Day 314

26.9K 856 42
                                    

8:04 AM

Russel: Good morning. I miss you asawa ko. Sensya na ah. Hindi ako nakareply

Russel: Sa january pa malalaman yung grade namin sa report. Parang hindi naman kami yung pinakamataas kasi iba yung pinuri ni ma'am

9:04 AM

Russel: Chat mo ako ah

Russel: Marunong na ako magskateboard hihi

Russel: Kaso nakakainis si kuya, wala daw hilig sa skateboard pero heram ng heram

Russel: Baka sa january maluma na yun, dadalhin ko pa naman sa school

Russel: Nakita mo ba? Transparent na kulay violet, ang cute nga eh

12:03 PM

Claudine: Ingat sa pagskateboard ah. Baka mabalian ka.

Claudine: Chat nalang kita mamaya kung available ka. I love you wifey.

1:05 PM

Claudine: Nagkita kami ni Rosen bago siya umuwi. Ewan ko ba, parang araw araw laging walang kasiguraduhan kung makikita ko pa siya bukas kaya simula ngayon, ichecheck ko siya. Napansin ko sila na nakacivilian na. "Hi, Miss Ken!" Nakangiti pa siya.

Hindi ko siya pwedeng yayain kahit gusto ko dahil kailangang malaman muna ni Maico. "Papasok ka ba bukas?"

"Syempre naman. Mas gusustuhin ko pang walang day off, para lagi kitang nakikita. Joke!" Pinisil niya ang pisngi ko. "Alis na kami." Hindi naman ako nairita.

Lumuwag na ang paghinga ko kaya pwede ko na sigurong pauwiin siya. Papunta ako ngayon sa office ni Maico. Hindi pa kami tapos. Napansin ko siyang may hinahanap. "Oh andiyan ka pala." Sabi niya nang tumingin siya sa'kin dahil may naramdaman siyang dumating. Pwede na kasi akong huwag nang kumatok.

"May hinahanap ka?"

"Oo." Tumigil siya sa paghahanap.

"Ano 'yun?"

"Yung susi ng isang room diyan sa ibaba. Ipapalinis na kasi bukas. Na-sa'kin 'yun, nawala naman. Nasa aparador lang eh."

"Kaysa maghirap ka diyan, ipaduplicate na lang."

Nag-isip siya. "May duplicate naman. Na kay Mrs. Gonsalez."

"Naman pala eh."

"Kasi, si Rosen ang kukuha ng susi. Kailangang ako ang magbigay bukas."

"Ganun ba? Bakit siya?"

"Sa team niya ipapaayos ang room. Lilinisin lang naman."

Talaga 'tong si Maico oh. Hindi kaya may gusto siya kay Rosen? "Di ba sabi ko sa'yo akin siya."

"Oo alam ko. Masama bang mag-usap kami? Baka naman pati pag-uusap namin ipagkait mo pa? Magtapat ka nga. In love ka ba sa kaniya?"

Diniretsa na ako. Inaasahan ko naman 'yan. "Lumapit ako sa kaibigan kong psychiatrist. Alam ko na ngayon na may nagpapasaya sa'kin. Si Rosen 'yun. Kaya kailangan ko siya."

Nag-isip siya habang papunta ng upuan niya. "Maybe, masaya ka nga. Hindi ko naman napansin na masaya din ako. Well, iba nga kasi siya. Kahit medyo mapagmataas siya minsan, hindi maitatago sa katauhan niya 'yung humbleness. Ang hirap hulaan kung sino siya talaga. Masipag naman. Parang siya ang may ari nitong kumpanya. Hindi niya hinahayaang maging pangit ang trabaho. Tumululong kahit hindi na kailangan. Kaya very unpredictable talaga kung hindi mo siya kilala. Mayabang pa nga eh."

Ngumiti ako. "Hindi lahat ng tao, dapat hinuhusgahan sa unang tingin lang."

"Tama ka nga no? Matagal mo nang sinasabi sa'kin 'yan pero..." Napatingin siya sa'kin. "Bakit kailangang sa'yo lang siya? Baka in love ka na sa kaniya."

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon