Señorito 62

266 12 0
                                    

Gallardo Camaro Grei Punto De Vista

"Swan..."marahan kong hinila si Swan palapit saakin saka ginawaran siya ng mahigpit na yakap.

Hindi ko akalaing naririto siya.Ang buong akala ko ay iniwan niya na talaga ako.Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyare ngayong araw.Ang akala ko ay huli na ang lahat para saamin ni Swan.

"Thanks for coming,Love."anas ko habang mahigpit paring nakayakap sakanya."Akala ko iniwan mo na talaga ako."

Kumalas siya sa yakap,hinawakan ang magkabilang pisnge ko at nanunubig ang mga matang tinitigan ng deretso ang mga mata ko."I'm sorry,Love."isang butil ng luha ang dahan dahang pumatak sakanyang pisnge.I'm so sorry kung hindi kita pinakinggan,kung hindi ako naniwala sayo kaagad.Sorry din kung sumuko kaagad ako."sunod sunod ng bumuhos ang mga luha niya.

"Hindi mo kailangang mag sorry,Love."marahan kong pinunasan ang mga luha niya sa pisnge gamit ang magkabilang hinlalaki ko."Sapat na saakin ang ginawa mo kanina.Masaya na ako na makita kang naririto."

"Akala ko tuluyan ka ng mawawala sa'kin,Camaro..."humihikbing aniya."H-hindi ko kaya."umiling iling na saad niya."H-hindi ko kaya,Camaro.Hindi ko kayang mawala ka sa'kin."mas marami ng luha ang kumakawala sa mga mata niya habang paulit ulit na sinasabi ang mga katagang iyon.

Hindi ko na siya napigilan pang yakapin ulit."Kahit ako,Hindi ko kayang mawala ka sa'kin,Swan.Mahal na mahal kita."

Sana huli na'to,ayoko ng maulit pa ang mga nangyare saamin.Ayoko ng ipagtabuyan niya ulit ako,iwan at sukuan.Kung may darating man ulit na pagsubok saaming dalawa,nangangako ako na mas tatatagan ko pa ang loob ko.Ipaglalaban ko siya kahit anong mangyare.Ayoko ng maulit pa'to,dahil mababaliw ako.

"Masaya ako para sainyong dalawa."

Napakalakas kami sa yakap at napalingon sa babaeng ngayo'y nasa harapan namin,nakangiti saaming dalawa.

"Marghot"sambit ni Swan sa pangalan nito saka niya ito niyakap na bahagyang ikinagulat ni Marghot."Salamat,Marghot."

"Wala kang dapat ipagsalamat,Swan."niyakap niya pabalik si Swan."Ginawa ko lang kung ano ang tama."

Buti nalang dumating siya.Dahil kung hindi tuluyan na kaming ikinasal ni Amorie at tuluyan na sanang nawala saakin si Swan.

"Bilang ganti ko narin sa'yo sa pagtulong mo saakin nung intrams."Dagdag pa nito.Kung gano'n siya ang tinutukoy ni Swan na tinulungan niya kaya siya natagal na bumalik nun sa court.Hindi niya kasi naikwento ang lahat ng nangyare saakin.

"Buti nalang dumating ka,Marghot."kumalas sa yakap si Swan at hinawakan ang mga palad ni Marghot."tatanawin ko na utang na loob ang pagtulong mo sa'min."

"Hindi,Swan.Hindi mo kailangan.Tulad ng sinabi ko kanina ganti ko iyon sa pagsagip mo saakin mula sa ex boyfriend ko pati na kila Ylmas.Kung hindi ka dumating,malala sana ang lagay ko hanggang ngayon dahil sa pambubugbug nila."

Ylmas?

"Sinong Ylmas?"hindi ko napigilang mag tanong.

"Kaibigan ng ex boyfriend ko at ka-myembro din nila Amorie sa Gang na pinamumunuan ni Tradd Seymour."

Naalala ko nung gabing nasa club kami kung kailan nagkita kami nila Seymour at isiniwalat saamin ang panloloko ni Amorie,nasabi nga ng demonyong 'yon na kabilang si Amorie sa Grupo nila,ngunit hindi niya sinabi na siya itong namumuno sa grupo nila.Hindi ko akalaing magagawa ni Amorie na sumama sa Grupo ng demonyong 'yon.

"Buti nalang nakulong na sila Seymour.Matatahimik na rin ako pati na ang kuya ko.Napilitan lang talaga kami ng kuya ko na maging bahagi ng Grupo nila."Kwento niya.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon