Day 292

34.7K 1.2K 77
                                    

5:33 AM

Russel: Akala ko nagchat ka pa kagabi. Hmp

9:34 AM

Claudine: Hindi na din ako nagchat, sabi mo kasi hindi ka na magchachat eh

4:55 PM

Russel: Napagod kasi ako. Ang aga kong inantok

7:34 PM

Claudine: Bakit kasi sumama ka pa?

7:55 PM

Russel: Sinama mo kaya ako

Claudine: Pano kita hindi isasama eh parang ayaw mo pang umuwi, may lakad ako

Russel: Bakit hindi mo sinabi, syempre hinihintay ko lang naman sabihin mo eh

Claudine: I'm not an ouster, kahit alam kong okay lang sayo na itaboy ka, hindi ako ganun but it doesn't mean na ayaw kitang isama.

Russel: Alam kong lakad niyo yun. Pero dahil sinama mo ako, sumama na ako, kung alam ko lang

Claudine: Eto naman, yun yung tinatawag na birong totoo, sinama kita dahil akala ko, hindi ka pwede pero gusto kitang isama talaga, nag enjoy ka naman ah

Russel: Okay lang, feeling ko kalevel ko kayo

Claudine: Bakit nakasimangot ka ng umuwi?

Russel: Pagod nga ako, ang aga kong inantok

Russel is typing ....

Claudine: Magtapat ka nga, bakit nga?

Russel: Tsaka pinatunayan ko lang kay papa na matutulog na ako, para hindi na mag isip, baka sabihin pag uwi ko chat agad, alam kasi niya kung gising pa ako

Claudine is typing ....

Russel: Wala akong ipagtatapat, sinabi ko na

Claudine: Palusot mo na naman ah.

Russel is typing ....

Claudine: Nararamdaman ko na may tinatago ka eh please sabihin mo na.

Russel: Ano? Palusot, ano kasi ang kinaiinis mo? Nakita mo naman na yung mata ko pagod na

Russel is typing ....

Claudine: Baka kasi matulad na naman noon eh. Ayoko nang maulit pa, sana maintindihan mo.

Russel: Wala talaga akong tinatago. Halata ba na meron? Kung halata na meron bakit hindi mo alamin

Russel is typing ....

Claudine: Feeling ko kasi kahit nasa harapan na kita, magkachat parin tayo eh, i'm sorry maybe hindi pa kita kilala ng lubos sa personal.

Russel: Nangako na nga ako na hindi na mauulit yun diba? Sabi nga ni ate KC tropa na daw kami eh, bakit ba? Pero hindi ako magpapaniwala sayo

Claudine: What the hell? Sabi ko na nga ba eh, may ginawa ba akong hindi mo nagustuhan? Ano ba ang sabi ni KC sayo?

Russel: Wala.┗ (•-﹏ `。)づ

Claudine: Kung ano man yung napag usapan niyo, hindi ko alam pero wala akong intensyong masama.

Russel: Sabi niya, mabait ka daw sobra, kaya panatag siya kahit may tropa kang tulad ko pero syempre, kailangan ko parin daw mag ingat, sino ba yung babaeng pinag uusapan niyo?

Claudine: Hay naku, yun lang ba o may iba pa?

Russel: Hindi naman ako galit eh. Wala akong tinatago dito, oo nagseselos ako, hindi kasi nila alam na inlove ako sayo eh

Claudine: Hindi totoo yun, alam nilang hindi lang tayo magkaibigan kaya nila sinasabi yun!! Use your common sense, hindi nila sasabihin yun kung hindi kita kasama at isa pa, akala ko gets mo na yun? Akala ko ba matalino ka?

Russel: Ewan, hmp oo na ako na ang mali, parang totoong totoo kasi eh

Claudine: Hindi kasi sila natural mag biro kaya makatotohanan talaga, yung tipong iisipin talaga ng binibiro na totoo. Pero kung may utak ka, alam mong biro lang yun. Sus, akala ko naman kung ano na.

Russel: Seryoso ang mukha nila tapos sasabihin pa, "Alam ba yan ng nililigawan mong taga Saint Beda?" alalang alala pa ang itsura tapos sabi pa nung isa, "Akala ko yan din yung kasama mo kahapon? Musta na nga pala yun? Ang sweet niyo ah." Tapos sasabihin nung isa, "Medyo matured lang konte pero mas maganda tong kasama mo ngayon." Syempre hindi pwedeng sabihin na mas pangit ako dahil alam nilang masasaktan ako. HINDI AKO TANGA, KUNG HINDI TOTOO YUN DAPAT DUMIPENSA KA!

Claudine: Anak ng teteng!! Hindi uubra yung biro nilang ganun sakin kaya hindi ko sila pinansin and alam kong hindi mo seseryosohin yun. Kung alam ko lang na seseryosohin mo yun, kinausap na kita. Wala kang kibo eh malay ko ba.

Russel: Sabi ni ate KC, mag aral daw muna ako kasi baka masaktan lang ako, hindi ka naman niya sinisiraan pero hindi ka niya kinakampian, nung mga oras na yun, inis na inis ako dahil akala ko importante ako sayo pero may iba ka pa palang nakakasama!!

Claudine: Hindi nga totoo yun! Please naman, ganun lang sila mag biro. Torture talaga pero ang babaeng marunong mag isip, hindi seseryosohin yun. Pwede bang harapan nila akong ilaglag sayo, mag isip ka nga. Kung totoo ang sinasabi nila, pag wala kana saka nila sasabihin yun. Pag nakatalikod ka na, naiintindihan mo ba?

Russel: Ang alam nga kasi nila kaibigan lang tayo eh dahil totoo naman. Alam nilang wala akong karapatan magselos. Hindi ako tanga Claud kaya umamin ka na. Wala akong karapatang magselos kahit nagseselos ako dahil walang tayo. Naiintindihan ko yun. Hindi ako tanga para isipin nila na girlfriend mo ako. Ang bata ko pa kung ikukumpara sa inyo

Claudine: Marami kang hindi alam. Nakaopen ba phone mo, tatawagan kita, wait lang.

Russel: Ako nalang tatawag
seen 8:34 pm

9:33 PM

Claudine: Hoy, bakit ang tagal? Text ka nga.

9:55 PM

Russel: Good night, hindi ako lagi laging nagloload, magagalit si papa, pumuslit lang ako ngayon eh, chat ka bukas ah

Claudine: Good night. Wag ka nang magreply, matulog ka na.

Claudine: Ps: Walang Saint Beda, San Beda meron.

___

Sino sa inyo relate sa makatotohanang biro pag may kasama kayong partner? Hahaha! Thanks sa reads ah. At sa nagfoflood votes kahit laktaw laktaw. Salamat. I tryna update everynight. I won't promise but still I'll try my best.

Ps: Basahin niyo chapter 6 ng 366 days Sequel, andoon ang kumpletong detalye ng pagkikita nila. Chapter 4 naman yung unang pagkikita nila. Para medyo malinaw. Sa mga unang nakabasa nito hindi nila alam yan. Maliban sa mga nakabasa ng Sequel.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon