Señorito 24

252 11 0
                                    

"Bilang kaibigan mo,nasasaktan rin ako para sayo,Swan."Nalulungkot na utas ni Serrah habang nakaupo kami rito sa bench ng basketball court.

kwinento ko kasi sakanya iyong narinig kong pag uusap nila Aige,Aerhon at camaro kanina.Hindi naman siya makapaniwala dahil base raw sa kung paano ako itrato't alagaan ni Camaro ay para talagang mahal niya ako.Nalungkot rin siya para saakin nang makwento ko sakanya iyon.

"Tahan na,Wag ka ng umiyak,Swan."Pagpapatahan niya saakin saka pinunasan ang mga luhang tumutulo sa pisnge ko gamit ang panyo niya."May darating din naman na para sa'yo."

"Sana nga dumating na dahil ayoko ng tumagal pa sa piling ni Camaro na puro lang naman kasinungalingan."humihikbing saad ko.Pero yung totoo,tanging sa piling lang ni Camaro ko gugustuhing manatili.

"Mahihirapan kang layuan at iwasan siya,Swan.Dahil una sa lahat,Engage kayo.Paano mo magagawang makalayo kung nakatali ka na sakanya."aniya.

Umiling iling ako."Hindi,Serrah."giit ko."Gagawa parin ako ng paraan para makalaya siya mula saakin kahit gaano man kahirap.Sa oras na dumating si Amorie,ay unti unti ko na siyang lalayuan,ibabalik ko siya babaeng totoong mahal niya at sa totoong nag mamay-ari sakanya."Kahit gaano pa 'yan kahirap gagawa parin ako ng paraan psra mapawalang bisa ang engagement naming dalawa,nang sa ga'non ay makalaya na siya mula saakin.

"Makakaya mo ba talagang gawin 'yon,Swan?Kahit na alam nating mahal na mahal mo siya"

Hindi ko nagawang makasagot agad sa katanungang iyon ni Serrah.Masakit,sobrang sakit ng gagawing ito.Pero kakayanin ko para sakanya,para sa kasiyahan niya.Hindi niya man sabihin saakin ay alam kong si Amorie parin ang kasiyahan niya,sa piling parin ng babaeng mahal niya,siya tunay na makakaramdam ng saya.Kaya bakit ko siya ipagdadamot at isisiksik saakin kung alam kong hindi naman siya tunay na sasaya saakin.

"Kahit mahal ko siya,Serrah.Iisipin ko parin ang totoong kasiyahan ng lalakeng mahal ko."saad ko habang nakatingin sa kawalan at patuloy parin na bumabagsak ang mga butil ng luha sa pisnge ko."Ayokong maging selfish."dagdag ko pa."Sa simula't sapul si Amorie naman talaga ang totoong nag mamay-ari sakanya,dahil lang sa engagment na'yan kaya napa saakin si Camaro."kung sana kasi hindi nalang nangyare ang engagement na'yan wala sana ako sa sitwasyong ito,hindi ako umiiyak ngayon,nahihirapan at nasasaktan.

"Pero kasi....Nararamdaman ko na Mahal ka talaga ni Camaro,Swan."Aniya.

Umiling iling ako."Hindi,Serrah.Tulad ng sinabi ko kanina palabas niya lang ang mga ipinapakita niyang iyon saakin,ginagawa niya lang ang mga bagay na'yon para kila mommy't daddy.Hindi niya ako mahal,isa pa'y galing na mismo sa bibig ni Camaro na Mahal niya pa si Amorie."May 'sobra' pa nga.Kaya kahit ilang beses pa o araw araw pa akong sabihan ni Camaro ng salitang Mahal kita,niisang beses ay hindi ako maniniwala.

"Kung ibabalik mo si Camaro kay Amorie,siguro ngayon palang i-enjoy mo na ang sarili mo sa piling ni Camaro habang hindi pa dumadating si Amorie,Swan.Ayain mo siyang mamasyal,kumain kung saan saan,pumunta kayo sa mga magagandang lugar atlis kahit sa huling pagkakataon magkaroon kayo ng magandang alaala ni Camaro bago mo siya ipaubaya kay Amorie."Aniya.Iyon din naman ang nasa isip ko,na kahit sa huling pagkakataon rin ay maiparamdam ko sakanya ang pagmamahal ko.

Nang magpa dismissal na ang lecturer namin sa huling subject namin ngayong hapon ay tumungo na kaagad ako sa room nila Camaro,hindi pa sila dismissal nang dumating ako kaya napagpasyahan ko nalang na maghintay rito sa labas.Maya maya pa'y narinig ko ng nagpaalam ang lecturer nila.

"Good afternoon po,Ma'am Karoline."nakangiting bati ko sa lecturer nila Camaro nang lumabas na ito sa room,binati rin ako nito pabalik saka ginawaran ng magandang ngiti.

Sumunod naman na lumabas ang ibang kaklase ni Camaro,nagpapaunahan ang mga ito sa pagbaba.May ibang kababaihan na ang sumama ang awra pagkakita saakin,tinaliman pa ako ng tingin saka inirapan.'Tch,wag kayong mag alala,ibabalik ko si Camaro kay Amorie.' Dahil iyon lang naman ang alam kong dahilan kung ba't galit na galit sila saakin.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon