Day 324

22.3K 700 188
                                    

6:04 AM

Claudine: Good morning wifey. Eto pov ni Rosen.

Claudine: Ito yung before makilala ni Rosen si Kennedy. Goodluck!

Claudine: Pinapasok ako ng pulis sa kulungan. Ito ang unang beses na nakulong ako because my Dad didn't give his help this time. I know he's so sick everytime my ginagawa akong kalokohan. "Ano ang kaso mo?" Tanong ng isang lalaki sa'kin na nakakulong din. I don't think if I can abide with this place. Parang nagsisisi tuloy ako. Either sumagot ako ng totoo o magsinungaling ako. Hindi ko alam. "Sumagot ka! Ako ang mayor dito!"

Napapanood ko sa Tv na sila nga ang sinusunod ng mga preso. "Nakabugbog ako." A simple answer. Nakasandal lang ako.

"Ilan ang binugbog mo?"

"Tatlo!"

"Tatlo? Niloloko mo ba ako?" At this time, I feel so much fear. No one can help me.

"Hindi po ako nagsisinungaling."

I think if he wants to hurt me, he'll give more questions so I'll answer what it is. "Nag-iisa ka? Sino ka? Si Goku?"

Nagtawanan ang mga kasama niya. "Marami kami."

"Bakit ikaw lang ang nakulong?"

"Hindi ko na sila dinamay."

"Super hero ka pala. Gusto ko 'yan. Magkwento ka nga. Pero enpernes ah, kamukha mo si Kristo!" Nagtawanan na naman ang mga nasa paligid. I feel so nervous.

"Kesa mahuli sila, magpahuli na ako." Kasi akala ko may tutulong sa'kin. Tinawagan ko si Ate Paulina kaya alam kong may tutulong sa'kin. Pero wala. Kahit ganun pa ang nangyari, ayokong idamay ang mga kasama ko.

"Ano ang lagay ng ginulpi niyo?"

"Wala naman. Duguan lang."

"Mahina pala kayo!" Bigla niya akong sinikmuraan kaya namilipit ako sa sakit. Ouch! Ang sakit. Napaluhod ako. "Kaya ako nakulong ay nakabaril ako. Nakapatay. Kayo marami na kayo, hindi niyo pa tinuluyan?! Mukhang anak mayaman ka kaya matapang ka no? Nakakainis 'yung mga katulad niyo alam niyo ba 'yun? Malamang bukas din makakalaya ka na. Wala kaming mapapala sa'yo!" Sinipa niya pa ako! Buti nasalag ko dahil marunong din naman akong lumaban. I'm not able to fight this time dahil marami sila. I'm taller than this man and I think hindi mananalo ng one on one 'to. But I prefer to be difensive than to give him an attack. "Lumalaban ka ah!" Tinitigan niya ako. "Hawakan niyo!" May dalawang lalaki ang humawak sa'kin kaya nasuntok niya ako sa mukha. Sinakal niya ako. "Hindi pupwede ang angas mo dito ah. Huling araw mo na kaya mas maiging lubusin na." May tinawag siyang tao. "Tatuan mo 'to!"

Nabigla ako. "HUWAG NA HUWAG NIYO AKONG TATATUAN KUNG HINDI MAKIKILALA NIYO KUNG SINO TALAGA AKO!!" Tinitigan ko ng masama ang lalaking nasa harap ko. Nakipag titigan siya sa'kin. Mapipilitan akong humingi ng tulong kay Kuya Rogelio nito. Bugbugin na nila ako pero oras na may ginawa silang hindi ko nagustuhan, labag man sa loob ko, I should have to fight back.

"Sige, huwag muna." Buti nalang medyo nakapag-isip siya. It will be ridiculous to all of people here. I promise.

"Gawin niyo na ang lahat sa'kin. Huwag niyo lang akong tatatuan dahil baka hindi niyo alam ang kaya kong gawin."

"Bitawan niyo siya." Binitawan ako. "Oras na nagyayabang ka lang. Mas malala pa diyan ang mangyayari sa'yo." Bulong niya sabay iniwan na ako. Umupo ako sa sulok. Binigyan ako ng sigarilyo ng katabi ko.

"Kung ako sa'yo, bigyan mo ng leksyon 'yang mga 'yan. Isumbong mo sa mga kamag-anak mo!" He said. I glared at him.

"Hindi ko pakay pang parusahan ang mga 'yan. I need to get out of here!" Napasapo ako sa ulo ko. Nagsisisi. Mapapatay kami kung hindi namin gagawin 'yun dahil may dalang baril ang mga kaaway namin. Anak ng Gobernador ang nakaaway namin. Sila ang mga sira ulo at hindi kami. I'm more powerful but I won't use it in a nonsense.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon