Señorito 17

304 16 0
                                    

"Hindi ka na batalaga nilalagnat,Love?"Tumabi sa'kin si Camaro habang nanonood ako rito sa sala ng sinusubaybayan kong telenovela,Tierra de reyes.Kumakain pa ako ng hotdog habang nanonood.

"Hindi na"tugon ko habang nakatutok parin ang tingin sa T.v.Kinikilig kasi ako e,ang ga-gwapo ng mga actor na'to at ang ha-hot pa,nakaka-tulo laway ang mga abs.Kaunti na nga lang ay tumulo ang laway ko rito,pinipigilan ko lang.

"Tch!"kilig na kilig ako nang biglang patayin ni Camaro ang T.v!

"Ba't mo pinatay!"asik ko sakanya na ngayon ay nakabusangot na ang mukha."Akin na nga 'yan!"Tumayo ako para subukang agawin sakanya ang remote ngunit mabilis niya itong inilayo saakin."Ibigay mo na sa'kin,Camaro!"inis ng saad ko.

"No!"mariing asik niya."Kung dahil lang sa abs ng mga lalakeng 'yon kaya nanonood ka,Hindi na kita papayagan pang manood no'n."

"Camaro naman e'!"pagdadabog ko."Mga actor 'yon,Camaro.Hanggang titig lang naman ako sakanila e'!"Nagsisimula nanaman kasing magselos kaya ganyan nanaman siya,Galit nanaman.

"Ba't kailangan mo pang tumitig sa abs ng ibang lalake,E' meron naman ang asawa mo!Pwede mong titigan kahit anong oras mo pa gustuhin,kahit hawak hawakan mo pa,walang problema sa'kin,hindi ko 'to ipagdadamot sayo dahil iyong iyo 'to!"asik niya.Napaka-seloso talaga ng pilyong 'to!Kahit actor pinagseselosan!Pero aaminin kong kinilig ako sa mga sinabi niya.

"Tch"nakasimangot akong naupo sa sofa saka ipinagkruss ang dalawang braso.

"Kahit mga actor pa'yan,Pagseselosan ko parin 'yan,Swan."muli siyang naupo sa tabi ko.Kinuha ko nalang ang platito kung saan nakalagay ang kinakain kong hotdog at muling pinagpatuloy ang pagkain nito."Tch!"ganoon nalamang niya ako kabilis na napaupo sakanyang mga hita."Wag ka na ngang sumimangot diyan,ayokong tumititig ka ng gano'n sa ibang lalake,talagang mag seselos ako,tanging ako lang ang pagpantasyahan mo,at gusto ko na ako lang ang bida sa mga mata mo,Swan."Aniya.

Nilingon ko siya."Okay."saad ko sabay ngiti."You want?"itinapat ko sa bibig niya ang hotdog na may kagat ko na.Umangat ang kabilang sulok ng labi niya't saglit akong tinitigan.Akmang kakagat na sana siya nang mabilis ko itong inilipat sa bibig ko sabay subo.Hahaha!

"Tch!Nakuha mo patalagang asarin ako,nagseselos na nga ako,Swan."inis na aniya,tawa-tawa namam ako habang ngumunguya."Imbes na lambingin mo ako,hindi dahil nakuha mo pang asa-"Kaagad ko siyang ginawaran ng halik sa labi,dahilan para matigilan siya't hindi na naituloy pa ang sasabihin.

Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya."I love you."sabay ngiti ng matamis,mas matamis pa sa asukal.Nakita ko kung pano namilog ang mga mata niya't umawang ang bibig matapos kong sabihin iyon.Oo,Camaro,Hindi na lang ito paghanga o pagkagustong nararamdaman ko,Mahal na kita.' Sandali kaming nagkatitigang dalawa.Maya maya pa'y nagsalita na ako,lumalalim na kasi ang titigan naming dalawa."Magluluto na ako."saad ko't tumayo na.

Wala akong narinig na tugon niya sa sinabi ko,inaasahan ko na iyon.Ba't ako aasang may itutugon siya pabalik saakin,ang kapal naman ng mukha ko.Una sa lahat hindi naman ako si Amorie kaya imposibleng mag 'I Love you too' siya saakin.Mahal ko siya pero habang minamahal ko siya ay kasama naroon ang pagtanggap na hindi niya iyon maibabalik saakin,kasama na doon ang pagtanggap na kailanman ay hindi niya ako mamahalin.Sa tuwing nababanggit niya na mahal niya ako,ay ang salitang imposible kaagad ang sinasabi ng utak ko,maloko siyang tao paniguradong ganito rin siya sa mga naging babae niya.Maliban kay amorie,dahil siya ang totoong mahal ni Camaro.

"Aerhon si Camaro?"Tanong ko sa isa sa mga kaibigan ni Camaro isang martes ng umaga.Snack time na kasi,akala ko susunduin niya ako sa room dahil iyon lagi ang ginagawa niya pero laking gulat ko na wala akong nadatnan camaro sa labas ng room namin kaya pinuntahan ko nalang siya rito.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon