Day 034

116K 3.1K 208
                                    

8:03 AM

Russel: Good morning. Sabado ngayon. Walang pasok.

9:08 AM

Claudine: Walang "I love you hon?"

10:55 AM

Russel: Asensado ka?

Russel: Joke

Russel: Love you hon

Russel: Hoy hon inaway mo pala si Nada

Claudine: Galit kana sakin niyan?

Russel: Eeeh classmate ko yun eh Bakit sinungitan mo?

Claudine: Ayoko siyang kachat.

Russel: Marami kayang nagkakacrush dun

Claudine: Mahusay.

Claudine: Gusto mong kachat ko siya?

Russel: Oo, mabait naman yun

Claudine: Sige, mamaya ichachat ko siya tapos ikaw hindi na.

Russel: Hindi ba pwedeng sabay?

Claudine: Tinatamad akong magchat. Pinagbibigyan nga kang kita tapos dadagdagan mo pa.

Russel: Eeeeh sige na nga, wag mo na siyang ichat :(((

Claudine: Ayaw na nga sana kitang kachat eh. Makulit ka lang.

Russel: Grabe ka naman. Akala ko nagbago na ang pagtingin mo sakin

Russel: Maya maya logout na ako. Ipapatay na internet.

Russel: Sorry kagabe ah. Inagaw ni papa tong laptop eh. Hindi ako nakareply.

11:15 AM

Claudine: Hindi mo need mag sorry.

Russel: Gusto ko lang. Hindi naman galit si papa eh. Tapos binasa niya yung conversation natin. Nakakainis

Claudine: Sa classmate mo nagalit siya.

Russel: Nabasa mo?

Russel: Hindi ko na binasa eh. Yung sayo lang naman ang importante

Russel: Wag kang magrereply sa mga yun ah

Russel: Buti hindi nagalit sayo si papa

Russel: Lagi niyang sinusungitan yung mga kachat ko

Russel: Wala naman akong paki pero thanks God hindi siya nagalit sayo

Claudine: Nakita kasi ng papa mo yung pictures ko.

Russel: Ano connect?

Claudine: Naisip ng papa mo na sa gwapo kong to. Hindi ako papatol sayo.

Russel: Ang yabang naman. Nakakainis ka
seen 11:45 am

Russel: Ikaw pa ngayon ang ayaw magreply hmp

Russel: Ipapatay na net ah. Love you hon. Mamaya nalang ulit 8pm to 9pm

Claudine: Ok! Aral maigi.
seen 8:12 pm

8:13 PM

Claudine is typing....

Russel is typing....

Claudine: Ano fav song mo?

Russel: Ano fav song mo?

Claudine is typing....

Russel: Hahahaha

Claudine: Mauna ka.

Russel: Ikaw na

Claudine: Ikaw na. Bahala ka. Hanggang 9pm ka lang.

Russel: Kiss you

Claudine: Kiss me

Russel: I mean, "Kiss you." Ang title ng song na fav ko

Claudine: "Kiss me." ang title ng song na fav ko.

Russel: Wehhh ano to lokohan?

Claudine: Hahahaha!

Russel: Sino kumanta nun?

Claudine: Sixpence none the richer.

Russel: Okay

Claudine: Naniniwala kaba sa destiny?

Russel: Oo naman, bakit?

Claudine: Ano ang destiny sayo?

Russel: Simple. Tadhana. Lahat tayo may kaniya kaniyang kapalaran na nakalaan satin. Gaya ng lahat tayo mamamatay

Claudine: Weh?

Russel: Ikaw?

Claudine: Ako? Ako ang destiny mo?

Russel: Ano ang pagkakaintindi mo dun?

Claudine: Wala. Halos pareho lang sayo o sa paniniwala mo. Pero naging topic namin yan magtrotropa minsan. Minsan daw may palatandaan kung sino ang destiny mo.

Russel: Wag mo namang sabihin na dahil "Kiss you." ang fav ko at "Kiss me." ang fav mo. Palatandaan na yun?

Claudine: Ay! Wag kang feeling ah.

Claudine: Bukod sa fav song, meron pa.

Russel: Ano?

Claudine: Sabay tayo nagtype at the same time.

Russel: Hindi ako naniniwala sa ganun. Ayoko nang guluhin pa ang isip ko. Already satisfied na ako kung anong meron tayo

Claudine: Nagiging mataray kana.

Russel: That's me. Mataray ako pero hindi sayo

Claudine: Sakin ka lang naman sweet diba?

Russel: Ayeee alam na alam ah

Russel: Hon?

Claudine: Goodnight. Aral aral din pag may time.

Russel: Babawi ako next week. Love you hon

Claudine: Kahit wag na.

Claudine: Joke!

9:10 PM

Claudine: Goodnight.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon