Señorito 18

311 15 0
                                    

Dahil excited akong mamasyal sa Hacienda ng mga Grei ay maaga akong gumising,tulog pa si Camaro nang magising ako.Dahan dahan akong bumangon,pagkatapos ay sinundot sundot ang pisnge ni Camaro gamit ang hintuturo ko para gisingin siya.

"Swan"Ganoon nalamang kagwapo ang namamaos niyang boses nang sawayin ako,pagkatapos ay tumalikod ng higa saakin.

Napasimangot naman ako."Sabi mo ipapasyal mo ako ngayon sa hacienda ninyo"nakasimangot na wika ko,ngunit nakakaasar dahil wala akong natanggap na tugon mula sakanya.Nakakainis!"Camaro naman e'!"niyugyog ko siya.

Narinig ko siyang humagikhik.Inaasar nanaman ako ng pilyong 'to e'!"Masyado kanamang excited ang aga aga pa."aniya habang bumabangon.Nilingon niya ako,saglit niya akong tinitigan,maya maya pa'y ngumiti siya.

Bahagya namang nag salubong ang kilay ko't napanguso."Bakit?"nakangusong tanong ko.

"Good morning"aniya sabay halik sa labi ko.

Siya ulit ang nagluto ng almusal naming dalawa.Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nag presintang maghugas ng mga pinagkainan,siya naman itong nag ayos ng mga kalat sa lamesa.Ngayon ay busy na siya sa pagva-vacuum,Yaman talaga ng pilyong 'to.Sa'min walis at dustpan lang.

"Ang ganda ko"kinikilig na tili ko habang sinasalamin ang sarili ko.Mas lalo akong gumanda sa outfit ko ngayon.Naka-over all denim jumper ako,na may punit punit pa sa may bandang tuhod,ang pangilalim na damit namang suot ko ay sleeveless na crop top na color white habang ang sapin ko naman sa paa ay timberland na boots,color brown.Hinati ko sa dalawa ang buhok ko saka sinalapid ito,nag suot rin ako ng kalong brown.Oh, diba pang cowgirl lang ang datingan ko!

"Tama na ang pagpapaganda,Swan."Kaagad akong natigilan nang maramdaman ang pagyakap sa'kin ni Camaro sa likuran.Ipinatong niya ang kanyang baba sa balikay ko't tinitigan ang repleka ng mukha ko sa salamin."Masyado ka ng maganda,baka hindi na kita niyan payagang lumabas."Aniya.

Suminangot naman ako."Nangako ka sa'kin na ipapasyal mo'ko sa hacienda at farm ninyo,dapat tuparin mo'yon."saad ko.

Humagikhik naman siya."Oo nga,kaya tara na."

Ang parang robbot niyang motorsiklo ang ginamit naming sasakyan papunta sakanilang hacienda,may mga cotse naman siya pero hindi ko alam kung ba't hindi niya ito ginagamit,itong motorsiklo niya ang madalas niyang gamitin kung may pupuntahan siya.Siguro ay mas hilig niya ang motor kesa sa cotse.Pagkarating namin ay binati kaagad kami ng mga naabutan naming tauhan nila na taga-pag alaga ng kanilang pananim at mga alagang hayop.

"Kay ganda mo namang dilag,Señorita."Puri saakin ng medyo may katandaan ng babae habang nagdidilig ito ng mga tanim na sili.

"Salamat po."Nakangiting saad ko."tulungan ko na po kayo sa pagdilig,Tiya."presinta ko.

"Naku,Señorita.Huwag na,trabaho ko po ito.Salamat nalang sa pagmamagandang loob ninyo."Nakangiting aniya.Napanguso naman ako,gusto ko sanang tumulong e'!

"Swan!"biglang nangibabaw ang boses ni camaro.Kaagad naman akong napalingon sakanya na ngayon ay naglalakad palapit rito,kanina kasi may kinausap siyang tauhan nila.

Habang naglalakad siya palapit rito saakin ay hindi ko naiwasang mapatitig sakanya,bigla nalang siyang bumagal sa paningin ko.Ang gwapo niya,Naka-checkered siyang longsleeve na polo,na ang kulay ay pinaghalong red at black,nakakaluskos naman ang manggas nito hanggang sa kanyang siko,bukas ang butones hanggang sa may bandang dibdib niya at naka-tuck in ito sa maong niyang pants na may belt na brown.Medyo fit ang polong suot niya kaya bakat ang hugis ng katawan niya pati na ang mga muscles niya sa braso,iyong sapin naman niya sa paa'y brown na sapatos na patalim ang nguso,at tulad ko ay nakasuot rin siya ng cowboy hat,ngunit itim ang sakanya.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon