Señorito 23

234 12 0
                                    

"Pahinga nguna tayo."Saad ko kila Graciele saka kinuha ang aqua flask ko na nakalapag sa bench.Narito kami sa gym,pinagpractice kasi nila ako ulit ng isasayaw ko sa solo part.

"Sige,lets take a snack narin dahil nagrereklamo na tiyan ko."Ani aelyne at naupo sa sahig sabay lapag ng dalawang box na pizza na pinag-ambag ambagan naming bilhin.

Excited namang naupo si serrah sa sahig,basta kasi lamon laging excited ang patong 'yan.Naupo narin kami ni Graciele sa sahig at kumuha ng Pizza.Naka P.E jogging pants naman kami kaya ayos lang kung mag indian sit kami rito sa sahig.

"Ang tahimik mo ata ngayon,Swan.Ayos ka lang?Nag away ba kayo ni Camaro?"pag uusosyo ni Serrah.Napansin niya siguro kasi ang pagiging tahimik ko simula pa kanina.Actually kagabi pa ako ganito,aaminin kong dahil kasi do'n sa nakita kong picture ni Amorie.

Tipid akong ngumiti't umiling iling."Hindi kami nag away ni Camaro."Saad ko."Wala lang talaga akong gana ngayong mag ingay."Dahil nasasaktan ako,Oo tanggap ko na kailanman ay hindi ako mamahalin ng totoo ni Camaro pero hindi ko parin maiwasang masaktan.

Saglit na namayani ang katahimikan rito sa gym,naging busy sila serrah sa pagkakalikot ng kanilang telepono habang kumakain ng pizza,ako naman ay heto nakatulala.Iniwan ko kasi yung phone ko sa Bag kaya wala akong mapag abalahan.Si amorie at camaro ang tanging tumatakbo ngayon sa isip ko,nanlalambot ako sa tuwing naiisip ko na kapag dumating ang araw na bumalik si amorie ay maeetsapwera na ako sa buhay ni Camaro.Paniguradong iiwan niya ako at babalikan niya si Amorie,ano naman ang laban ko kay Amorie,Fiance niya lang ako samantalang si amorie ang mahal niya.

"Gaano ba kamahal ni Camaro si Amorie nung mga araw na sila pa?"Basta nalang iyon na lumabas sa bibig ko!Medyo nagulat nga ako e' dala siguro ng pag iisip ko kaya natanong ko iyon.Halata naman kila Serrah na medyo nagulat sila sa biglaang pagtanong ko sa bagay na iyon,nagtinginan panga silang tatlo,mukhang naguguluhan rin kung bakit na tanong ko iyon.

"Hindi kaba masasaktan kung mag kekwento kami?"Naninigurong tanong ni Ylenha.'Masasaktan,pero interisado akong malaman.'

"Hindi,ayos lang sakin.Interisado nga akong malaman e'."wika ko.

"Mahal na mahal ni Camaro si Amorie."Paninimula ni Aelyne."Masasabi namin na sa lahat ng naging babae ni Camaro si Amorie ang sineryoso ni Camaro.Dahil kay amorie nagbago si Camaro,tinigilan niya ang pambabae,pakikipag away at mga bisyo niya tulad ng paninigarilyo't pag inom ng alak.Tumino rin siya sa pag aaral,naging with honor nga siya noon na ikinagulat namin dahil sa pagkakakilala namin kay Camaro tamad pagdating sa mga school related activities.Hindi narin siya pasaway at tulog sa klase,panay na ang recite niya ng mga panahong 'yon,napaka-active niya na sa klase.Kaya nasabi namin na si Amorie ang babaeng minahal niya talaga ng totoo."Pagkekwento ni Aelyne.'ngayon ay bumalik nanaman siya sa bisyo niya,nagsisigarilyo nanaman siya't madalas na umiinom ng alak.'

"Nakakatuwa nga dahil laging excited si Camaro na ipakita kay Amorie ang mga nakuha niyang achievements."Sabat ni Graciele."minsan ko narin silang nakikita noon sa isang coffee shop na sabay na nag aaral at gumagawa ng projects o dikaya assignment."

"Ang nakakakilig pa ay napaka supportive ni camaro sakanya,majorette kasi si Amorie noon at kasali sa cheering squad,laging handyan si camaro para suportahan siya,gumawa pa nga siya no'n ng malaking banner na may mukha ni Amorie.Boses palagi ni camaro ang nangibabaw kapag si Amorie na ang rarampa sa stage,madalas kasing sumasali sa pageant si Amorie,naging Miss intrams na nga siya noon e'."kinikilig naman na kwento ni Ylenha.

Bawat pagkekwento nila tungkol kay amorie't camaro ay libo libo ring karayom ang tumutusok sa puso ko.NASASAKTAN AKO,SOBRA!"Gano'n niya pala kamahal ng sobra si Amorie"napababa ang tingin ko sa sahig.'kung hindi dahil sa'kin,hindi sana masisira ang relasyon nilang dalawa.Sila pasana hanggang ngayon,Kasalanan ko 'to.'

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon