Day 038

107K 2.5K 169
                                    

8:02 PM

Russel: Goodeve hon! May tanong ako ah. Be honest

Claudine: Ano yun?

Russel: Cheater ka ba?

Claudine: Honestly, oo.

Russel: oo. Emoticon ba yan?

Claudine: OO CHEATER AKO.

Russel: Ang bad naman hmp

Claudine: Kaya nga laging bugbog yung mga kalaban ko sa sf eh

Russel: Eeeeh hindi yun

Claudine: What does it mean ba?

Russel: Sa love

Claudine is typing....

Russel: Haaaay! Nag effort kana naman mag type wait ko nalang yan

Claudine: Lagi nalang bang love ang nasa isip mo? Pwede bang sa iba mo muna paikutin ang mundo mo? Mag usap tayo ng iba. Yung walang love na involve. Like kahapon at noon isang gabe.

Russel: Nagtatanong lang naman ako eh. Masama ba?

Claudine: Hindi ako cheater ah at kung cheater man ako, sa tingin ko hindi na importante sayo yun.

8:23 PM

Russel: Kung cheater ka dapat alam mo na may kapalit yun. Tsaka alam mo kung gaano kasakit ang magcheat. Kung gaano kasakit ang macheat, ganun din ang mararanasan ng nacheat mo

Claudine: Nonsense yang paliwanag mo

Russel: Bakit?

Claudine: Alam ko na lahat yan kaya hindi mo na kailangan pang sabihin.

Russel: Pinapaalala ko lang. Alam ko naman na alam mo na yan. Meron lang kasi akong kilala na mas mature sayo, pero walang pakialam sa damdamin ng iba

Claudine: May tao talagang ganun.

Russel: Mali kasi sila

Claudine: Yung iba naman nagbabago, yung iba may dahilan, kung wala namang dahilan, gago lang talaga siya.

Russel: Naniniwala ako na may kapalit yun

Claudine: Bakit mo ba sinasabi sakin yan?

Russel: Just nothing

Claudine: Alam mo ba kung bakit sila nagcheacheat?

Russel: ?

Claudine: First time yan ah

Russel: Anong first time?

Claudine: Isang letter lang chat mo.

Russel: Wag mo nang patagalin. Hanggang 9 lang ako. Bakit nga nila ginagawa yun?

Claudine: Kahit ako, hindi ko rin alam.

Russel: Ewan, wala kabang kilalang cheater?

Claudine: I have but he has only one reason why he's doing it.

Russel: Ano naman yun?

Claudine: Masarap tumikim ng ibat ibang lasa.

Russel: Ang sama niya, may araw din siya. Hindi ba niya alam kung gaano kasakit ang ginawa niya

Claudine: Maybe alam niya pero ang paniniwala kasi ng mga cheater, madaling makamove on dahil ang mga cheater mismo ay nacheat na before. Nag cheacheat sila kasi hindi na sila nagmamahal ng todo.

Russel: Naiinis parin ako

Claudine: Pero kaibigan ko yun kaya tanggap ko siya kung sino siya. Hindi ko siya gagayahin dahil may sariling isip ako.

Russel: May nagsabi sakin na wag sasama sa mga BI

Claudine: Tama pero kung alam mo naman ang ginagawa mo. It will be okay.

Russel: Like you

Russel is typing....

Claudine: Alam ko ang ginagawa ko.

Russel: Hindi ka nagpapaapekto kaya hindi ka cheater. Sana hindi ka nga talaga cheater dahil masasaktan ako

Claudine: Arte mo ah. Yung gf ko ang masasaktan, hindi ikaw.

Russel: Gusto ko wag kang magcheat sa gf mo. Masasaktan ako. Ewan!!!!

Claudine: Ano ang gagawin mo?

Russel: Iiyak :((

Claudine: Hahaha tumigil ka. Okay na tayo ng ganito ah.

8:55 PM

Russel: Alam mo naman na inlove ako sayo diba?

Claudine: I said be satisfied para walang masaktan.

9:05 PM

Claudine: Goodnight.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon