Day 339

16.5K 420 23
                                    

6:23 AM

Russel: Good morning. Tatawagan kita mamayang breaktime mo

9:45 AM

Claudine: Okay wifey. Wait ko. Exactly 12pm ah.

1:04 PM

Russel: Chat mo ako mamaya ah. I love you

4:01 PM

Claudine: Hello wifey. Tawagan mo nalang uli ako.

Seen 4:15 PM

6:34 PM

Russel: Chat mo ako pag andiyan ka na ah

8:03 PM

Claudine: Makakatawag ka pa?

Russel: Bukas na. Mapapagalitan ako eh

Claudine: Okay, chat nalang uli.

Russel: Basta bukas ah. After kong kausapin si mama, hindi na ako magchachat. Bukas na uli

Claudine: Okay wifey

Russel: Nakachat mo ba si mama?

Claudine: Minsan lang. Pero hindi ngayon eh.

Russel: Ano sabi niya?

Claudine: Wala lang. Hindi naman kami pwedeng magchikahan lang. Very serious conversation.

Russel: Like what?

Claudine: Masyadong seryoso eh. Talaga palang nagsisikap at mag iingat din siya. Kasi may mga nakikita siyang magulang na hindi na makatulong sa anak dahil sa sakit. Kaya kailangan niya talagang maging malakas para sa inyo. Yan, ganiyan ka serious.

Russel: Ewan, pinagdadasal ko nga siya eh. Naiiyak nga ako minsan pag naaalala ko siya

Claudine: Dapat lang dahil kailangan yan. May misyon pa siya kaya hinding hindi siya mapapahamak.

Russel: Kaya nga magsisikap akong magreview eh. Para kahit papaano, makapasok ako sa magandang school

Claudine: You should study hard to get the full scholarship. May allowance pa na binibigay ang gobyerno kung makakapasa ka sa exam nila para sa scholarship nila. Iba pa yung sa school. Kaya kung makuha mo sila pareho, wala ka nang problema, magsikap ka. Hindi naman tumitingin ang school sa naachieve ng estudyante. Open sa lahat ang examination. Kaya kailangan ng determination at tiwala sa sarili. Meron na akala nila, mahirap kaya hindi nagtatry.

Russel: Sabi nga nila eh, may nagtake ng exam daw na nadaig pa ang valedictorian dahil nakapasa. Mas magandang school pa ang napasukan niya. Impormasyon lang ang hahanapin para malaman kung ano ang dapat gawin

Claudine: Yeah, tama yan. Isa sa pagsisikap yung sisikapin mong alamin ang lahat para makapasok bilang scholar. Kung nakatunganga ka lang, kahit valedictorian ka pa, hindi mo makukuha ang full scholar sa magandang school. Pero higit sa lahat, kailangang makapasa ka. Magsikap magreview at magdasal.

Russel: Nakakatawa naman kung alam mo nga yung impormasyon pero bumagsak ka sa exam. Kaya kailangang magsikap talaga. Ayoko talagang hindi makapag aral kaya gagawin ko ang lahat. Di bali nang wala muna akong top ngayong graduation. Ang mahalaga, makapag aral ako ng college

Claudine: Sabi nga ng mama mo, kaya ka naman daw pag aralin kaso hindi sa magandang school. Kailangan mong makipagtulungan talaga kung gusto mo sa magandang school. At kahit kaya kang pag aralin, kailangang makapasa ka sa entrance exam. Mahirap talaga pumasok sa magandang school. Dipende sa course. Kung in demand ang course mo, lulusot ka sa butas ng karayom.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon