Day 295

33.9K 1K 25
                                    

5:03 AM

Russel: EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEHHH hindi mo pinaalala kasi eh nakakainis kaaaa!!

10:33 AM

Claudine: Hayaan mo na, mabuti na rin na nakalimutan mo! Hindi talaga pwedeng makipagkita sayo. Hindi lahat ng gusto mo kailangang sundin dahil sa pangungulit mo na yan.

Claudine: Pasalamat talaga ako kasi hindi na naman kita matitiis.

1:04 PM

Claudine: Birthday ko ngayon. May malaking handaan sa mansyon namin. Lahat ng kamag-anak ko'y invited. Ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay walang naiinggit sa'kin. Pinagpapasalamat ko 'yun pero kaya siguro ako malungkot dahil walang kontrabida sa buhay ko. Kung meron man, sila 'yung ibang manliligaw ko na habol sa'kin ay mismong yaman ko lang. Oo halos perpekto na ako kaya hindi lang yaman ang makakamit mo pag ikaw ang napili ko.

"Nakakainggit ka, Ken!!" Bati sa'kin ng pinsan ko. Pwes hindi ako naniniwalang inggit ang nararamdaman niya dahil obviously masaya siya para sa'kin.

Habang naglalakad ako sa gitna ng malaki naming mansyon, nakatingin sa'kin ang lahat. Nakangiti. Ngingiti din ako dahil kailangan. Ako ang sentro sa gabing ito. Wala akong inimbitang manliligaw dahil hindi ako bias sa kanila. Pantay pantay ang tingin ko sa kanilang lahat. At ngayon ay daig ko pa ang Prinsesa. Ang Prinsesa kasi sa books ay may mga kontrabida, pero ako wala. Ang mga Prinsesa nga lang sa books ay may Prinsipe. Ako wala. Humarap ako sa mga relative ko. "Maraming salamat sa inyo!" Palakpakan silang lahat. "Wala na talaga akong mahihiling pa." But I wish I would be happy as people in my front. Lahat sila feeling ko fulfilled na. Ako na lang ang hindi. "You're all awesome. Hindi ko alam kung paano ko ipagpapasalamat ito." Nakatingin sa'kin si Maico ng seryoso. Kung may nakakakilala sa'kin dito ng lubos, 'yun ay siya. "Hindi ko naman hiniling 'tong ganito kasayang buhay, pero nakamit ko. Hindi ko hiniling sa Diyos na magkaroon taon taon ng birthday party pero ibinigay niya. Hindi ko hiniling sa Kaniya na maging ganito ako pero binigay Niya." Nakangiti ang lahat sa'kin pero hindi si Maico. "Marahil, lahat ng tao ay swerte sa buhay. 'Wag lang natin itong gamitin sa mali. Tignan natin ang sarili natin bago tayo tumingin sa iba." Siguro nga, may ugali akong ganito kaya nakuha ko ang lahat ng pinapangarap ng iba pero dahil meron na akong wala sila, hindi ko pangarap ang meron ako ngayon. Kahit pa ganito ako, hindi ko ipagpapalit ang buhay ko sa buhay ng iba kahit alam kong masaya sila sa buhay nila at ako naman ay hindi. Pumapalakpak din si Mommy at Daddy. Lagi silang nandiyan sa tabi ko kahit hindi ko sila kailangan. "Maraming salamat sa bumuhay sa'kin sa mundong ito. Kung hindi sa kanila walang Kennedy ngayon. Sila ang lumikha sa'kin. Sila ang nagpalaki sa'kin." Sila ang happiness ko dahil kapag mawala sila, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. Kailangang makuntento ako sa buhay. Baka magalit ang Diyos sa'kin pag nagtampo ako. Kahit kailan, hindi ko Siya kinwestyon. Pero hindi ko man gawin 'yun, nagtataka parin ako.

Matapos ang speech ko ay lumapit sa'kin ang mga kaclose kong pinsan. Pinakilala nila sa'kin ang boyfriends nila, girlfriends, friends of friends at marami pang iba. Pinagmamalaki nila ako. Bakit daw wala akong boyfriend? Siguro nga kaya malungkot ako dahil wala akong lovelife. Sinubukan ko naman noon pero hindi ko parin makita ang ligaya. Sinubukan kong makipagsex. Alam kong kasalanan pero hindi parin ako masaya. Ang sumaya lang ay ang lalaki na nakasama ko sa kwarto. Halos lahat ng nagpapasaya sa ibang tao ay sinubukan ko maliban sa bawal na gamot, pero wala talaga. Hanggang ngayon kahit nasa akin na ang lahat feeling ko bakante ang puso ko. "Ang sasaya niyo naman." Sabi ko sa kanila dahil lahat sila nakangiti. Hindi ngiti na katulad sa'kin na pilit lang. Napatingin ako kay Maico dahil baka naririnig niya ako, nakakahiya. Pero salamat at malayo siya sa'kin.

"Ate, ang swerte ng mapapang-asawa mo." Sabi ng isang pinsan kong lalaki.

"Swerte ka naman sa kaniya." Tinuro ko ang girlfriend niyang maganda. "Mas maganda pa siya sa'kin."

"Ate naman. Nakakahiya. Hindi naman sa itsura nakikita ang ganda." Sagot naman ng girlfriend niya.

Ngumiti lang ako. Alam ko naman na hindi ako ang pinakamaganda ngayon gabi pero para sa mga taong kaharap ko, ako ang pinakamaganda. "Bakit hindi ka nagsama dito kahit isang manliligaw mo lang para hindi ka naiinggit sa mga 'yan." Singit ni Tita at itinuro ang mga batang pinsan ko.

Wala kasi akong mapili eh. Lahat sila almost perfect din. Baka magtampo ang iba kung may isasama akong isa. Alam kong okay lang sa kanila pero pinapahalagahan ko ang damdamin ng lahat ng tao that's why wala akong mapili. "Hayaan niyo Tita." Hinawakan ko sa braso ang isa kong gwapong pinsan. "Siya na lang." Nagtawanan ang lahat.

"Walang malisya eh. Walang kilig factor." Reklamo ng isa. Tatawa tawa lang ang iba.

Natapos ang party. Napagod ako kakalakad kahit sanay ako. Pumasok ang sa kwarto ko. Tinatamad akong magbihis. Humiga ako sa kama ko. Hindi ko alam kung bakit lumuluha ako. Panahon na para harapin ko ang katotohanan. Pumasok si Maico sa kwarto ko. Naramdaman kong niyakap niya ako. "Okay ka lang ba?"

Mas naiintindihan ako ni Maico. Siya lang ang taong madalas dumamay sa'kin. "I'm okay." Pinunasan ko ang luha ko.

"Uuwi na ako. Kita na lang tayo sa office bukas. Alam kong papasok ka. Kahit naman sabihin kong 'wag kang malungkot--malungkot ka parin alam ko. So, I wish you a good health na lang." Hinalikan niya ako sa pisngi tapos umalis na siya. Hindi si Maico ang kailangan ko ngayon dahil araw araw ko siyang nakikita.

Pareho na naman. Nakatulog akong hindi ko alam kung anong oras pero maayos naman ang gising ko. Pag-gising ko pa lang ay natataranta na ang mga kasambahay. Hindi na nila tinatanong ang kailangan ko. Alam na nila. Hinahanda na nila ang kakailanganin ko sa umaga. Pag tapak pa lang ng paa ko sa building na ito ay hindi na magkanda mayaw ang mga tao kakabati sa'kin ng "Happy Birthday." Usually hindi ako pumapasok pag birthday ko kaya inaasahan ko nang after my birthday nila ako babatiin. Tumigil ako dahil ang daming empleyado sa harap ko, nagsisiksikan para lang batiin ako at ipaalam na may gift sila sa'kin.

I'm very thankful dahil may mga taong ganito. Habang nagsisiksikan ang mga tao ay napansin ko si Rosen sa bandang likuran. Parang concert tuloy. Matagal akong tumingin sa kaniya habang kausap niya ang mga kasama niyang nakikitingin din. Hindi ko siya makausap kaya hindi ko alam kung ano ang pakay niya bakit andito siya. Whatever he wants or likes, I'll give it. But hindi ko alam kung ano ba ang rason niya ngayon. Baka naki-join lang kasi halata naman na wala siyang pakialam sa nangyayari dahil mukhang iba ang pinag-uusapan nila ng kasama niya. Maya maya'y napansin kong paalis na siya. May dala siyang bag. Magtatrabaho na siya.

To be continued ....

Claudine: Happy Birthday Kennedy and also belated to me.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon