Day 285

42.2K 1.1K 94
                                    

5:55 AM

Russel: Good morning!!!!!!!

6:56 AM

Russel: Masaya na uli ako. Wala nang nagpapasakit sa puso ko. Ikaw lang pala ang dahilan kaya malungkot ako. Pasok na ako. Mamaya ah

4:45 PM

Russel: Nakauwi na ako ♪(┌・。・)┌

Russel: Chat mo ako mamaya ah, wait ko nalang chat mo

8:03 PM

Russel: 6 to 2 ka diba?

Claudine: Bat alam mo?

Russel: Yung status mo po

Claudine: Alam ko, sakop pa ng araw na nakablock ako sayo nung nagstatus ako about my sched.

Russel: Stalker mode lang. Inalam ko lang baka nagkagf ka

Claudine: Kung nagkaron man?

Russel: Wala lang. Gusto ko lang alamin but nalaman kong wala. Kaya walang dapat ikaselos

Russel: (^~^)

Claudine: According sa one shot mo na yun, anlaki ng pinag iba eh bukod sa mga pangalan. Diba nag usap kayo ni KC? Tapos nag advice pa siya sayo?

Russel: Oo nga, parang ate ko siya kahit wala akong ate. Friend na kami sa fb hmp! Wala lang. Papangit kasi pag sinama ko pa yun. Lalong lalabas ang pagka imature ko. Baka sabihin ng readers tanga ako kahit tanga naman talaga ako (╯︵╰,)

Claudine: Tapos si Nada, panay ang kausap samin pero ni hindi yata kami kinausap dun sa story mo.

Russel: Hindi ko na maalala eh pero pwede naman na gawan ng paraan. Maybe ayoko nang pahabain pa

Claudine: Tapos yung bumbay na may kausap sa phone, tinatranslate ni Ron yung sinasabi diba?

Russel: Grabe, laftrip dun. Niloko daw ng asawa tapos yung reaksyon nung bumbay natural lang. Ano yun? Hindi affected?! Hahaha hindi ko na sinama kasi mahaba masyado

Claudine: Nagchachat ba sayo si KC?

Russel: Hindi, naglilike lang minsan

Claudine: Wait lang ah. Dota lang ako.

Russel: Kainis naman

Russel: Gusto kitang makita

Russel is calling ....

Claudine missed a call from Russel

9:32 PM

Claudine: Wag mo akong tawagan. Alam mo naman na busy ako kanina.

Russel: Ngayon?

Claudine: Chat nalang!

Claudine is typing ....

Russel: ('°̥̥̥̥̥̥̥̥ω°̥̥̥̥̥̥̥̥`)

Claudine is typing ....

Russel: Gusto kong marinig boses mo :((((

Claudine: Sa totoo lang, masama ang loob ko sayo noon. Bigla bigla kang nang iwan sa ere. Akala ko mabilis nawala ang feelings mo sakin kaya sobrang nalungkot ako. Napamahal kana sakin alam mo ba? Hindi nga nakarating yung last message ko eh tapos parang ako pa ang nabigyan mo ng last three letters mo. Akala ko talaga wala kana. Isa ka nalang ala ala. Ewan ko kung dapat ba akong maging masaya kasi bumalik ka. But this time, wala akong nararamdaman na kahit ano. Ewan ko. Hindi ko alam.

Russel: How many sorries do I have to say? Is it too much to say now? I'm sorry Claud. Alam kong makasarili ako

Russel: Ano yung last message mo at ano din yung last three letters ko?

Claudine: Hindi na mahalaga kung ano man ang mga yun? Wala kang kasalanan. Mas advantage ka kasi wala kang ginagawang mali kung tutuusin. Wala naman kasi talagang magagawa ang mga katulad ko kung may babaeng katulad mo. Hindi ka pwedeng iplease dahil manhid ka. Bata kapa kasi. Siguro kung ako ang nasa katayuan mo, pahahalagahan ko ang damdamin ng iba. Yun ang mali satin minsan kaya napapahamak tayo. Wala kang ginawang mali pero aminado akong nasaktan ako.

Russel: Simula ngayon pahahalagahan ko na ang damdamin mo. Hindi ko talaga expected na nasaktan ka. Akala ko baliwala lang ako sayo. Hindi ko alam kung bakit ka nasaktan? Baka kaibigan din lang naman ang tingin mo sakin. Natatandaan ko na may sasabihin ka dapat sakin pero feeling ko hindi na importante kasi alam na ng boyfriend ko yung password ko. Ano ba dapat yun?

Claudine: Hindi na mahalaga dahil wala na din naman. Nawala na ang pagkalungkot ko. Alam mo ba na malaki ang naitulong mo sakin dahil masakit sakin na nagbreak kami ni Lyka. Pero andyan ka para pasayahin ako. Pero lalo akong nalungkot kasi doble sakit nang nawala ka. Naalala ko uli si Lyka.

Russel: Ibabalik ko ang nawala. Babawi ako. Akala ko kasi wala lang ako sayo. Ngayong alam ko na mahalaga ako sayo, hindi na ako mag aaksaya ng oras. Hindi na kita iiwan

Claudine: Okay na ako ngayon, wag mo nang ibalik ang lahat, nakamove on na ako.

Russel: Feeling ko may galit ka pa sakin pero dahil pinaalam ko na sayo lahat, isa nalang ang kailangan kong gawin

Russel is typing ....

Claudine: Ano naman yun?

Russel: If totoo na nasaktan ka, it means, may feelings ka sakin. Totoo ba yun o niloloko mo lang ako? Kasi kung hindi totoong nasaktan ka, wala kang feelings sakin. Kung nakamove on kana, wala na ang sakit pero may natitira ka pang tampo kahit pano kaya babawi ako para bumalik tayo sa dati

Claudine: Huli na ang lahat. Wala na akong feelings sayo. Inaamin ko meron. Last message ko, "I love you." hindi ko na itatanggi pa pero 6 hours matapos mo akong iblock, moved on na ako kaya tingin ko wala nang second chance diyan. Ganun ka kabilis nawala sa isip ko kaya hindi na mahalaga sakin ang lahat.

9:55 PM

Russel: Hindi ko alam kong maaawa ako o magagalit sayo eh. Kakainis ka. Kung alam ko lang na mahal mo pala ako, sana hindi na ako nagboyfriend. Imposible naman kasing maging tayo kaya hindi na ako umasa, pero sayang din yun. Sure ka ba sa sinasabi mo sakin? Naniniwala kasi ako ie!! Kainis naman. Kinikilig ako na naiinis na hindi ko maintindihan

Russel: About sa last three letters?

Claudine: Hulaan mo nalang. At hindi ko na pipilitin ang sarili ko na mainlove sayo dahil ano mang oras pwede ka na namang mawala sakin. Dumating man ang oras na yun, hindi na ako affected. Kaya wag ka munang umasa. Madali lang kalimutan kaya you don't have to bring back my feelings, it pours it out long time ago. Never be the same again as like as before. I know how to handle this now. You need to move on. I was done. Let's be friends. I don't know why or how do I affectedly form this long matter. I Fucking don't know why until now it seems like i'm very so affected throughout your personage. You're a weak one whose personality is strong behind it.

Russel: Sige, okay na tayo ah. Tatanggapin ko yan. Ang mahalaga nailabas mo yan pero sana maging mabait ka uli sakin. Hindi ako magagalit sayo. Okay lang yan. Pwedeng kalimutan na natin ang lahat?

Claudine: Nahihiya na nga ako sa sarili ko eh. Gusto ko kasing ipamukha sayo ang ginawa mo kahit may dahilan kapa. So ano pa ang magagawa ko kundi pagbigyan ka at kalimutan ang lahat. Hindi din naman kita kayang tiisin eh. Unfair but okay lang. Dahil sayo natuto na ako.

10:13 PM

Claudine: Sana mabasa mo to dahil mukhang tulog kana. Natutunan ko na anytime pwedeng magbago ang lahat. Kaya hindi dapat tayo nagpapakasiguro. Kahit patay na patay ka pa sakin, I won't take it for granted now. Goodnight.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon