Señorito 39:Camaro Punto De Vista

233 10 0
                                    

"I didn't text you to come here."malamig na saad ko sabay tungga ng beer na hawak ko.Narito ako sa terrace,nagpapahangin.

"Nag aalala ako sa'yo kaya pumunta ako rito."Aniya't tulad ko ay sumandig rin sa railing.Hindi ako tumugon o lumingon man lang sakanya,nanatiling nasa malayo ang tingin ko."Maging sila Cassian at Darcio ay nag aalala sa'yo.Maraming kailangang tapusin na requirements sa school si Cassiano kaya hindi ko na siya pinasama,si Darcio naman ay busy palagi sa pagte-training bilang new boss ng Grei hotel kaya hindi siya nakakabisita sa'yo."pagkekwento niya.

"You don't need to vissit me,besides i told you that i want to be alone."giit ko nang hindi parin siya nililingon.Ilang araw na akong nagkukulong rito sa Mansion,walang ganang humarap at makipag usap sa mga tao.

"Wala ka pa bang balak pumasok?"pag iiba niya ng usapan."hindi ka ba nag aalala sa magiging resulta ng grades mo kung panay absent ka?"

Nagpakawala ako ng buntong hininga.Inaasahan ko ng babanggitin niya ang tungkol diyan.Siya itong mas concern lagi sa mga grades naming magkakapatid.Hindi niya nakakalimutang paalalahanan kami pagdating sa Academic performance namin.

"Wala pa akong ganang pumasok kuya.And besides masasaktan lang ako kung makikita kong magkasama si Swan at archeus."pangangatwiran ko.

"Learn to move on,kalimutan mo na ang mga nangyare.Patuloy ka lang malulugmok sa lungkot kung lagi mo'ng iniisip."

"Hindi gano'n kadaling kalimutan,Kuya."giit ko sabay baling sakanya.

"Hindi talaga magiging madali kung lagi mong iniisip,Camaro."aniya.

"Ayaw ng utak ko na kalimutan si Swan kuya,hindi rin madali para sa puso ko na alisin ang nararamdaman ko para sakanya."Masyado kong minahal si Swan at niisang parte sa utak at puso ko ay walang gustong kalimutan siya at iwaksi ang nararamdaman ko para sakanya.Kaya hindi magiging madali para saakin ang maka-move-on.

"Ngayon matuto ka na sa pagkakamali mo.Hindi lahat ng nasa atin ngayon ay habang buhay na nating pag-aari.Walang permanente sa mundo,Camaro.Kahit nararamdaman ng tao nagbabago lalo na kapag hindi ito pinapahalagahan ng taong mahal niya."Seryosong aniya.Nakatitig lang ako sakanya habang sinasabi niya ang mga iyon,at nasasaktan ako dahil lahat ng sinabi niya'y totoo at ngayon ko lang narealize.Pakiramdam ko'y nagkulang talaga ako na iparamdam kay Swan na mahalaga siya saakin,na mahalaga saakin ang nararamdaman niya.

"Mahalaga sa'kin si Swan kuya,Mahalaga saakin ang nararamdaman niy pero alam kong nagkulang ako na ipakita't iparamdam iyon sakanya."nalulungkot na saad ko."Kaya ngayon nagsisisi ako,humihiling ako nasana mabigyan pa ako ng pagkakataon na maibigay sakanya ang lahat ng pagkukulang ko at mas iparamdam ko pa sakanya ang pagmamahal ko."Walang gabing hindi ko iyon hinihiling sa diyos,na bigyan ulit ako ng pagkakataong makasama si Swan.

"Ang buong paniniwala niya'y si Amorie parin ang mahal mo.Sinabi niya sa'kin na kailanman ay hindi siya naniwalang mahal mo siya sa tuwing sinasabi mo sakanya ang salitang 'yon."awtomatiko akong natigilan at napatitig sakanya nang sabihin niya iyon."Habang minamahal ka niya ay nakatatak narin sa isipan niyang hinding hindi mo maibabalik ang pagmamahal na iyon sakanya.Matagal niya na talagang balak na sa oras na bumalik si Amorie ay gagawa siya ng paraan maibalik ka sakanya.At naisipan niyang iyon ang iregalo sa'yo dahil gusto ka niyang maging masaya sa kaarawan mo.Iyon ang mga sinabi niya saakin nung mag usap kami."

Hindi ako nakapagsalita agad matapos malaman iyon.Saglit akong napatitig sakanya bago ko nagawang ibuka ang bibig ko."Nag usap ka'yo?ibig sabihin bago pa ang karawan ko ay alam mo na ang tungkol don sa plano niya?"

"Nalaman ko lang iyon nang mag usap kami ng gabing naabutan ko siya sa Mansion ni Dad kung kailan niya pinapirmahan ang kontratang iyon na pinapatigil niya na ang pinagkasunduan ng Señorito Villermo't ni dad.Wala ng kwenta kung pipigilan ko pa siya dahil napirmahan na ni dad ang kontrata at nakikita ko rin sakanya na buong buo ang loob niyang gawin iyon."nanunubig ang mga mata ko't bahagyang nakaawang ang bibig kong nakatitig sakanya habang ikinikwento iyon.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon