Señorito 8

391 13 2
                                    

Dahil sa walang kwentang kausap ang lalakeng 'yon ay tumungo na ako sa magiging kwarto ko.Hindi niya naman sinabi kung saang kwarto ba ako matutulog kaya ako nalang ang nag desisyon,makapal talaga mukha ko.

Malinis naman na ang kwartong ito,ang gagawin ko nalamang ay ilagay ang mga damit ko sa kabinet.Inaayos ko nguna ang pagkakatupi ng damit ko bago ko ilagay para maayos at malinis tingnan.Malaki ang kabinet ng kwartong ito,may lagyanan para sa pantalon,shorts,skirts,blouse,undergarments at sabitan ng hanger.

Habang abala ako sa pag aayos ay biglang nag ring ang phone ko.Bigla akong kinabahan nang makitang si Archeus ang tumatawag,naalala ko na iniwan kong tutok sa panonood si camaro ng NBA sa baba,dinig ko nga hanggang dito yung T.V kaya imposibleng marinig niya na kausap ko si archeus.

"Archeus"sinagot ko ang tawag.

"Sinaktan kaba ni Camaro,Swan?" iyon kaagad ang bungad niya.Inaasahan ko ng tungkol sa nangyare kanina ang sasabihin niya,dahil alam ko na nag alala siya saakin kaya siya tumawag.

"Hindi,Archeus.Ayos na kami."Tugon ko.

Nagpakawala siya ng buntong hininga."Buti naman,nag alala ako sayo."

Napangiti ako."Wag kang mag alala,ayos na kaming dalawa.Siya nga pala,pakisabi kay Gohan na pasensya na sa panggugulo kanina ni Camaro,humihingi rin ako ng despensa sa gwardya nila."dahil hindi na ako aasa pang ang lalakeng 'yon ang mismong hihingi ng despensa sa panggugulo niya pati na sa ginawa niya sa gwardya nila Gohan.

"Sige,sasabihin ko.Basta kapag sinaktan ka ni Camaro,tawagan mo kaagad ako.Itatakas kita sakanya,bukas ang bahay ko para sayo,Swan."

Panibagong ngiti ang sumilay saaking labi.Ang swerte ko na may ganito ako kabait at maalalahanin na kaibigan."Salamat,Archeus."ipinagpatuloy ko na ang paglalagay ng mga damit ko sa kabinet pagkatapos ng pag uusap namin ng kaibigan ko.

"Sinabi ko bang dito ka hihiga?"

Kaagad akong natigilan sa gulat nang maya maya'y biglang mangibabaw ang tinig ni Camaro.Hindi ko man lang napansin ang pagpasok niya o narinig ang mga yapak niya.Siguro may lahi toh ni minato namikaze,bigla bigla nalang darating nang hindi napapansin eh.

"Nakakagulat ka naman"Reklamo ko."oh eh ano naman sayo kung dito ako hihiga?"Pagtataray ko.

"Do'n ka sa kama ko ihihiga,gabi gabi tayong magkatabi sa iisang higaan."Nakakruss ang mga barasong aniya.

"Tapos ano?Gabi gabi mo kong..."hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

"Gabi gabing ano,Swan?"Panghahamon niyang tanong sakin sabay ngisi ng maloko.

"Ah,basta ayokong tumabi sayo."Saad ko't pinagpatuloy na ang ginagawa.Hindi ibig sabihin na fiance ko siya ay papayag na akong magkatabi kaming matulog gabi gabi,isa pa'y natatakot na baka kung anong gawin niyang kababalaghan saakin,mabuntis ako ng di sa oras.

Napasinghot singhot ako nang biglang may maamoy na sigarilyo,kaagad ko siyang nilingon na ngayon ay nakaupo sa sofa,nakadekwatro ang mga binti't nakapatong ang isang braso sa ibabaw ng sandigan ng sofa habang nagsisigarilyo.

"Dito ka patalaga magsisigarilyo!"Pasugod na saad ko sakanya.Ngunit ganoon nalamang ang gulat ko nang paglapit ko sakanya para sana agawin ang hinihithit niyang sigarilyo ay bigla niya akong inihiga sa sofa at kaagad naman siyang pumaibabaw saakin!Hindi ko alam kung saan niya itinapon ang sigarilyo.

balak ko sanang tulakin siya pero idiniin niya kaagad ang mga kamay ko sa sofa."Hindi na maaalis sa mag fiance ang may mangyareng romantiko sa pagitan nila,Swan."paanas na aniya."Sa magkaibigan nga nangyayare,saatin pa kaya?Kaya dapat ay masanay kana."

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon