Señorito 46

251 12 0
                                    

"Akin na ang bag mo."sabay lahad ng kamay niya saakin.Binigay ko naman sakanya ang hand bag ko,tumungo ulit siya sa bangka para ilagay ito doon.

Inaya niya akong maligo ulit do'n sa Cordelina.Since balak ko talagang mag relax relax ngayong sunday ay pumayag ako,miss ko narin kasi ang Cordeliana.Miss ko na ang malinaw na kulay asul na tubig do'n at white sand.

"Ikaw naman ang bubuhatin ko."Aniya pagkalapit muli saakin.Nakasuot ako ng bulaklakin na bestida,mahaba ito abot paa kaya no choice ako kundi ang hayaan siyang buhatin ako papunta sa bangka.

Nang maiupo niya na ako sa kahoy na upuan nitong bangka ay inayos ko ang suot kong hat,naisipan kong magsuot ng shades dahil masyado akong nasisilaw sa init,4 o'clock na pero ang init parin.Pinapaandar na ngayon ni Camaro ang bangka,paulit ulit niyang hinihila ang lubid hanggang sa mapaandar niya itong bangka,umiigting ang panga niya't sumasabay pa ang mga muscles niya sa likod at braso habang ginagawa iyon.

Nang papalingon na siya sa gawi ko ay agad akong bumaling sa ibang dereksyon.Narinig ko ang mga yapak niya papalapit rito hanggang sa maramdaman ko nalang ang pag upo niya sa tabi ko."Sabihin mo lang kung gutom ka,may mga pagkain akong dala.Pinaghandaan ko talaga ang pagpunta natin sa cordeliana."aniya hindi naman ako tumugon.

Ilang saglit pa'y muli siyang nagsalita."Tapsi tayo bukas?"

"Libre mo?"sabay baling sakanya.

Umukit naman ang ngiti sakanyang labi."Tinatanong pa ba'yan,Love?Oo naman syempre."

"Malay ko ba kung hindi."Mataray na saad ko.

"Hindi mo kailangang gumastos pag kasama mo'ko,Love."Sabay ngiti.Tch,naiinis ako sa paraan ng pagngiti niya saakin kaya inalis ko na kaagad ang paningin sakanya at muli itong ibinaling sa ibang dereksyon.

"Bukas na pala ang start ng intrams,Excited ka na ba?"sunod niyang tanong ulit.Hindi na uubusan ng katanungan.

"Sino naman ang hindi ma-e-excite?"tugon ko nang hindi siya nililingon.

"kaso nga lang magkaiba tayo ng team.Hindi kita makakasabay sa parade."Aniya.Mga 7:30 ng umaga bukas ay may magaganap na parade.Lahat ng students ay nasa kanya-kanyang team nila.Kaya hindi talaga kami magkakasabay na dalawa.

Pagkatapos no'n ay hindi na siya nag tanong pa.Buong byahe ay tahimik lang kaming dalawa,nakatanaw sa mga bulubundukin,ngunit may mga oras na nararamdaman ko ang pagsulyap-sulyap niya saakin,minsan ko na nga siyang nakita sa peripheral vission ko na nakatitig saakin nang may nakaukit na ngiti sa labi.Naiilang man ay tinitiis ko.

Pagdating namin sa cordeliana ay binuhat niya ulit ako paahon sa dagat.Nag ayos kaagad siya ng tent para daw kapag nag palit ako ng damit.Naglatag din siya sa buhangin ng mat kung saan ilalagay ang mga pagkain naming dala.Panay selfie lang ako habang siya'y abalang ginagawa ang mga iyon.Gusto ko nga sanang mag pa-picture sakanya,wala pa kasi akong whole body na picture karamihan ay selfie lang iyon nga lang ay busy siya,isa pa'y natatalo ako ng hiya kaya gumawa nalang ako ng paraan para maka-pic ako ng whole body.Naghanap ako ng mga malalaking bato na may mga crack at sa crack na ito ay dito ko ipinatong ng patayo ang phone ko at naglagay nalang ng timer para makapag pose ng mabuti.

"Do you mind if i help you,Love?"sulpot ni Camaro na ikinagulat ko ng bahagya.Mukhang nahalata niya atang nahihirapan ako sa pagkuha ng whole body picture ko.

"Huwag na.Ayos na'tong kuha ko."pagtanggi ko.

"Parang hindi naman,nagdadabog dabog ka nga."Aniya.Nakita niya siguro yung pag dabog dabog ko habang tinitingnan ko itong picture ko.Hindi naman talaga kasi maganda yung kuha,medyo madilim.Narinig ko ang pagbuntong hininga niya."Wag ka ng mahiya."sabay kuha ng phone ko sa kamay ko.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon