo, kinakamusta ka. Magpapadala daw sya ng pera pambili ng cellphone mong bago"

"Nasanay narin po ako na walang cellphone, and two months nalang rin po ako dito, I think I can still survive without a cellphone"

"Ganun ba, pero tatawag sya mamaya, ikaw nalang magsabi sa kanya ha, namimiss ka na ng Papa mo eh."

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon