Señorito 66

274 16 0
                                    

Napagpasyahan kong pumasok muli,kahit na ilang araw nalang ang natitira bago kami magpaalam sa isa't isa.Balak kong sulitin ang natitirang araw na makipag-bonding sa mga kaklase ko dahil Graduating Students na kami.Sa susunod na pasukan ay hindi na kami magkakaklase pa,baka sa ibang iskwelahan na mag college ang iba kong kaklase o di kaya sa ibang bansa,isa pa'y iba iba narin kami ng course na papasukan kaya mababa ang tsansa na magkita kita pa kami.

Hindi ko maitatangging sabik na sabik ako ngayong pumasok.Sa kabila ng maraming activities,quiz,at project na hahabulin ay masaya parin ako.Binigyan ako ng chance ng adviser ko't subject teacher namin na ihabol ko ang mga kulang ko.Naiintindihan raw nila ang mga nangyare saakin nung mga nakaraan kaya naman pinayagan nila akong makahabol.Kaya ngayon ay sangkatutak ang bitbit ko.Mga librong pinag aaralan ko para sa mamayang exam at quiz,mga natapos ko ng activities at projects.

"Hinihintay kayo ng Señorito Camaro,Señorita."anunsyo saakin ni Manang Lourdes pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko.

"Ga-ganon ho ba?S-sige po,pasabi nalang na bababa na ako."utos ko't sinarado na muli ang pinto nang umalis na si Manang.

Dali dali kong nilagay sa bag ang mga gamit ko,kasama na doon ang isang envelope na punong puno ng mga pad paper kung saan ko isinulat ang mga activities.Hinawakan ko nalang din ang mga projects ko dahil hindi magkakasya sa bag ko.Pagkakuha ko ng mga gamit ko ay dali dali na akong naglakad palabas ng kwarto at bumaba na.Sumilay naman kaagad ang ngiti sa labi ko nang makita si Camaro na naroroon sa sala ngingiti ngiting kausap sila Mommy't daddy.Sa wakas ayos narin sila.

"Darling"nakangiting saad ni Mommy nang mapansin na paparating ako dahilan para maputol sa pag uusap sila Daddy't Camaro at mapatingin din sa gawi ko,tumayo silang pareho saka sinalubong ako ng mga ngiti.

Si mommy kaagad itong nilapitan ko,ginawaran ko siya ng halik sa pisnge pati narin si Daddy at pagkatapos ay ngingiti ngiting lumapit na kay Camaro.

"Aalis na po kami,Señorito...Señorita."magalang niyang paalam kila Mommy't daddy habang hawak hawak ako sa baywang.

"Sige,Mag-iingat kayo.Dahan dahan lang sa pagmamaneho,Camaro."bilin ni Daddy.

"Matik na ho 'yan,Señorito."tugon ni Camaro."Siya nga pala,Señortio....Magpapaalam sana ako kung pwedeng sa Mansion ko iuwi si Swan mamayang gabi."Magalang na paalam niya.

"Walang problema,iho."pagpayag ni daddy na ikinatuwa ko."Basta huwag mong kakalimutan ang limitasyon mo sa anak ko."bilin pa niya.As if naman na susunudin iyon ng pilyong 'to.Wala sa bokabularyo ni Camaro ang limitasyon pagdating saakin.Nabuntis niya na nga ako e'.

Nagpakawala siya ng mahinang tawa."Kung matitiis ko,Señorito."malokong tugon niya kay Daddy.

Kaagad ko naman siyang binatukan.Pero hindi naman masyadong malakas."pati banaman sa harapan ni daddy."nanunuway na bulong ko sakanya.Tumawa lang siya,pati na sila mommy't daddy.Kahit saan kailan talaga hindi na nawala ang pagiging pilyo'r maloko niya,kahit sila daddy't mommy pa ang kaharap niya.

Nagpaalam na nga kami kila Mommy't Daddy na aalis na.Habang nasa kalagitnaan kami mg byahe ay kwinento niya saakin ang mga nangyare nung wala ako.Natutuwa ako na malamang ayos na sila ni Kuya flavio,ng Don Grei at nila Aige at Aerhon.Mas lalo naman akong nasiyahan ng malamang ayos narin sila ni Archeus,magkaibigan na raw silang dalawa ngayon.Nagsisisi raw siya na pinaghihinalaan niya noon si Archeus at pinagsalitaan ng masasama,Nag kamali daw siya ng pagkakilala sa kaibigan ko.Ngayon alam niya na kung ano ang tunay na ugali't pagkatao ni Archeus,Matino at mabait.

Kwinento ko rin sakanya na alam na ni daddy ang tungkol sa pagbubuntis ko noon sa anak namin ni Camaro.Sa susunod daw huwag na raw akong maglilihim sakanila lalo na kapag isa itong problema,dahil hindi naman daw sila magdadalawang isip na tulungan ako.Pinagalitan nga ako ni kuya flavio ng malaman niya ang tungkol do'n sana raw sinabi ko sakanya,handa niya naman daw akong tulungan at alagaan.Alam kong nalulungkot at naaawa sila sa sinapit ng magiging anak sana namin ni Camaro,maging ako ay gano'n din pati na si Camaro ngunit wala na akong magagawa,hindi ko na maibabalik pa ang panahon na'yon.Basta ngayon natutunan ko na ang pagkakamali ko.At kapag dumatung yunh araw na magkakaanak ulit kami ni Camaro,pangako ko sa sarili ko na hindi na ako papayag mawala ito.Hindi ko na kaya pang mawalan ng anak.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon