Day 345

75.9K 804 93
                                    

Friday at 6:55 AM

Russel: Excited na ako mag sunday. Mamaya ko babasahin last update mo. Bye, I love you. Pasok na ako

9:34 AM

Claudine: Good morning. I love you more! Marami akong hindi sinama ah. Hindi na din importante kasi. Malapit nang matapos.

1:34 PM

Claudine: Kinuha ko ang mop. Nakatingin parin sila sakin. "I'm sorry. Nakastorbo ba ako?" Tanong ko sa kanila. Hindi na dapat ako nagtanong. Ayokong itanong sa kanila ang tungkol sa pinag-uusapan nila. Napansin kong nagkalabitan silang dalawa. Hindi ako makapaniwala. Binirahan ko ng alis. Naalala ko si Maymay. Alam kong siya ang nakakaalam ng lahat. Naglakad ako at binati ko ang mga tao. Kahit hindi ko kaclose basta araw araw kong nakikita ay nginitian ko. Pati ang pagala-gala na security na kinababanasan ko ay nginitian ko. Laging may dalang radyo at laging nakangiti sa mga babae. Sarap kotosan pero this time, ang bait ko sa kaniya kaya tinapik ko pa ang balikat niya. Umakyat ako sa 4th floor. Nakita ko si Maymay. "Pwedeng magtanong?"

"Ikaw pala. Bakit nandito ka?"

"Pwedeng magtanong!" Tinitigan ko siya. Tumingin ako sa pintuan ng office ni Ken.

"Sabay tayong maglunch mamaya."

"Pwedeng magtanong?!"

"Basta sabay tayong maglunch mamaya."

"Pwedeng magtanong?!"

"Bakit ba ang init ng ulo mo, ang aga aga?"

Biglang nagbago ang isip ko. Baka makahalata ito. Ngumiti ako. "Andiyan na ba si Miss Ken?"

"Oo, bakit?" Kinabahan ako. Hindi ko pala dapat itanong kung totoo 'yung chismis. "Mainit ang ulo ni Ma'am ngayon. Hindi siya pwedeng kausapin."

Dahil ba sa proposal 'yun? Totoo nga. "Ah ganun ba?"

"Ano? May sasabihin ka pa?"

"Lunch? Oo ba!"

"Sige ah. Promise mo 'yan."

"Baba na ako. Kailangan pa ako sa baba." Lunch lang pala eh.

Kinakabahan talaga ako. Totoo nga kaya talaga 'yun? Kasi kung totoo 'yun. Ayos lang na masira ang lunch ko ngayong tanghali dahil kasabay ko si Maymay. Hindi ko akalain na nangyayari pala sa totoong buhay 'yun. Tumanggi si Ken? Hindi nga talaga siya masaya siguro kay Jordan? Nakita ko ang mga kasama ko. "Saan ka galing?" Tanong ni Leni na hindi nila matanong kung si Danilo ang dumating.

"Sa taas lang." Simpleng sagot ko. Sana hindi sila makahalata na si Ken ang pinunta ko doon.

Wala naman akong ibibilin sa kanila. Kaya tumayo lang ako saglit. Tinitignan sila. Wala akong dalang mop ngayon. Naglakad lakad ako. Isip ako ng isip sa nangyari. Ano nga kaya ang kasunod ng mangyayari? Itanong ko kaya kay Leni? Kaso baka nabalitaan nila ang chismis. Magtamang hinala pa na inaabangan ko ang paghihiwalay ng dalawa. Napansin kong lumalakad si Leni papunta sa'kin. Sumisensyas na lumapit ako sa kaniya. Sinalubong ko siya. "Hinahanap ka ni Maymay. May sasabihin daw sa'yo."

Napakamot ako ng ulo. Baka naman pati sa breaktime sa umaga magsasabay pa kami. "Nasa'n siya?"

Tinuro niya 'yung pinanggalingan niya. "Alam mo naman na mas mataas ang secretary sa'tin kaya sinunod ko siya ng ipatawag ka niya."

"Magkaibigan naman kayo eh. Ayos lang 'yun." Sagot ko at lumapit. Nakita ko na siya. Halos sabay kami ni Leni na makarating kay Maymay. Hinila ako ni Maymay.

"May pinabasabi si Ma'am sa'yo."

Nagtaka ako. "Ano 'yun?"

"Sabay daw kayong maglunch."

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon