Chapter 76

17.6K 227 52
                                    

Chapter 76

"Where are we going?" tanong ni Kaella kay Rj.

"May bibisitahin lang tayo..."

Sinundo ni Rj si Kaella dahil may pupuntahan daw sila, at isang kaibigan daw ang nangangailangan.

Ayaw nya ngang umalis eh, kayalang mapilit si Rj and wala na syang time to argue. Siguro nga kailangan nya rin ang maglalabas labas.

Its been one week simula ng nangyari sa San Isidro, simula ng malaman nya ang totoong pagkatao ni Yuan. At nananatili parin itong lihim.

Gusto nyang makasama ito, pero parang hindi naman sila pinapayagan ng panahon. Parang hindi sila binigyan ng pagkakataon.

"Kaella..." napalingon sya kay Rj na nagmamaneho. "Gaano kayo naging close ni Yuan sa San Isidro?"

Kinabahan sya sa tanong ni Rj. Closeness ba ang usapan? Sasabihin nya bang nagpayakap sya dito, minsan magkaholding hands pa silang naglalakad, at nalaman nya pa na ito pala ang ex boyfriend nya na inakala na namatay na. Yan ba ang isasagot nya?

"Ha? Ahm.. S-sakto lang, bakit?"

"Ah wala naman, kakaiba kasi si Yuan ngayon eh." yun ang sagot nito sa kanya.

"W-what do you mean 'kakaiba'?" tanong ni Kaella.

Kinakabahan sya. Paano pagnalaman nya ang totoo? Magiging kontrabida ba sya like in any teleserye? Papahirapan nya ba si Gino at Kaella?

Napailing sya sa isip nya, hindi ba OA ang imaginations nya?

"Si Yuan kasi, he suffered from depression almost six years ago, lagi syang tulala at galit sa mundo."

Nagulat sya sa kwento nito. Kahit na hindi nya maconnect sa sitwasyon nila ngayon.

"What caused his depression?"

Napangiti si Rj bago tumingin kay Kaella "It's because of a girl"

Sya ba yun? Nanlalamig ang katawan nya, kinikilabutan sya. Sa tv nya lang napapanood ang nga ganitong kwento, pero bakit ngayon parang sa sarili nyang buhay nararanasan nya.

"Ex girlfriend nya yun, and parang nagkalayo sila. Hindi nya matanggap, pero after ilang years nagsikap sya magaral, at araw araw nyang sinasabi na babalikan nya yung babae. And he did, kaya nga andito sya eh"

Gusto ng bumaba ni Kaella sa sasakyan. Mababaliw sya sa mga nalalaman nya. Naalala nya nanaman ang story ni Ulysses and Penelope.

Nagsikap si Gino na bumalik like what Ulysses did. Pero sya,.. Hindi sya naghintay, nanggamit pa sya ng ibang tao para maka move on.

"Depress nanaman nga ata si Yuan eh, may boyfriend na daw yung girl eh." nahampas ni Rj ang steering wheel, "Bakit hindi kasi sya hinintay ng babae eh"

Nagulat sya sa sinabi ni Rj. Sapul na sapol sya eh. Para syang ginigisa sa sarili nyang mantika,

Nagulat nalang sya at huminto sila sa isang bahay na parang resort. "Kanino 'to?"

"Kaella, help me to comfort my friend Yuan. Kailangan nya tayo ngayon"

Nanlaki ang mata nya. "What? H-hindi ako ready,"

Natawa si Rj "Hindi naman ito speech para maging ready ka eh. Kailangan nya ng kausap, at tayo ang mga kaibigan nya dito"

Napalunok sya. Ipinasok na ni Rj ang sasakyan. Nanlalamig sya sa nakikita. Gusto na nyang matunaw, maglaho na parang bula, babalik nalang sya pag okay na lahat. Pero hindi yun pwede eh.

"Let's go?" lumabas si Rj para pagbuksan sya ng pinto.

She tried everything para hindi mahalata ang panginginig ng tuhod nya.

"Ito ang bahay ni Yuan, actually a house for the love of his life."

Gusto na nyang umiyak. Gusto na nyang tumakbo palayo baka sakaling mawala ang guilt, pain at kung anu pa ang nararamdaman nya.

Nasa harap nya ang glass house na request nya kay Gino. Kaharap ito ng dagat.

"Are you okay baby?"

"No!" napikit sya "I wanna go home.."

"Kaella, masama ba pakiramdam mo?" tumango sya agad. Gusto na nyang umuwi, ayaw nyang makita ang lalaking nasaktan nya.

"Dito ka nalang magpahinga, the best ang rooms dito. Makakapahinga ka."

"No, gusto ko ng umuwi."maglalakad na sana sya pabalik ng sasakyan ng biglang may tumatakbo palapit sa kanila.

"Ser Rj, buti po nakarating kayo. Si Ser Yuan po.,"

Agad na tumakbo si Rj sa loob ng bahay. Yun din ang gustong gawin ni Kaella, pero natatakot sya. "Help me Lord, please."

Hindi nya napigilan manalangin sa sobrang takot. Kaya humakbang sya palapit sa bahay ni Gino. Maganda itong bahay, pinaghandaan ang lahat ng materyales ng bahay.

Pagkapasok nya sa bahay, nakita nya si Rj na inilapag si Yuan sa sofa.

"Bro naman eh, naglasing ka? Hindi ka naman umiinom"

Hindi sya makalapit. Nakikita nya na nasasaktan si Gino. "Masakit bro.."

"Maligo ka muna, at maguusap tayo." inalalayan sya ni Yuan para maligo.

Napatingin sa gawi nya si Gino. "Mikay? Mikay, dumating ka..."

Nagulat si Kaella. Si Rj nagulat din dahil gusto talagang lumapit sa kanya ni Yuan. "Bro, hindi yan si Mikay, si Kaella yan. Halika na maligo na tayo"

Nagpipilit pa si Yuan na lumapit, pero mas malakas si Rj dahil nadala nya to up stairs.

--------------------------

"Kaella? Are you okay?"

"Ha? Oo naman, bakit?"

"Eh di ka kaya nakikinig sa sinasabi ko"

"Im sorry... Iniisip ko kasi... Yung project."

"Maayos din lahat, for now, si Yuan muna tulungan natin" tumango nalang sya.

"Bro..."mahinang tawag ni Yuan kay Rj. Nasa garden sila, tapat ito ng dagat.

"Bro, halika,.. Kumain ka. Nagluto si Kaella oh,"

Lumapit si Yuan. Tiningnan nya ang niluto ni Kaella. "That's my favorite."

"Really bro? Buti naman, si Kaella kasi nagpilit na yan ang iluto. Favorite mo pala"

Ngumiti lang si Yuan at kumain. Parang gutom na gutom ito.

"Thanks Kaella..."

Ngumiti lang si Kaella. Pati si Rj napangiti rin. Masaya rin siguro ito na nakita ang kaibigan nya na kahit paano okay na.

"Bro, hindi palaging ganyan ka. Babae lang yan"

"Yeah, babae lang.... Babaeng mahal na mahal ko, na may mahal ng iba" he said in a smirky face.

Gusto nyang sumagot. 'Ikaw kaya ang mahal ko,' pero hindi pwede.

"Bro, boyfriend-girlfriend palang naman eh... Hindi pa kasal."

Tumingin sya kay Rj. "Ikaw bro? Kung kunin ko ba sayo si Kaella, anu bang mararamdaman mo?"

Nakita ni Kaella na natigilan si Rj. Napatingin pa ito kay Kaella bago tumingin muli kay Yuan.

'Shocks! Death sentence ba to?' bulong nya sa sarili.

--------------------

My one and only UD for this day. Busy ako every sunday, nagtuturo ako ng kids. And sundays are for the Lord. God bless.

And sa laht na gusto ng huminto sa pagbabasa. I understand, nung reader ako naging ganyan din ako. I can't stand painful events eh, hehehe kaya I understand.

And sa mga naiexcite, sana masustain ko ang excitement. Hehehe Im not perfect as anybody, pero sana kahit paano napapasaya ko kayo. hehehe

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Where stories live. Discover now