Day 341

18.6K 419 25
                                    

6:56 AM

Russel: Good morning!

9:03 AM

Claudine: Good morning too.

1:04 PM

Claudine: Medyo naging maayos ang mood ko matapos kong nakausap si Ken. Sinabi ko lang ang dapat sabihin sa kaniya. Hindi siya galit sa'kin at handa parin siyang ipagtanggol ako. Hindi ko na sinama 'yung pangbabastos na sinabi ni Danilo. Ang mahalaga, tutulungan ako ni Ken. We're friends already. 'Yun na talaga ang nakikita ko sa'min. Pero walang kami. Hindi magiging kami kaya nakakalungkot talaga. So, ilang araw nalang, dalawang buwan na ako dito. Wala na din akong gagawin. Nawala ang init ng ulo ko pero naiwan naman ang lungkot. Naalala ko ang posibleng mangyayari. Kung maipagtatanggol ako ni Ken, si Danilo naman ang makakalaban ko sa labas. Plano kong pumunta sa caferteria para kumain. Hindi ako natatakot kay Danilo. Pero napatigil ako sa paglalakad. 'Di bali nang maging duwag ka sa paningin ng mga tao. Ang mahalaga, hindi ka nakikipag-away. Galit ang Diyos sa taong mayayabang.' Biglang pumasok sa isip ko 'yun. Tutal, matatapos na naman ang kontrata na sinabi sa'kin ni Daddy. Aalis nalang ako para magpaalam bukas. Wala na din eh. Ano pa ang gagawin ko dito? Lumabas ako ng walang paalam. Gusto kong kalimutan nalang si Ken. Ngayon alam kong si Ken na nga sana ang babaeng hinahanap ko at naisip ko din na hindi agad ibibigay sa'kin ng Diyos ang hiling ko. May tamang panahon para diyan. Kaso, wala na yatang Ken akong makikilala feeling ko. Kanina lang, napatunayan kong hindi siya basta basta nanghuhusga sa tao. Nanuntok ako pero hindi parin siya nagalit sa'kin. Nakikita ko na siya bilang asawa. Umuwi ako sa bahay at humiga. Gusto kong tawagan si Ate Paulina pero nagbago ang isip ko. Tinawagan ko si Waine. "Hello Ar! Napatawag ka? Kamusta?" Bungad niya agad. Kahit hindi ako matino, alam kong ako lang ang pinakamatino niyang nakakausap noon. Nagbago na kaya 'yun?

"Aalis na ako dito."

"Good. Ay bad yata. Ano ang plano mo?"

"Ewan." Huminga ako ng malalim.

"Daanan mo ako agad dito ah. Ang tagal nating hindi nagkita."

Sabagay, matagal na kaming magkaibigan kaya siguro hindi siya mawawalan ng gana. "Sige, mag-inom tayo."

"May problema ba?"

Mukhang nahalata na niya yata. "Wala naman. Medyo pumangit lang ang mood ko."

"Ano ba kasi ang meron diyan? Hindi ako tutol sa pagbabago mo unless kung mang-iiwan ka. Wala nang saysay ang buhay ko ngayon. Mawawala ka pa."

Kailangan ko bang maawa sa kaniya? Dapat nga kaming mag-usap. Pero bakit pa ako mag-aadvice sa kaniya kung sarili kong buhay hindi ko kayang ayusin. "Hindi ako mawawala Waine."

"Hinihintay ka na ng happenings dito. Sayang dahil wala na kayo ng girlfriend mo, nagbago ka na pala. Marami tayong babae dito." Naalala ko ang mga natutunan ko at ang ibang babae na nakilala ko dito. Naalala kong hindi pare-pareho ang mga babae. Naging excited tuloy akong makakilala ng mga babaeng nakikilala na namin. Wala na si Ken. Uuwi nalang ako. Pero hindi siguro babae ang solusyon. Pwedeng magsaya muna.

Natulog muna ako. Gumising ako ng tanghali, lambot na lambot ako. Walang stock na pagkain sa ref. Ang malas naman. Akala ko kasi hindi ako uuwi ngayon eh. Walang pagkain kaya humiga nalang ako. Naalala ko na naman si Ken. Wala nang pag-asa. Aayusin niya ang problema ko tapos balik na naman sa dati. Kaibahan lang wala nang excitement. Wala nang malisya. Lumabas ako para kumain. Tumambay muna ako sa mall. Masyadong mainit ang panahon. Gusto ko sanang umuwi muna pero naiinis kasi ako. Plano ko munang alamin ang lahat sa trabaho bago ako umuwi. Bumalik nalang ako sa bahay pagdating ng hapon. Dahil kay Ate Paulina, nagkaroon ako ng interes sa mga ugali ng babae. Kaya hindi mawala sa isip ko si Ken. Tapos hindi na siya bata. Hindi na niya kailangan pang magpaalam sa Parents niya kung magsasama sila ng boyfriend niya sa iisang kwarto. Nasaktan ako. Lumabas ako para uminom. Kakalimutan ko si Ken kahit ngayon lang. Alam kong hindi ko siya makakalimutan bukas pero hindi siya mawala sa isip ko. At alam kong gulo lang kapag bumalik pa ako. Wala na pala akong planong alamin pa ang lahat. Ipapadama ko kay Ken na naiinis ako. Hindi na ako magpapakita. Hindi ko na dapat pang ipagtapat ang lahat at lalong hindi na kailangang ipagtapat pa dahil may boyfriend na siya. Pero gusto kong malaman niyang nagseselos ako. Kaso paano niya malalaman 'yun? Gusto kong maramdaman niya. Pero kung hihingi siya ng pasensya sa'kin.. lalo lang akong masasaktan. Wala siyang kasalanan. Mag-isa akong umiinom sa isang bar. Okay na ito para makatulog ako. Mahirap din palang uminom mag-isa, kausap ko sa isip ang sarili ko na walang ibang topic kundi si Ken. Minsan lang akong maging masaya, nawala pa. Pero nahimasmasan ako. Kailangan ko nang umuwi dahil nag-iisa nga pala ako. Walang maghahatid sa'kin. Madilim na nang lumabas ako ng bar. Maghahanap ako ng taxi. Hilong hilo ako. Gusto kong matulog sa malambot na kama. Uuwi nalang ako sa'min. Hindi ko kayang matulog sa bahay. Problemado ako. Alam kong makakatulog ako pag-uwi. Iiwas nalang ako sa gulo. Napansin kong maraming tao ang nag-aabang ng taxi. Ang malas naman. Hindi naman pwedeng unahan ko itong mga 'to. Hinintay ko nalang na maubos ang mga nauna. Dalawa nalang kaming naghihintay. Pero walang dumadating na taxi. Nakakainis. Kahit anong mangyari, mas gusto kong matulog sa kwarto ko. Isang oras na ang lumilipas. Hanggang sa may dumating na taxi. Sumakay ang lalaki. Aabutin ako ng siyam siyam dito dahil ang tagal dumating ng taxi sa lugar na 'to.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon