Day 049

103K 2.4K 130
                                    

Sunday 6:32 AM

Russel: .

2:03 PM

Claudine: Pwede na!

3:06 PM

Russel: Nakakainis ka

Russel: Ano ba kasi ang satisfied na yan?

Russel: *Selos*

8:01 PM

Russel: Hi

Claudine: Tigilan mo nga yang selos selos mo na yan.

Russel: Bakit? Kasi wala akong karapatan? *Selos*

Claudine: Tanggalin mo yang selos na yan. Nakakairita na.

Russel: Eeeh kasi ang sweet niyo dun sa bagong upload na photos eh. Nilagay mo pa sa Dp mo. Pano ako hindi magseselos :(

Claudine: Gf ko naglagay nun dun.

Russel: Gusto mo naman *Selos*

Claudine: Gf ko yun eh. Hindi lang gusto, gustong gusto!

Russel: Under ka lang eh

Claudine: Walang under samin.

Russel: Bakit pumapayag kang buksan niyang yang fb mo?

Claudine: Kailangan ko pa bang ipaliwanag?

Russel: *Selos*

Claudine: Tigilan mo ako ng kakaganiyan mo.

Russel: Selos
seen 8:14 pm

8:20 PM

Russel: Hon

Russel: Sige, hindi na ako magseselos

Russel: Eeeeeeeeh

8:31 PM

Claudine: Wag kang mag post sa timeline ko!

Russel: Ayaw mong magreply eh :(

Claudine: Kahit na. Pag nabasa ng gf ko yun lagot ka. Kilala kapa naman niya.

Russel: Hindi naman sweet yun eh. Burahin mo nalang

Claudine: Binura ko na!

Russel: Takot ka kasi sa gf mo

Claudine is typing....

8:33 PM

Russel: Ano na naman yan?

Claudine: Papaliwanag ko lang. Hindi ako takot sa gf ko. Mahal ko lang siya at ayokong magalit siya sa walang kwentang bagay. Kaya niya binubuksan ang fb ko ay para masigurado lang na wala akong tinatago pero paiba iba ako ng password dahil personal ang facebook. Alam naman niya yun eh na kailangang may permiso bago niya buksan yun na parang pitaka. Gets mo ba? Naniniwala ka parin na under ako?

Russel: Oo na. *Lungkot*

Claudine: Wag kang makuntento. Masatisfy ka para hindi ka nasasaktan pag nakakita ka ng hindi mo nagustuhan.

Russel: Ano naman ba ang pinag iba ng contentment sa satisfy na sinasabi mo?

Claudine: Oo nga pala. Ipapaliwanag ko pa para maintindihan mong maigi.

Claudine is typing....

Russel: Naiinis kasi ako eh. Puro ka satisfied.

Claudine is typing....

Russel: Nasasaktan ako pagnagtatype ka ng matagal :(

Claudine is typing....

Russel: Feeling, sermon na naman :(

8:40 PM

Claudine: Halos wala naman silang pinag iba kung tutuusin pero iba parin ang satisfied dahil kung satisfied ka, that thing has enough. Expected mo na lahat kaya hindi kana mag eexpect ng mas mataas. You are in a state of being contented na masaya ka. Pero nag eexpect kapa ng mas mataas dahil oo masaya ka nga pero mas may gusto ka pang maachieve. Be satisfied para hindi ka masaktan. Maraming ganiyan na nauuwi sa wala dahil kuntento sila pero pag naachieve na nila yung gusto nila at biglang mawala, hindi na babalik sa dati yung contetment na dinanas nila. Wala nang satisfaction. Sana magets mo kahit medyo magulo.

Russel: Nagets ko na

Claudine: Weh?

Russel: Oo nga. Halos wala siyang pinag iba

Claudine: Pero may tuldok na sa satisfied at walang limitation naman sa contented. Kung masaya ka sa phone mo at satisfied kana, hindi kana bibili pa ng ibang phone hangga't hindi pa nasisira ang phone mo.

Russel: Habang tumatagal, lalo akong napapamahal sayo

Claudine: Pero kung hanggang saan nalang tayo, doon nalang dahil may gf na ako at dapat hindi ka magseselos dahil simula't sapul, alam mong may gf ako diba?

Russel: Oo nga pero nakikilala pa kita habang tumatagal, hindi ko na kasalanan kung lalo kitang mahalin

Claudine: Gusto mong iwasan nalang kita para wala nang masaktan pag tumagal?

Russel: Ayaw

Claudine: Be satisfied, okay?

Russel: Okay hmmmm *Lungkot*

Claudine: Hay naku. Bukas na nga lang uli.

Russel: Hanggang 9 lang ako ngayon tapos bukas wala kaming net. Hihintayin pa ni papa yung result ng exam. I'm sure pasado naman ako kaya by tuesday machachat na uli kita

Claudine: Sayang

Russel: Bakit?

Claudine: Gusto ko pa naman na bumagsak ka.

Russel: Bleeeeh sure po ako na pasado ako kaya sorry

Claudine: Sure ka din akong may mangungulit parin sakin.

Russel: Ewan, basta hindi ako babagsak. Mwuah i love you hon

Claudine: Matulog kana.

Russel: Hindi pa nawawala yung net hehehe

Claudine: Adik sa chat.

9:06 PM

Claudine: Goodnight.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon