Day 335

20.8K 501 25
                                    

6:56 AM

Russel: God will bring us into the world of fairytale that we'll never be felt lonely forever and giving us a happy ending story that truly never ends. A lifetime romance would be. Life time assurance like a perfect carat of gold. Let's celebrate in puregold. Mamili tayo hon hahaha good morning.

11:03 AM

Claudine: I create a simple memory. SM. SM nalang tayo hahahaha! Pasensya hindi kita machat ng umaga. Bukod sa naiinis akong tumingin sa computer dahil mapungay pa ang maganda kong mata, wala akong time para replayan yung mga nagchat. Nalalaman pa naman na nag online ako. I love you wifey.

1:03 PM

Claudine: Gusto ko nang makita si Ken. Nakakainis lang dahil parang nawala 'yung confidence ko. Baka simpleng manggagawa lang talaga ang tingin niya. Naalala ko 'yung ibang kasambahay namin. Mabait ako sa kanila. Baka ganun lang siya. Nag CR muna kami ni Jerry. Tinagalan ko talaga para hindi ko na abutan si Ken na naglalakad. Bakit ba ang bitter ko? Pagkalabas namin ng CR ay may nakita akong bata na nakahover board. Teka, pangbata lang ba talaga 'yun kasi parang ang sarap gamitin. "Hey." Tawag ko sa bata. Mukhang balik bayan sila.

Seryoso siyang lumapit sa'kin na ang itsura ay parang napakahalaga kong tao samantalang halatang janitor lang ako. Sabagay, effortless. Naka hover board naman. Nakataas pa ang kilay. "Bakit?" Tanong ni Jerry dahil tumigil kami sa paglalakad. 2nd floor sana ang destinasyon namin.

"Basta." Bulong ko. Tapos humarap ako sa bata. "Ang ganda naman niyan. Magkano bili mo?" Tinuro ko ang hover board.

"I didn't know 'cos my Lola buy this for me." Umikot ikot pa siya sa harap namin.

"Mahal 'yan." Singit ni Jerry.

"May I try?" I ask the kid.

"Can you?"

"Yes I believe I can."

"Okay." Ngumiti pa siya.

Napapatawa si Jerry kasi medyo kilala na niya ako sa pananalita. Tapos medyo english pa. Hindi ko akalain na mabait pala ang batang 'to. Sumakay ako. Feeling ko kahit parang ang daling tignan, ang hirap gamitin habang nakasakay na ako. Lord please help me. Napadasal ako pero gusto ko lang naman talagang subukan. Tinuro sa'kin nung bata kung paano gamitin at umandar na. "Aaaaaaaaaaah!" Hindi ko makontrol tapos sakto may babae sa harap ko. I have no choice. Narinig ko ang tawanan sa paligid. I need to hug that girl para hindi ako matumba. Napatili naman ang babae sa harap ko. Hanggang mabangga ko na nga siya. Niyakap ko siya para bukod sa hindi ko siya madaganan, hindi kami pareho matumba. Medyo lumayo ang hover board sa paa ko tapos halos matumba na kami ng babaeng ito na niyakap ko. Napansin ko ang uniporme niya. Patay! Pero ang kinagulat ko.. siya pala si Maico Piol. Takot na takot siya sa nangyari at napansin kong nakapikit siya nung niyakap ko. Tumabingi ang salamin niya.

"WHO THE HELL ARE YOU!!" She said habang nakapikit. Unti unti siyang dumilat ng masigurong hindi kami matutumba. Gagamitin ko nalang ang charm ko. Tinitigan ko siya ng seryoso habang dinidilat niya ang mata niya. Nagkatitigan kami. Pumiglas siya at tinulak niya ako. Inayos niya ang salamin niya. "Bakit nakatitig ka pa sa'kin?!"

"Ma'am sorry." Nakita kong pati 'yung bata tumatawa habang kinukuha ang hover board niya. Nag-isip ako para hindi maging awkward. Lagot ako. Mukhang hindi umubra ang charm ko. "Ma'am, pasensya na talaga. Pero 'diba sa mga pelikula, oras na mangyari 'yung ganito, nagkakatitigan 'yung bidang babae at lalaki."

Narinig ko ang pigil na tawa ni Jerry. "Sinong may sabi sa'yo?! Teka, ikaw si Mark 'diba?! Igagaya mo pa 'to sa movies o books? Para kang si Ken!" Talaga? Hindi ako talaga ganun dahil naisip ko lang 'yun. Kinakapa niya ang bulsa niya. Bakit kaya? Nung wala siyang makapa, bigla niya akong kinurot.

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon