Day 306

31.9K 770 161
                                    

01:03 PM

Russel: Hindi nagsasalita si Maico. Ewan ko ba sa taong 'yan. Minsan sa kaniya nakadipende ang lahat. Kung saan man kami dadalhin nito ni Rosen, hindi na ako tututol. Sumandal ako. Panatag ako this time dahil hindi naman ito ang direksyon ng bahay ni Maico at lalong hindi ito ang papunta sa'min. Ayoko pang umuwi. "Mag kwentuhan muna tayo." Saad ni Rosen habang nagmamaneho. Niliko niya ang kotse sa kung saan.

"Ano naman ang pag-uusapan natin? Love life? Ilan na ang nagiging boyfriend ko? Ikaw?" Tanong ni Maico at tumingin sa'kin. "At siya?"

"Hindi 'yun!" Bawi ni Rosen at itinigil ang kotse. Isang bar ito. Automatically bumaba kami.

"Mag-iinom ba tayo? Hindi ko trip dito. Parang ang boring." Reklamo ni Maico.

Hindi na kami nagsalita. Pumasok kami. May tumutugtog na isang lalaki. Hawak nito ay violin. May konting ilaw. Napansin ko si Maico na dismayado. Umupo kami. Lumapit ang waiter. "Can I take your order?"

Umorder si Rosen. Umalis ang waiter. "Libre niyo ah." He says. It's okay with me.

Pero nagreklamo si Maico. "Ikaw ang nagdala sa'min tapos kami pa ang magbabayad?"

"Kanina pa kayo walang imik eh. Kaya inisip ko na ayaw niyo pang umuwi." Sabi ni Rosen.

"Bakit hindi ka nagtatanong?"

"Bakit hindi kayo nagreklamo nung hindi ko kayo inuwi?"

Nagsalita ako. "Okay na sige, I'll pay. Maigi dito, tahimik." Tumingin ako sa paligid.

Tumingin sila sa'kin. "Okay." Sabi ni Maico. Kilala ko 'yan. Hindi 'yan sasama kung ayaw niya. Sa dami ng pera niya, nagawa pa niyang magreklamo.

Dumating ang beer, yelo, pulutan. Hindi naman ito tulad ng bar na maingay kaya hindi na kami kailangan pang sumigaw o magbulungan. Sumindi ng sigarilyo si Rosen. Nagsimula kaming uminom. "Pagpasensyahan mo na si Ayie. Lasing na kasi. Atsaka hindi ka niya kilala. Maigi na din 'yung nakilala ka niya para next time alam na niya ang gagawin." I said dahil tahimik kami.

"Wala sa'kin 'yun." Sagot ni Rosen. "Masaya ba kayo sa buhay niyo?" Suddenly he asked. Oh my. Ano ang isasagot ko?

"Wala namang masaya eh. Sino ba ang masaya? Ituro mo sa'kin, papatayin ko. Siya masaya pero kami.." Tinuro ako ni Maico. "Hindi!"

Tumawa si Rosen. "Masayang mabuhay sa mundo kahit marami kang problema. Ang taong tadtad na ng problema dahil sa utang ay natatakot patayin ng pinagkakautangan kaya nagtatago siya." Hindi kami kumibo. "Kaya hindi ako naniniwalang walang masaya?"

"You mean, lahat tayo masaya? Masaya ka ngayon?" Tanong ni Maico.

"Oo naman." Tumingin siya sa'kin. "Ikaw, masaya ka ba?" He asked me.

"Oo naman bakit?"

"Masaya ka? Pero may lungkot ang mga mata mo. Masaya ka pero bakit andito tayo ngayon? Ang taong masaya, dapat natutulog na. Dahil may ibang bagay na nagpapasaya. Hindi ang ganito."

"Masaya ako kasi nagsasaya tayo 'di ba?"

"Masaya ka ba sa boyfriend mo?" Napatingin si Maico sa kaniya.

"Hindi ko alam na ganiyan na pala kayo ka close ah." She said.

"Bakit?" I asked.

"Wala lang. Nasabi mo agad sa kaniya na may boyfriend ka."

What? Ang akala ko siya ang nagsabi. "Wala akong sinasabi. Akala ko ikaw?" Sabi ko kay Maico.

"Walang nagsabi sa inyo. Nalaman ko lang."

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon