Day 316

27.8K 754 100
                                    

12:00 AM

Russel: Sensya na asawa ko. Biglaan ako sinama kanina ni mama para puntahan yung kaibigan niya. Natulog lang ako sa byahe ang layo eh. Tapos nagising ako. Natulog uli. Pag uwi namin nawala na antok ko kasi may narinig kaming away sa kapit bahay huhu hindi ako makatulog. Yakapin mo ako

12:33 AM

Russel: Tumambay pa kami ni mama sa labas. Nasa labas kami ngayon. Kumakaen

Russel: Buti nalang wala siyang pakialam sakin ngayon. Kwentuhan lang kami

1:34 AM

Russel: Tulog na tulog ka asawa ko. Tulo laway hihi

Russel: Hindi ako makatulog, ipagpapatuloy ko nalang yung story ni Rosen. Excited na talaga ko. Ano ba kasi ang title?

2:45 AM

Russel: Pag nagustuhan mo, ito nalang yung magiging karugtong ah. I love you asawa ko *laplap*

Russel: Bigla akong nagkaroon ng idea. Tutal, lagi ko siyang gustong makita, siya nalang ang gagawin kong kanang kamay. "Gusto mo ba talagang maging kanang kamay ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo naman. Mas magaang na trabaho 'yun dahil wala ka namang halos pinag-uutos. Kaso may secretary ka na kaya tingin ko, hindi ka na papayag."

"Sige, umuwi ka na. Bukas na bukas din, kanang kamay na kita." Ngumiti ako pero hindi siya makapaniwala.

"Talaga, Miss Ken?"

"Oo, kaya ayusin mo ang trabaho bilang kanang kamay ko. Dito ka sa loob ng office ko maghapon. Magpahinga ka na dahil maaga tayong papasok bukas."

Pumasok na ako sa loob ng office ko. Kampante akong makikita ko pa siya bukas kaya maybe, pwede na siyang umuwi. Hindi ako makapaniwala na makakasama ko siya maghapon bukas. Hindi ko muna sinabi kay Maico ang lahat. Siguradong magtataka na naman siya.

Kinabukasan. Nakita ko na siya. Oo nga pala, hindi ko nasabi kung ano ang magiging uniporme niya. Nasalubong ko siya sa second floor. "Hi!" Bati ko.

"Ready na ako. Ano ba ang susuutin ko. Mahalay sa kanang kamay ang nakauniporme ng janitor."

"Magpolo ka naman na kulay blue."

"Wala akong polong dala."

"Magpapabili ako sa sekretarya ko. Mauna ka na sa taas dahil maglalakad lang ako."

"Day by day routine ko na din ang maglakad kaya sabay tayo."

"Bahala ka. Basta 'wag mo akong sisihin pag napagod ka ah."

Naglakad kami hanggang makarating sa taas. Pati siya binabati din niya 'yung ma bumabati sa'kin. Siraulo talaga. Pero okay lang naman dahil puro empleyado lang naman ang bumabati. Sinalubong kami ng sekretarya ko. "Good morning Ma'am!" Bati niya pero nakatingin kay Rosen.

"Good morning. Bumili ka ng polo na kulay blue." Utos ko sa kaniya. "Meduim lang siguro para fit sa kaniya. Mahalay ang masyadong malaki."

"Kanino Ma'am."

"Kay Rose!" Tinignan ko siya at pumasok ako sa office. "Rosen, sumunod ka." Sumunod siya.

Nagtaka ako kasi tumabi siya sa'kin. Nilipat niya ang upuan sa tabi ko. "Dito ako sa kanan mo." Sabi niya.

"Hey, don't sit beside me. Hindi porke kanang kamay kita, nasa kanan kita all the time." Natawa ako kasi wala naman sanang problema. Pero hindi naman pwedeng pumayag agad ako.

"Para makita kita kung paano magtrabaho." Umupo ako. Okay lang kung hindi ko siya mapaalis. Bahala siya sa buhay niya. Umupo kami.

"Talagang hindi ka aalis diyan?"

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon