Day 010

149K 4K 636
                                    

8:02 PM

Russel: jdjdjxkdkdksk

Russel: Yeeehey!! Thanks sa unblock

Claudine: Kahapon pa.

Russel: Nabasa mo status ko?

Russel: Ikaw yung namimiss ko na ;)

Russel: Namiss mo ako no? Aminin!

Claudine: [Shared link]

Claudine: Paki like. Para matuwa ako sayo.

Russel: Sino yang babae na yan?

Russel: Hindi naman yan ang gf mo diba?

Russel: 597 likes na eh. Beauty contest pa yan?

Claudine: Cousin ko yan. Basta ilike mo.

Russel: Nilike ko na po!

Russel: Basta wag mo akong iboblock ah

Claudine: Basta sinabi kong wag kang magchachat. Wag kang magchat. Nag away tuloy kami ng gf ko.

Russel: May umaaway nga sakin eh. Ang landi ko daw. Sino kaya yun?

Russel: [Shared profile]

Russel: Yan yung umaway sakin

Claudine: Tropa ng gf ko yan. Wag kana kasi magchat sakin para walang umaway sayo.

Russel: Wala naman pong masama dun

Russel: Maganda naman gf mo. Kung ako sa kaniya, hindi ako magseselos

Russel: Hindi naman ako papatulan ng isang

Russel: Tulad mo

Claudine: Alam mo naman pala eh. Wag ka nang umasa.

Russel: Gusto ko lang naman na makaclose ka

Russel: Masaya ako pag

Russel: Nakikita kita sa fb. Nagreply ka ng isa o dalawa, masaya na ako

Claudine: Ang babaw mo. Bahala kana nga.

8:34 PM

Russel: Hayaan mo na lang kasi ako

Russel: Nagrereklamo ba ako pag hindi ka nagreply? Hindi naman diba?

Russel: Basta masaya ako sa ginagawa ko ;))))

Russel: Ouch! :((((

Russel: Ano ba ang makakapag pasaya sayo?
seen 8:41 pm

Claudine is typing....

seen 8:41 pm

8:43 PM

Russel: Eeeeeeh! anooo bayaaaan?!!!!!!1!

Russel: Ano ba yung tinatype mo?

Claudine is typing....

Claudine: May acc. ka sa youtube?

Russel: Wala eh. Sa wattpad lang

Claudine: Wala kang kwenta!

Russel: Gagawa nalang ako

Claudine: Good! Sabihin mo pag nakagawa kana ah.

Russel: Sige po. Mwuah! *Kindat*

8:55 PM

Claudine: Balita?

Claudine: Nakagawa ka na?

Claudine: Potek!

Claudine: Pakibilisan naman.

9:11 PM

Russel: Weeeee! Ang dami niyang chat. Lumilevel-up na.

Claudine: Nakagawa kana?

Russel: Opo mwuah. Love you

Claudine: [Shared link]

Claudine: Paki like at pa comment na rin.

9:20 PM

Claudine: Ano na?

Russel: Kayong dalawa ng gf mo yan ehhhh *Iyak*

Claudine: Pwede ba, gawin mo na. Sure akong hindi ka umiiyak. Gagawin mo ba hindi?!

Russel: Nilike ko na po.

Claudine: Nag comment kana?

Russel: Nope!

Claudine: Mag comment kana. Iboblock kita at this time. Ako ang nagblock kaya wala nang unblock. Wala nang bawian pag ako.

Russel: Opoh

Claudine: Ayusin mo ah. Mababasa ng gf ko yan. Ano comment mo?

Russel: Sabi ko "Ang ganda ng video."

Claudine: Good.

Russel: May wattpad ka?

Claudine: Wala!

Russel: Gawa ka tapos vote and comment ka sa story ko

Claudine: Wala akong hilig!

Russel: Ang daya mo naman eh. Pag ikaw pinagbibigyan kita ;((((

Claudine: Hindi dapat ako ang nagbibigay ng pabor dito. Ikaw! Kung ayaw mo, wag kana magchat!!

Russel: Sabi ko nga eh

Russel: Alam ko na

Russel: Para hindi kana mahirapan, igagawa nalang kita.

Claudine: Tapos?

Russel: Pwede ka nang magvote sa story ko pag nabasa mo na.

Claudine: Ayoko!

Russel: Please! Wala kasing nagbabasa ng story ko!

Claudine: Baka walang kwenta.

Russel: Hindi ah. Story natin yun

Claudine: Huh!

Russel: [Shared wattpad story] The story of Russel and Claudine

Claudine: Yuck! Burahin mo yan. Baka mabasa pa ng gf ko yan.

Russel: Grabe ka maka yuck ah

Russel: May wattpad gf mo?

Claudine: Wala!

Russel: Wala pala eh

Claudine: Baka aksidenteng mabasa niya. Palitan mo pamagat.

Russel: Oo na

Claudine: Ichecheck ko yan ah. Lagot ka sakin pag hindi mo pinalitan.

Russel: Eto na nga eh. *Tampo*

9:51 PM

Russel: Nawala kana?

Russel: Hi Crush!

Russel: Love you!

Russel: Ano ba yan? Pag may kailangan lang magrereply! *Nod*
seen 10:05 pm

10:08 PM

Russel: Sakit naman. Ayaw ako replayan ;(((

Russel: Thaaaankkkk yyyouuuu!! nilike mo dp ko *Kilig*
seen 10:11 pm

Russel: Antok na ako.

Russel: Pa isang reply muna diyan. *Hikab*

10:21 PM

Russel: Hoof bighy nwuah
seen 10:25 pm

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon