Señorito 47:INTRAMURALS

235 11 0
                                    

"CORRES!CORRES!CORRES!"

"SOLID!SOLID!SOLID!"

"COMPASS!COMPASS!COMPASS!"

"SIMPLI!SIMPLI!SIMPLI!"

Halos mabinge ako sa halo-halong ingay na nangingibabaw sa buong paligid ng university.Todo sigaw ang bawat studyante rito ng kani-kanilang team at ang nangingibabaw na boses rito sa Team Coress ay walang iba kundi ang kaibigan kong si Serrah habang iwinawagayway pa ang pom-poms na green.Syempre,hindi 'yan magpapahuli.Sabayan pa ng ingay ng mga drums at lyre.

Nakapila na ang lahat sa kanya-kanyang team,kanina pa nakahanda ang drum and lyre corp.Maya maya lang ay magsisimula na ang parade.P.E jogging pants and Intrams T-shirt ang attire namin ngayong Monday.Mamaya lang ay magpapalit na ako dahil may laro kami sa volleyball,ito kasing si serrah pinilit akong magpalista.Pero ayos narin 'yon atlis may ambag ako sa team namin.

"Goodmorning,Love."isang dampi ng labi sa pisnge ko ang nagpapukaw ng enerhiya sa buong katawan ko.'Camaro!' ramdam ko ang pagtalon ng puso ko ngayon na kanina lang ay tila ba natutulog.

"Magandang umaga."At ginawaran siya ng magandang ngiti.Ngunit ano't narito siya?hindi ba dapat naroroon siya sa team solidarity?tsaka ba't naka-green siyang t-shirt?hindi ba dapat yellow?"Hindi ba dapat naka-yellow kang T-shirt dahil team solidarity ka?"takang tanong ko.

"Hindi ka ba masaya na handito ako,Love?"nalulungkot na tanong niya.

"Nagtaka lang naman ako,ang sabi mo kasi sa'kin Team solidarity ka."paglilinaw ko.

"Kay Aerhon talaga 'tong T-shirt,nakipag exchange nguna ako para makasama ka."Aniya.

"Asus!Ang sweet niyo naman!"biglang sulpot ni Serrah."Kayo na bang dalawa ulit?"pag uusosya niya.Chismosa talaga ang babaeng ito.

Humagikhik si Camaro."Kami na ulit.Kung hindi ko pa dalhin sa Cordeliana,hindi pa kami mag kakaayos."Aniya.Tuloy ay bigla kong naalala ang mga nangyare samin kagabi do'n sa Cordeliana.Pagkatapos ng pag amin namin sa isa't isa ay marami pang nangyare saming dalawa.

Maya maya lang ay nagsimula na ang parade.Nanatiling naka-akbay saaking si Camaro habang naglalakad kami habang ang isang kamay niya'y hawak hawak ang puting Payong.Bawat dalagitang nanonood saamin ay hindi naiiiwasang mapatili sa tuwing napapatingin kay Camaro.Samu't saring papuri pa ang natatangap niya mula sa mga ito.

"Bakit,Love?may dumi ba ako sa mukha?"baling niya sakin nang mapansin niya ang pag angat ko ng tingin sakanya.

"Wala naman."tugon ko't inalis na ang tingin sakanya.Ngunit ang totoo'y tiningnan ko kung ano bang reaksyon niya habang pinagkakaguluhan siya ng mga kababaihan.Baka nginitngitian niya na ang mga ito o kinikindatan."Ang dami mong fans,Hindi mo ba sila ngingitian man lang o kakawayan?baka sabihin nila suplado ka."Saad ko nang nasa harapab ang tingin.

"Balewala sakin kung anong sasabihin nila,mas may pake ako sa mararamdaman mo kapag pinansin ko sila."paliwanag niya.

"Iniisip mo ba na selosa ako?"sabay baling ko sakanya.

"Hindi naman sa iniisip kong selosa ka,takot lang ako na mag isip ka ulit ng iba.Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako gagawa pa ng dahilan para mag overthink ka.Ayoko ng isipin mo ulit na niloloko kita,na hindi kita mahal."Paglilinaw niya.

Hindi ko naman naiwasang mapangiti ng emosyonal sa sinabi niyang iyon.Hindi na ako tumugon pa't ginawaran ko nalamang siya ng isang matamis na halik sa labi.'Namiss kita ng sobra,Camaro.'

"CORRES!CORRES!CORRES!CORRES!CORRES!CORRES!CORRES!CORRES!"

Panay cheer ang mga ka-team ko sa team namin habang papasok na kami sa university kasabay ang pagwagayway ng kulay green na balloons,pompoms at flag.Habang ang ibang team naman ay todo cheer rin sakanilang team.Kaya ang ingay ingay nanaman sa buong paligid ng university.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon