Señorito 32

240 11 0
                                    

Nakita ko kung pa'no bumalatay sa mukha ni Mommy ang gulat dahil sa sinabi kong iyon.Hindi ako nagbibiro,seryoso ako.Hindi rin ako napipilitan,ngunit talagang gusto ko.Gusto kong pakasalan ang lalakeng alam kong mamahalan ako ng totoo,at si Archeus na'yon.Ramdam na ramdam ko ang pagiging totoo niya sa nararamdaman saakin,hindi tulad ni Camaro na wala akong kasiguraduhan.

"Hindi maaari!"Pagalit na giit ni daddy na napatayo pa mula sa pagkakaupo sa sofa."Kung meron man akong gustong pakasalan mo,yun ay ang ikatlong anak lamang ng Don Grei,Swan!"Asik pa niya.

"Pe-pero Daddy...hayaan niyo namang pong maging masaya si Camaro sa babaeng mahal niya...Huwag niyo po siyang piliting mahalin ako"patuloy parin sa pagbagsak ang mga luha kong giit.

"Sasayangin niyo lang ba ang mga ginastos namin ng Don Grei sa Engagement ninyo?Ha?....Ako ang mag de-desisyon,sa ayaw at gusto niyo magpapakasal kayo ni Camaro!Gusto ko na mapasaatin ang mga ari-arian ni Camaro lalo ang kanyang bukid!Kapag opisyal ka ng isang Grei siguradong aangat pa ang kompanya nating mga De Luca!"

Awtomatiko akong natigil sa pag iyak dahil sa mga naibulalas na iyon ni Daddy.Kung gano'n iyon ang dahilan kung ba't pilit niya kaming ipakasal ni Camaro.Dahin once na ma-ikasal na kami ni Camaro ay magiging akin narin ang mga ari-arian niya pati na ang mahiwas nilang bukid,maari ring ako na ang mag may-ari at dahil sa maimpluwensya ang mga Grei,paniguradong malaki ang maitutulong nila sa pag angat pa lalo ng kompanya ng mga De Luca.Kung gano'n ang mga napupunuod ko sa drama't pelikula ay nangyayare rin pala sa totoong buhay.

"Yun ba ang dahilan daddy?Kung ba't pinagkasundo mo kami ni Camaro?....Daddy,kaya naman po nating paangatin pa lalo ang kompanya natin nang hindi nagpapatulong sa maiipluwensya't kilalang mga tao,handito naman ako Daddy,pwedeng pwede akong tumulong sa'yo sa pagpapatakbo ng kompanya natin,gagawin ko naman po ang best ko basta magtiwala lang po kayo saakin."saad ko.Kahit naman ako ay ayokong bumagsak ang company namin dahil iyon ang nag iisang napakahalagang bagay na iniwan ni lolo kay Daddy at naiintindihan ko si Daddy na ayaw niyang biguin si lolo,tulad ng ipinangako niya'y papaangatin niya pa ito.Isa pa'y ang kompanya ring ito ang nagbubuhay saamin.

"Papaano,Swan?Sa paanong paraan mo ako matutulungan?E' kung kami nga ng Mommy mo nahihirapan sa pagpapatakbo ikaw pa kaya?"

"Daddy-"

"No buts,Swan.Para rin namn ito sa ikakabuti mo habang buhay.Just like what i said earlier,you like it or not,tuloy parin ang kasal.Wala ng magbabago pa sa Desiyon ko....Excuse me,Gusto ko ng mag pahinga."aniya't tinalikuran kami.

"Villermo!"tawag sakanya ni Mommy na ngayon ay umaakyat na ng hagdan ngunit hindi man lang lumingon si Daddy.Nagpakawala mg buntong hininga si Mommy't hinarap ako."Don't worry,Darling.I wil try my best na kausapin ang daddy mo tungkol dito"aniya habang hawak hawak ang magkabilang pisnge ko."Mas mabuting umuwi nguna kayo ni Archeus para makapagpahinga,ako na ang bahala sa daddy mo.Tatawagan nalang kita."

humihikbi akong tumango tango."Yes,Mommy."

Tipid na ngumiti si Mommy't pinahid ang mga luhang tumutulo sa pisnge ko."Stop crying,Darling.Maayos rin 'to."

Buomg byahe ay tahimik lang kaming pareho ni Archeus.Gusto kong magsalita pero kinakabahan ako,hindi ko kasi alam kung ano ngayon amg tumatakbo sa isip niya matapos kong sabihin kila Mommy'tdaddy na gusto ko siyang pakasalan.May oras na nililingon ko siya,deretso lang ang titig niya daan at wala kang mababasang reaksyon sa kanyang mukha.

"Archeus,galit ka ba?"Hindi ko na napigilan pang tanungin siya pagdating namin sa condo niya.

Nagpakawala siya ng buntong hininga't hinarap ako."Ba't kailangan mong sabihin 'yon,Swan?ba't kailangan mong gamitin ako?"

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon