Day 054

107K 1.9K 190
                                    

7:24 AM

Russel: Di bali nang wattpad ang makasama mo kaysa sa mga katropa na puro inom, tambay at yosi lang ang alam, at least sa wattpad malaki ang porsyento na hindi gagayahin dahil alam nila ang real sa fiction lang

Russel: Goodmorning
seen 11:09 am

3:01 PM

Russel: Haaay wala na kaming gagawin, boring na mga araw ko :(

Russel: Buti nalang may wattpad, makakapag update ako

6:01 PM

Claudine: Yung rule natin ah. 8-10pm

6:34 PM

Russel: Isa sa rules na kapag nagchat ka magrereply ako

8:04 PM

Claudine: Nakailang chat kana nga eh. Musta maghapon?

Russel: Okay naman

Claudine: Musta yung bagong friend mo?

Russel: Okay naman din, may story na nga siya eh

Claudine: Gawin mo nalang palipas oras ang wattpad para hindi ka maboring.

Russel: Tama!
seen 8:10 pm

Russel: Hon

Russel: May sasabihin ako

Claudine: Ano yun?

Russel: Yung title ng story niya "Si Kulang at Si Labis." parang tayo haha

Claudine: Paano naging tayo yun? Ano meron?

Russel: Ayaw mo kasi magbasa eh

Claudine: Hindi ko nga hilig diba?

Russel: Ano ba ang hilig mo?

Claudine: Magtrabaho, magcomputer at magbasa ng diyaryo.

Russel: Nagbabasa ka rin pala eh

Claudine: Ayoko niyan.

Russel: May alam ka sa wattpad eh

Russel: Base sa mga sinabi mo kagabi

Claudine: Oo may idea ako kaya may alam ko.

Russel: Pano mo nalaman?

Claudine: Dahil may pinsan akong nagwawattpad at sa mga kwentuhan ko rin nakuha ang ibang idea hanggang minsan nga naging topic namin yan.

Russel: Ganun ba?

Claudine: May mga story na napansin kong may mga sex talaga dahil nagbebenta ng katawan ang mga babae.

Russel: Ano pamagat?

Claudine: Wag mong basahin dahil mature yun at hindi ka makakarelate.

Russel: Parang maganda eh

Claudine: Mahilig kaba sa ganun?

Russel: Sa library ko meron, hindi ko pa nababasa

Claudine: Balak mong basahin?

Russel: Yung story ang gusto ko. Mas makatotohanan kasi pag SPG ang story

Claudine: Bahala ka, buhay mo yan.

Russel: May alam ako sa sex kahit papaano

Claudine: Whatever

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon