Señorito 59

201 11 0
                                    

"Gusto ko na ng tahimik na buhay,Camaro.Ayoko ng masaktan,pagod na akong umiyak.Pasensya na dahil...."labag man sa kalooban ko ang sasabihin kong ito't alam kong masasaktan ko siya ay wala na akong magagawa,para lamang tumigil na siya.

"dahil ano,Swan?"

"Dahil gusto ko ng sumuko,Camaro."

Awtomatiko siyang natigilan at nanunubig ang mga matang napatitig saakin,ilang saglit pa'y umiling iling siya at bakas sa mukha niya na hindi niya tanggap ang naging desisyon ko."Gano'n na lang ba talaga kadali sayong isuko ang relasyon natin,Swan?susukuan mo na kaagad ako?Minahal mo ba talaga ako?"

Oo,minahal kita,Camaro.Sobra!

"Pagod na ako,Camaro.Tanggapin na lang natin na hindi na tayo pwede.Magkakapamilya kana,mas mabuting sakanila mo nalang ituon ang buo mong atensyon lalo na sa magiging anak mo,matututunan mo rin ulit mahalin si Amorie."

"Swan!"kaagad niya akong hinigit palapit sakanya nang akmang tatalikuran ko na ulit siya saka ako niyakap ng mahigpit.

"Nakikiusap ako,wag mo akong iwan,Swan.Ipaglaban mo naman ako,Love."umiiyak na pakiusap niya habang nakayakap saakin.Sa higpit palang ng yakap niya ngayon sa'kin ay nararamdaman ko talaga na ayaw niya akong pakawalan.Sabik na sabik ang mga braso kong yakapin siya pabalik.

"Hindi ka ba talaga nakakaintindi,Camaro?!"tila piniga ang puso ko nang tulakin ko siya upang makawala ako sa mahigpit niyang yakap."Pagod na ako!Gusto ko ng mag move on!Kung mahal mo talaga ako,hahayaan mo ako sa gusto kong gawin!"napilitan na akong pagtaasan siya ng boses.

"talaga bang gusto mo ng sumuko,Swan?"isang patak ng luha ang kumawala sa pisnge niya.Tila kinumyos ang puso ko nang makita iyon."Desidido ka na ba talagang iwan ako?"

"Para sa ikakatahimik ko at ng lahat,Camaro."

"Para sa ikakatahimik mo at ng lahat?"natawa siya na para bang natatawa talaga habang patuloy parin ang pagpatak ng mga luha."pa'no naman ako,Swan?"duro niya sakanyang sarili."Hindi ako matatahimik hangga't wala ka sa'kin,kailanman hindi matatahimik ang buhay kapag wala ka sa piling ko."

Kahit naman ako,Camaro.Hahanap hanapin ko ang presensya mo,ang gwapo mong mukha't tinig,ang nang aakit mong mga ngiti,mahihigpit mong yakap at nakakabaliw mong mga halik.Lahat iyon ay hahanap hanapin ko,Camaro.

"Kahit ano pang gawin mo,buo na ang desisyon ko,Camaro.Desidido na ako sa napagpasyahan ko.Gusto ko na ng tahimik na buhay,kaya nakikiusap ako tapusin na natin 'to."

"Pero Swa-"

"Huwag mo na akong hintayin pang magalit sayo,Camaro!Mas lalo kitang ipagtayabuyan kong gagalitin mo pa ako.Respetuhin mo nalamang ang naging desisyon ko.Pasakalan mo si Amorie,panindigan mo siya,panagutan mo ang magiging anak niyo."Huminto ako 't saglit siyang tinitigan sa mga mata."Huwag mo ng hahayaang mawalan ka ulit ng Anak,Camaro."

Hindi kaagad siya nakasagot,napatitig siya saakin at makikita mo parin sa mga mata niya ang lungkot.Dahil sa nasasaktan na ako ay hindi ko na siya hinintay pang magsalita.Nagpakawala ako ng buntong hininga't kinuha ang lampara sa damuhan.

"Pasensya na,Camaro."Saad ko't tinalikuran na siya.

"Fine"

Kaagad akong nahinto sa paglalakad nang magsalita siya ngunit nanatili akong talikod sakanya.

"If that's what you want,Love,Fine.I will Marry her.Sa huli pagmamahal ko parin sa'yo ang iniisip ko.Ikaw parin itong nangibabaw sa puso ko.Susundin ko ang gusto mo,papakasalan ko siya kahit na labag sa kalooban ko."

Kahit kailan hindi ko gugustuhing matali ka sa ibang babae,Camaro.Pangarap kong makasal sa'yo,pangarap kong maging ama ka ng magiging anak ko balang araw.Ikaw ang gusto kong makasama sa hirap at ginwaha ng buhay ngunit sa oras na'to hindi lang dapat ang sarili ko ang iniisip ko,kundi ang mga taong nadadamay dahil sa mga nangyayareng 'to,napapagod rin sila.

"Ang sakit pala kapag ipinaubaya ka ng taong mahal mo,Swan."

Masakit rin magpaubaya,Camaro.

"Kailangan ko ng umalis,Camaro.Umuwi ka na,baka hinahanap ka na ng Don Grei."Saad ko.

"Tandaan mo,Swan.Kapag tuluyan akong ikinasal kay Amorie bukas wala na talaga tayong pag asa sa isa't isa.Kaya kung desido ka na talagang tapusin ang relasyon natin,Maaari ka ng umalis.Ngunit kung talagang napipilitan ka lang sa naging desisyon mo,mananatili ka rito sa'kin."

Gustuhin ko mang manatili rito sa'yo,Camaro.Wala na akong magagawa.

"Tulad ng sinabi ko kanina desidido na akong tapusin ang relasyon natin."saad ko't nagsimula na ulit ma humakbang paalis.

"Kaya kong ipaglaban ang relasyon natin kung pagod ka na't nahihirapan,Swan."muling saad niya.

"Pasensya ka na,Camaro."tugon ko nang hindi humihinto sa paglakad.Kaunti nalang na hakbang ay tuluyan na akong makakapasok sa loob ng mga nagtataasan at naglalakihang mga puno.

"Ikaw ang buhay ko,Swan."

"Nangako ako sa diyos na ikaw ang babaeng ihaharap ko sakanya."

"Swan..."

Tumigil ako sa paglalakad,ngayon ay nasa tapat ko na ang madilim na lagusan papasok sa mga nagtataasan at naglalakihang mga puno.Isang hakbang nalang ang kailangan ay mawawala na ako sa paningin niya.Napayuko ako't humigpit ang hawak sa lampara.Parang gusto ko nang lumingon,tumakbo pabalik sakanya,yakapin siya ng mahigpit at paulit ulit na sabihin sakanya na Mahal na mahal ko siya....ngunit hindi na maaari pa.

"Mahal na mahal kita,Swan."

Mahal na mahal rin kita,Camaro.

At tuluyan na nga akong pumasok sa loob ng mga nagtataasan at naglalakihang mga puno.Naramdaman ko nalamang ang pa isa isang pagpatak ng mga luha ko,hindi ko na nga napigilan pang maiyak.Pasensya ka na,Camaro.Ang hirap,sobrang hirap na tapusin ang relasyong napakaimportante sayo't pinapahalagahan mo ng sobra.Ang sakit sakit isipin na ngayon ay hindi ko na siya pag aari,lahat ng pinangarap naming dalawa pati na ang mga pinangako namin sa isa't isa ay dito na matatapos.

Mahal na mahal kita,Camaro.Ikaw at ikaw lang palagi.


Huwag kang mag aalala,Wala na akong balak pang umibig ng iba kahit kasal ka na.


Tulad ng sinabi ko ikaw lang ang lalakeng nais kong mag may ari sakin at ng puso ko.



Mananatiling ikaw,Simula sa umpisa hanggang sa huli.



Tatanda ako at mamatay na ikaw lang ang minamahal ko.



Mahal na mahal kita,Camaro.




Hindi man tayo sa huli ,ang mahalaga ay pinagtagpo parin tayong dalawa at sapat narin sa'kin na binigyan tayo ng pagkakataong mahalin ang isa't isa.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon