Señorito 49:INTRAMURALS

215 10 0
                                    

"DEFENSE!DEFENSE!DEFENSE!DEFENSE!"

"OFENSE!OFENSE!OFENSE!OFENSE!"

"SOLID!SOLID!SOLID!SOLID!SOLID!"

"GO SOLID!WOOOHOOOOOO!"

"SOLID LANG MALAKAS!"

Cheer ng mga Team solidarity ang nangingibabaw ngayon sa buong sulok ng Gym dahil lamang na lamang na sila.Umpisa palang ay ginalingan na kaagad ng mga player ng solidarity sa paglaro,lalo na ni Camaro.Lahat ng skills ay magaling siya,sa pag assist,pagdepensa,pag opensa,rebound at pag-shoot.Totoo nga ang sabi na magaling siyang mag basketball,mapapahanga ka talaga.Kung siguro hindi ko siya kilala,paniguradong siya kaagad itong mapapansin ko hindi lang dahil sa husay niyang mag basketball kundi dahil rin sakanyang taglay na nakakaakit na kagwapuhan.

"BAWI!CORRES!KAYA NIYO 'YAN!"

"CORRES!CORRES!CORRES!CORRES!"

"LABAN CORRES!LABAN!"

Nadagdagan ang puntos ng Team corres nang mai-shoot ng isang myembro ng team namin ang bola sa ring,3 points shot panaman kaya nabawasan ang lamang ng Team solid sa Team corres.Ang ganda ng laro,lahat ng player ng dalawang kupunan ay magagaling,hindi kaagad agad pumapayag na matalo kaya ginagalingan talaga nila,lalo na ng boyfriend ko.

Maya maya pa'y saglit ngunang pinahinto ang laro para magpahinga ng ilang minuto,para narin uminom ng tubig at mag plano.Ang buong akala ko ay sasama si Camaro sakanyang mga ka-team ngunit tumakbo siya papunta rito saakin.Sinundan ko siya ng tinggin na ngingiti ngiting papalapit rito sa gawi ko.

"Excuse me,Excuse me,Makikidaan po..."dinig kong magalang na wika niya sa mga estudyanteng nakaharang sa daraanan niya.Napansin ko naman ang tilian ng ibang kababaihan na nadadaanan niya.

"Love..."malawak ang ngiting aniya nang makalapit na sa akin.

"ba't hindi ka sumama sa mga ka-team mo?baka hanapin ka ng coach niyo,mapagalitan ka pa."saad ko.

"Pagod kasi ako,Love."paliwanag niya.

"kung gano'n naupo kanalang sana do'n sa bench niyo."

nagpakawala siya ng buntong hininga't hinawakan ang magkabilang pisnge ko."Ikaw ang kailangan ko para makapag-pahinga ako hindi upuan,Love."

Napahagikhik ako."Dami mong alam"at mahina siyang tinulak sakanyang dibdib."By the way,may dala akong tubig at pamunas dito sa bag."dali dali kong hinubad ang backpack ko na nakasaklay sa likod ko saka nilapag ito sa upuan,ang style ng mga puan dito ay pahaba,parang hagdan,bleachers ang tawag."nagdala talaga ako para sayo."saad ko sabay abot ng pamunas at aquaflask ko.

"Ang sweet talaga ng ,Love ko."nakangiting niya sabay lagok ng tubig.Pagkatapos ay nagpunas na siya ng pawis niya.Ang matamis na ngiti sa labi ko ay nanatiling nakaukit habang pinagmamasdan siyang nagpupunas ng kanyang pawis sa buhok,noo't braso.

"Love..."malambing niyang tawag.

"hmmm..."tugon ko habang nilalagay ang pamunas at ang aquaflask ko sa backpack ko."Bakit?"tanong ko nang harapin ko na siya.

Ngunit ganon nalamang ang gulat at kaba ko nang bigla niyang hapitin ang bewang ko palapit sakanya.Namimilog ang mga mata ko at bahagyang nakaawang ngayon ang bibig ko habang nakatitig sakanya na ngingiti ngiti ngayon saakin.Masyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa,ano nalamang ang sasabihin saamin ng mga taong nakakakita saamin ngayon.

"Alam mo bang ang saya saya ko ngayon,Love."Aniya sabay ipit ng tirang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko."For the first time narinig ko rin na tinawag mo'kong Love."hindi maalis alis ang malawak na ngiti sa labi niya mukhang masayang masaya nga siya ngayon dahil bakas na bakas ito hindi lang sakanyang mukha kundi pati narin sakanyang kulang abong mga mata.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon