SIMULA

1.7K 29 1
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.Names,characters,places,
Businesses,events and Incidents are either the product of the authors imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to real person,living or dead or actual events are purely Coincidental.

Warning:This story contains Mature Content!

Grei Brothers Series Two:Swan in Valeriana Lake.

"Ba't ka ba nag mumokmok diyan?E' dapat nga masaya ka na dahil Fiance mo na ang pangatlong anak ng Don Grei,diba matagal mo na siyang crush?Since Grade 7."

Umupo si Serrah sa tabi ko at dahil sa trip niya nanaman akong guluhin ay kinuhanan niya ako ng picture na naka-pangalumbaba.Narito ako sa court,nakaupo sa mga benches.Vacant namin dahil wala yung lecturer namin sa P.E kaya imbes na pakinggan ang nga tsismisan ng mga kaklase ko tungkol saakin ay naisipan ko nalang na pumunta rito.Sa madaling salita,gusto ko ng peace of Mind!

"Hindi ko naman kasi ginustong I-engage kami ng Señorito Camaro.Oo,crush ko siya pero ayokong sirain ang relationship nila ni Amorie para lang mapunta siya saakin."pangangatwiran ko.

Kahit na sabihin nating matagal ko na siyang crush ay hindi parin ako gagawa ng paraan para lang mapunta siya saakin.Ni-hindi ko nga ipinagdasal na maging akin siya balang araw eh,hanggang crush lang 'tong nararamdaman ko.Hindi ko naman inaasahang pinagkasundo na pala kaming dalawa,maski nga ako ay nagulat nang i-announce nila Mommy na may engagement na magaganap,dahil sa no choice ako ay pumayag ako.Ang ipinagtataka ko lang ay kung ba't siya sumipot sa engagement eh ayaw niya nga saakin diba?dapat ay ipinaglaban niya si Amorie,pero bakit siya pumunta?Anong trip niya?

"Naku,Wag mo nalang pansinin 'yang mga pinag tsitismisan ka.I know naman na inggit lang sila dahil magiging asawa mo ang isa sa mga anak ng Don Grei.Kaya wag ka ng sad diyan,libre mo nalang ako ng fishbal mamayang dismissal."kapal talaga ng mukha nito,every dismissal nalang nag papalibre sakin ng fishbal.

"Ako naman kaya ang ilibre mo?Abuso kana eh."inirapan ko siya.

"Init ng ulo mo.Pumasok na tayo sa room,madali na mag second sub."aya niya.Napanguso ako,creative writing ang second sub namin,isa sa mga subject sa humss na maraming pinapagawang activity.

Bumalik na nga kami sa room,at tulad ng inaasahan ko'y panay bulungan nanaman tungkol saakin ang bawat studyanteng madaraanan namin ni Serrah.May iba na panay parinig na epal at asungot daw ako sa relasyon ni Amorie at ng Señorito Camaro at marami pang ibang masasakit na salita ang binabato nila saakin,tulad ng malandi raw ako.E' wala nga akong nilalandi eh!Wala sa ugali ko 'yon kahit na gustong gusto ko pa ang isang lalake.Ang sasama pala ng mga ugali rito sa DVU,sana pala hindi na ako pumayag rito na lumipat ayos na ako do'n sa mababang paaralan ng valeriana.

Buong lesson ay lumilipad lamang ang utak ko.Kaya wala akong naintindihan sa diniscuss ni Ma'am Edma,Lecturer namin sa Cw(Creative writing) dahil sa hindi ako nakikinig ay iba ang naisagot ko sa naging question sa'kin ni Ma'am,e'di napahiya ako.Panay tawa naman sa'kin ni Serrah kesyo daw sabog ako.E' kung siya kaya rito sa sitwasyon ko?

"Paggaya naman ako."marahan kong siniko si Serrah na busy sumagot sa activity na binigay ni Ma'am Edma.

"Ang dali dali lang ng activity,Swan."aniya habang nagsusulat.Madali para sa mga nakinig ng lesson.

"Hindi naman kasi ako nakinig"pagdadahilan ko.

"Kasalanan mo na 'yon.Sabihan mo nalang si Ma'am na idiscuss ulit yung lesson sayo kasi hindi ka nakinig kanina."hindi lang sa pera kuripot ang babaeng 'toh,pati rin sa Answer!Pero may punto naman siya,kasalanan ko naman talaga na hindi ako nakinig kanina.

"Ililibre kita ng fishbal at kickyam after dismissal basta pagayahin mo ako,Ano?G ka?"Good idea,Swan!Sana naman pumayag siya.

"Tch!Sige na nga"napa yes naman ako sa isipan ko nang pumayag siya.Ibinigay niya saakin ang binder niya."basta kumuha kalang ng idea,huwag mong i-copy lahat."bilin niya.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon