Day 139

41.3K 1.1K 86
                                    

7:03 AM

Russel: Good morning

7:23 AM

Russel: Kaen tayo

8:01 AM

Russel: Alis muna ako

Russel: Bye! Mwuah!!

9:03 AM

Russel: Ang init naman. Sarap magala pag umaga

Russel: Pwede na akong magchat ngayon kasi ginagamit ni papa yung internet namin yehey!!

Russel: Nag iba ang schedule mo diba?

10:04 AM

Russel: May kwento ako sayo, may classmate ako na super tahimik. Siya si Troy. Transferee kasi siya. Hindi naman siya mukhang mahiyain. Pero sobrang cool niya kahit hindi siya nagsasalita. Teacher lang ang nginingitian niya. Sobrang tipid magsalita. Akala nga namin mahiyain lang pero nung kinausap namin, hindi naman siya nahiyang sumagot sa mga tanong

Russel: Lagi tuloy siyang napapansin ng teacher namin. Pero ang pinaka napansin namin, gwapo siya at matangkad. Tapos lagi siyang nagsosolo kahit sa canteen. Minsan kahit kausapin siya ng mga boys, wala pa din. Tumatango tango lang siya. Hindi naman siya bobo, pero parang hate na hate niya kaming lahat

Russel: Tapos ang ingay namin. Lagi lang siyang nasa bintana, hindi talaga nakikihalubilo. Pag may experiment kami sa science o other activities like PE, sumasama naman siya. Awkward tuloy para sa kaniya. Kasi kaming lahat masaya tapos siya, hindi. Ewan. Parang timang lang.

Russel: Sinali namin siya sa group namin sa FB, wala lang, display lang siya doon. Minention na namin siya, wala pa din. Papansin na talaga kami, pero wala pa din. Ang suplado, mr suplado nga tawag namin dun eh. Tapos si Balot naman, panay kembot sa harapan niya, ni hindi man lang tapunan ng tingin. Ewan. May mga tao palang ganun.

11:04 AM

Russel: Sige na nga, mamaya na ako magchachat

4:03 PM

Russel: Nakakainip. Tinatamad akong lumabas ng bahay.

Russel: Basahin mo status ko hehehe :)))

8:01 PM

Russel: 8 na

Claudine: Ang dami mo namang chat.

Russel: Wala kasing magawa, ang boring

Claudine: Hindi din ako makakareply kaya much better wag ka munang magchat. Natatamad akong basahin yung galibro mong kwento.

Russel: Basahin mo please!

Russel: Tungkol yun sa taong sobrang tahimik. Classmate ko siya.

8:15 PM

Russel: Masyadong misteryo ang pagkatao niya

Claudine: Bakit ayaw niyong tignan yung timeline niya?

Russel: Yung teacher lang namin ang friend niya. Naku asa naman na iaccept niya ako kaya hindi ko siya inadd

Claudine: Ayon sa kwento mo, ayaw niya sa school na pinapasukan niya. Hindi ko alam kung ano ang ugali ng iba mo pang classmate pero tingin ko, ayaw niya sa inyong lahat kaya tigilan niyo na siyang kausapin.

Russel: Tingin ko nga, ewan. Hindi pa naman niya kasi kami kilala ng lubos eh

Claudine: Parepareho lang naman lahat ng lugar eh. Kaso, may tao talagang hindi niya feel ang atmosphere. Feeling niya, wala siyang mood pero tingin ko naman, magugustuhan niya din diyan pag tagal. Kaya kayo na mag adjust para pag dumating yung araw na magustuhan na niya, deadma nalang kayo kunwari, para walang awkward sa side niya.

Russel: Parang hindi nga talaga niya gusto. Hindi tumatawa kahit nagpapatawa na yung ibang classmate namin. Si Jona yung pinaka maganda samin, dinaanan lang niya, inalok niya ng pagkain si Troy, tinaasan lang siya ng kilay tapos "Sige thanks." sobrang tipid. Napasimangot tuloy si Jona pag alis ni Troy, tawa kami ng tawa sa reaksyon ni Jona hahaha lumalabas kasi parang siya pa ang walang karapatang pansinin eh sikat na sikat yun

8:30 PM

Claudine: Pinansin naman ah

Russel: Naku ang sarap tirisin nun. Hindi man lang ngitian si Jona. Parang walang nakita

Russel: Tapos nauuna lagi siya sa room pagtapos na ang breaktime, pag ang iingay namin na nagdatingan, parang wala siyang kasama sa room. Parang invisible lang kami. Hindi man lang lumingon. Parang hindi kami dumating

Claudine: Hahahaha laftrip!! Kahit gaano ka mahiyain ang isang tao hindi magagawa yang ginawa niya XD XD isa lang ang malinaw, ayaw niya sa inyong lahat

8:49 PM

Russel: Ewan, sabagay, hindi din naman siya kawalan samin hmp

Claudine: Dadating din ang araw na makakausap niyo na siya, may tao lang talagang hindi sanay sa atmosphere dahil bago lang siya, yung tindera dito sa kinakainan namin ah, one year bago namin nakaclose.

Russel: Luh ano yun suplada?

Claudine: Ganito kasi yun, hindi niya kami kakausapin hanggat hindi namin siya kinakausap. Tapos laging nakasimangot. Bagay naman sa kaniya pag nakasimangot kaso, kahit anong kausap sa kaniya ng tropa, wala talaga. Then may dumating na bagong tindera after 1 year, close na close namin yun. Parang nainggit yata kaya mula nun, pinapansin na niya kami unti unti. Nakikipag tawanan pero deadma lang kami. Pinalabas nalang namin na matagal na namin siyang kclose by an action.

9:15 PM

Russel: Ang arte naman niya kasi!! Kung ako sa inyo, hindi ko napinansin yung mga ganun, feelingera

Claudine: Itulad mo pa kami sayo? Kaya hindi na namin sinabi na "Dati dati ang suplada mo." Go with the flow lang. Kaya kayo, oras na magustuhan na ni Roy ba yun o Troy na makisama sa inyo? Makisama nalang kayo para hindi siya maawkwardan sa inyo. Dadating yung araw na masasanay din siya diyan.

Russel: Si Troy. Sana nga, napaka mysterious niya.

Claudine: Don't hate people lalo na kung wala naman siyang ginagawang masama. Hindi naman pwedeng all the time kailangang tayo lang ang intindihin nila. You need to understand what other's point of view for realizing even what happens.

Russel: Eh ikaw kasi marami nang experience eh kaya mas marami kang alam

Claudine: Marami ka pang mararanasan sa buhay mo na magsisilbing aral sayo. Basta wag lang palampasin, itatak mo sa kukote mo para pag dumating yung time na may ibang hindi maintindihan ang mas bata sayo, maiaapply mo ang naging experience mo. Pattern yun para makabigay ka ng advice.

9:31 PM

Russel: Kaya sana wag kang magsasawang magchat sakin hihi ngayon alam ko na ang gagawin kay Troy

Claudine: Ano ang plano mo?

Russel: Hahayaan ko nalang siya. Hihintayin ko nalang na magustuhan niya kami.

Claudine: Gaya nga ng sabi mo, wag puro negative lang ang tignan natin. Malay mo, pag naging close niyo siya, mas higit pa sa inaasahan niyo yung mangyari. May ari pala siya ng isang resort hahaha libre kayong lahat hahahaha!

Russel: Sanaaaaaa ngaaaa ganun hehe!

Claudine: Medyo unawain niyo nalang

9:51 PM

Claudine: Curious parin ako doon sa sinabi mong, dati gusto mo lang akong makaclose. Bakit ngayon ano na ang gusto mo?

10:15 PM

Claudine: Goodnight ;D

____

Paki follow si _cldn_ nasa account na yan yung karugtong ng story ni Claudine na "The Last 5 Days." But hindi pa nauupdate. Salamat sa mag follow hahaha! Kung ayaw niyo, okay lang.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon