Day 301

37.4K 964 102
                                    

6:56 AM

Russel: I love you asawa ko. Good morning. Take care!! Masaya na ngayon ako kada gigising. Sana mahalin mo ako lagi asawa ko

10:23 AM

Claudine: Same here. I love you wifey!! I can take care for myself. Have a blessed day ahead!

12:45 PM

Claudine: Nagmamadali akong puntahan si Rosen. Ayokong magkakaproblema sa kaniya. Inaasahan ko nang may magiging ganitong insidente pero sana hindi naman ganun ka-lala. Hangga't kaya ko siyang protektahan, gagawin ko. Wala siya sa lobby, wala din sa employee's exit. May nakita akong kapwa niya janitor. "Napansin mo ba si Rosen?"

"Nasa second floor po yata. Hindi pa daw siya uuwi eh."

Nagmamadali ako. Gumamit na ako ng elevator this time. Kumalat na pala ang balita kung gayon. "Hi Ma'am!" Nginitian ako ng isang babaeng empleyado na kasama ko sa loob ng elevator.

"Hello!" Pilit ang ngiti ko but I know is not notable. Everything's gonna be fine I know. Sana makinig sa'kin si Rosen para hindi na niya ulitin ang lahat. No!! Makikinig ako sa kaniya, baka may dahilan siya. Lumabas ako ng elevator, hinanap ko si Rosen. Inikot ko ang buong second floor pero nakita ko siyang nakadungaw sa bintana. Tinitignan ang paligid sa labas. Lumapit ako. Pinadama ko lang na may tao sa likod niya. Lumingon siya.

"Miss Ken. Ikaw pala." Well, kung siguro walang nangyaring problema, maninibago ako sa approach niya.

"Anong nangyari?"

"Salamat at alam nilang kilala mo ako pero wala na akong paki kung patalsikin ako dito."

"Rosen!"

"I'm sorry."

"Kailangan ko munang malaman ang lahat bago kita sagutin sa sinabi mo na 'yan?"

"Sinabi ko na 'to sa supervisor." Huminga siya ng malalim. "Uulitin ko sa'yo, ang headman na lang ang tanungin niyo."

"Bakit ayaw mong sabihin?"

"Ayoko!"

"Pa'no kung magsinungaling siya?"

"Alam ng Diyos ang totoong nangyari." Napatigil ako. Hindi ko akalain na sasabihin ng seryosong bersyon ni Rosen 'yun.

"Ganun ba? So, ako ang bahala sa'yo kung nasuspindi ka."

"Nakakahiya naman sa'yo! Ako ang may kasalanan!"

"Sabihin mo na kasi, makikinig ako."

"Pero may dahilan man ako.. alam kong mali parin 'yun."

"Sa ayaw mo't sa hindi, ako ang bahala sa lahat. Kung ayaw mong umamin, just okay. Dahil sa sinabi mong alam ng Diyos ang totoo, alam kong hindi mo na uulitin ang lahat, tama ba ako? Ako ang magsasabi kung kailangan mo nang mawala dito. Hangga't gusto kong andito ka, hindi ka aalis even you won't be suspended. I can handle all here because ako ang masusunod dito. Mas sinusunod ako ni Daddy kaysa sa iba."

Huminga na naman siya ng malalim. "Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid! Nalilito ako."

"Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin." Hindi ko hahayaang matanggal siya. Hindi ko din alam kung bakit medyo apektado ako sa mood niya ngayon.

"Sasabihin ko na nga. Pero sana 'wag mo nang sabihin na sinabi ko sa'yo. Makakaasa ba ako?"

"Dipende!"

"Hindi pwedeng dipende."

"Sige, I promise!"

Tumingin siya sa'kin ng diretso. "Ayoko kasing pag-isipan ako ng masama o isipin nilang sumbungero ako, chismoso o kahit ano pang negative na iisipin nila dahil magkakilala nga tayo sa paningin nila."

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon