Señorito 41

236 13 0
                                    

"All of you!Makinig kayong lahat sa'kin!Hindi si Swan ang totoong dahilan kung ba't nasira ang relasyon namin ni Amorie,hindi siya ang dahilan kung ba't naghiwalay kaming dalawa.Narinig niyo naman yung sinabi ko sakanya kanina hindi ba?'yon ang totoong dahilan kung ba't kami naghiwalay.Ngayon na alam niyo na ayoko ng marinig pa sainyo o malaman na sinisisi niyo pa si Swan tungkol sa pagkasira ng relasyon naming dalawa ni Amorie.Matagal na kaming tapos,kaya huwag na kayong umasa na magkakabilkan pa kami.Kung meron man akong gustong balikan ngayon,iyon ang relasyon namin ni Swan."

Sinend sa'kin ni Serrah itong video ni Camaro na nangyare kaninang tanghali.Hindi niya alam kung sino ang nag video nito,sinend lang daw sakanya nila Graciele.Kalat na daw ito sa buong university.Nagtataka ako at the same time ay naguguluhan,hindi ko alam kung ba't ginagawa ito ni Camaro,ang buong akala ko'y magiging masaya na siya ngayon na pinaubaya ko na siya kay Amorie.

Ano't habol parin siya ng habol saakin,ano't nais niya akong bumalik ulit sakanya e' siya na ito mismong nagsabi na ayaw niya akong maging asawa,ayaw niyang makasal sa malandi't nakakdiring babae,at sa pagkakaalala ko pa'y sinabi niya rin na si Amorie lang ang karapat dapat niyang mahalin at pakasalan.Ano't ngayon ay iba ang ipinapakita niya?Naguguluhan ako sakanya.Parte pa ba ito ng palabas niya?

"Señorita!Señorita!Señorita!"Nabalik ako sa wisyo nang biglang may magkakakatok sa pinto ng kwarto ko.Dali dali naman akong naglakad patungong pinto't binuksak ito,bumungad saakin ang hingal na hingal at kinakabahang si Tiya Lourdes isa sa mga maid namin.

"A-anong nangyare,tiya?"nag aalalang tanong ko.

"Ang Señorito Camaro,nagwawala sa labas.Hinahanap kayo."Aniya.

Agad namang gumapang ang kaba saaking dibdib."Sila mommy't daddy,asan po?"

"Naroroon na sa labas,Señorita."

"S-sige,tiya.Lalabas na po ako."saad ko't nagmamadaling bumaba ng hagdan.Naririnig ko na ang sigaw ni Camaro dito sa loob,pangalan ko ang paulit ulit niyang isinisigaw.Tila ba'y hinahanap ako.

"Nakikiusap ako,Señorito Villermo.Nais kong makausap ang Unica iha niyo."dinig kong pakiusap ni Camaro kay Daddy pagkalabas ko ng Mansion.

"Ano pa bang kailangan mo sa Anak ko,Matagal niya ng tinapos ang kasunduan namin ng Ama mo,Camaro."Maawtoridad na wika ni Daddy.

"Huwag mo ng guluhin ang anak namin,Cama-"

"Mommy..."sulpot ko dahilan para maputol ang sasabihin niya.Napalingon naman sila Mommy't daddy saakin."Ako na po ang bahala sakanya,Mommy.Pumasok na po kayo."Saad ko.

"Ayos na ba sayong kausapin siya,Anak?"hinawakan ni mommy ang magkabilang pisnge ko.

Tipid akong ngumiti't tumatango."Yes po."

Sabag na nagpakawala ng buntong hininga sina Mommy't daddy."Okay.Handito lang kami ng Mommy mo,tawagin mo lang kami kung magkaroon ng problema."Pagbibilin naman ni Daddy.Tumango tango naman ako."Let's go,Hon."Aya niya kay Mommy.Nilingon pa nila si Camaro bago tuluyang naglakad paalis.

Nagpawala ako ng buntong hininga't dahan dahang nilingon si Camaro."Ba't ka ba pumunta rito?anong bang kailangan mo?"Sa pamamagitan ng tinig at reaksyon ng mukha ko'y ipinapakita ko na hindi ako natutuwang makita siya rito.

"Swan..."lumapit siya't hinawakan ang mga palad ko."handito ako para humingi ng sorry sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa'yo,Swan.Hi-hindi ko sinasadya 'yon,Hindi ko gustong gawin 'yon,Sayo.Masyado akong nadala ng selos at galit,lasing rin ako no'n kaya hindi ko na talaga alam kung ano ang mga pinag-gagawa ko ng gabing 'yon.Hayaan mo sana akong bumawi ulit sa'yo,bigyan mo ako ng pagkakataong mahalin ka ulit.Nakikiusap ako,Swan."

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon