Wakas

378 10 2
                                    


Theme song:PUSONG LIGAW.

"Masaya ako na suot suot mo parin ang sing sing na'to sa kabila ng mga nangyare saatin,love."

May ngiti sa labi niya habang hawak hawak ang isang kamay ko kung nasaan naroroon nakasuot ang pinagmamasdan niyang kumikislap na singsing na binigay niya saakin nung gabing tinanong niya ako kung maaari bang maging Fiance niya ulit ako.Nakaupo kami rito sa ilalim ng puno at sabay na pinagmamasdan ang malaki't mahiwas na bukid na pagmamay-ari niya.Napapagitnaan ako ng dalawa niyang hita habang nakasandig ako sa dibdib niya at nakayakap saakin ang isang braso niya.

"Ipinangako ko kasi sa sarili ko na kahit anong mangyare hinding hindi ko aalisin ang singsing na'to na ibinigay mo saakin,kahit magkahiwalay man tayo.Dahil isa 'to sa magiging alaala na may isang Gallardo Camaro Grei na nagmahal saakin ng sobra."

Kung nagkataon man na hindi kami ang nagkatuluyan sa isa't isa.Hinding hindi ko parin aalisin ang singsing na'to saaking daliri,iyong singsing na tinapon ko noon sa pagmumukha niya nung araw na nag-away kami ay hindi ko na alam kung saan napunta,nagsisisi ako na ginawa ko iyon kaya ngayon ay hinding hindi ko na talaga aalisin ang singsing na'to a daliri ko kahit na ano pang mangyare.Ito lang ang magiging alaala ko sakanya,sa mga magaganda't masasayang araw na magkasami kami at sa kung paano niya ako pinagsilbihan at minahal.Ngunit labis ang sayang nararamdaman ko na saakin parin siya ngayon,na ako parin itong babaeng kasama niya't yakap yakap niya.Ang buong akala ko ay mawawala na siya saakin ng tuluyan.Hindi ko alam kung kaya ko pa bang mag mahal ng ibang lalake kung nagkataon mang mawala siya saakin.Sakanya ko binuhos lahat ng pagmamahal ko kaya hindi ako nakakasiguro ko mayroon paba akong maibibigay na pagmamahal sa ibang lalake.Masyado ko siyang minahal,mas labis pa sa labis.

"Hindi na ako papayag pang magkahiwalay ulit tayo,Love.Hindi ko na gusto pang mawalay ka saakin."Binitawan niya ang kamay ko't niyakap ako ng mahigpit.Sa higpit palang ng yakap niya'y ramdam na ramdam ko na ayaw niya na talagang magkahiwalay pa kaming dalawa.

"Ako rin"emosyonal ko siyang nilingon ko siya sa may kanang balikat ko kung saan naroroon ang naka-pwesto ang kanyang mukha."Hindi ko na gusto pang magkahiwalay tayo,ayoko ng mawalay ka pa ulit saakin,Camaro."

Sumilay ang emosyonal na ngiti sakanyang labi at saglit na napatitig sa mga mata ko,maya maya pa'y tumayo siya mula sa pagkakaupo saka inalalayan rin akong makatayo."Talaga bang ayaw mo na akong mawala sa'yo,Love?"Hawak hawak niya ang magkabilang pisnge ko ngayon."Talaga bang hindi mo na gusto pang magkahiwalay tayo?"

Umiling iling ako't hinawakan ang mga kamay niyang nasa pisnge ko."Hinding hindi ko na gusto pang mangyare iyon,Camaro.Bakit ko pa gugsutuhin na halos mabaliw ako nung malaman kong buntis si Amorie at lalong lalo nung malaman kong ikakasal kayo."Nanubig ang mga mata ko nang maalala ang mga pangyayareng iyon.Nanghihina ako sa tuwing naaalala ang mga iyon.

"Kaya mo ba saaking patunayan na talagang ayaw mo ng magkahiwalay pa tayong dalawa,Love?"sunod niyang tanong saakin.Hindi ko alam kung bakit itinatanong niya ito saakin at sinisiguro gayong alam niya naman ang magiging sagot ko.

"K-kaya kong patunayan 'yon,Camaro."

Ngumiti siya."Kung gano'n,tatanungin kita.."at pagkatapos ay awtomatiko nalamang akong natigilan kasabay ng pag awang ng aking labi nang lumuhod siya sa harapan ko.Hinawakan niya ang dalawang kamay ko't emosyonal na nag angat saaking ng tingin.

"Will you mary me,Swan Aruelia De Luca?"

Kumalabog ang dibdib ko sa gulat at mas lalo akong natigilan dahil sa nakakagulat na katanungang iyon na lumabas sakanyang bibig.Tama ba ang narinig kong iyon o nagkakamali lang ako?totoo ba ang nangyayareng ito o panaginip lang ba?Malakas at mabilis ang pintig ng puso ko ngayon,nagwawala ang sistema ko paulit ulit din na dumadagundong sa pandinig ko ang katanunga niyang iyon saakin.Hindi ko inaasahang maririnig ko iyon mula sakanya ngayon.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon