Señorito 40

251 11 0
                                    

"Aalis na po kami,Mommy!"nakangiting paalam ko't ikinawaykaway ang isang kamay sa nakangiting nakatanaw saamin na si Mommy.

"Bye,Darling!Take care!"at nag flying kiss saakin.

Araw araw na akong hatid sundo ni Archeus.Sabay na rin kaming kumain every snack and lunch.Kapag mamasyal naman ako kung saan saan ay lagi ko siyang kasama.May mga araw na bumibisita ako sa condo niya at minsan ay do'n na ako nagpapagabi.Medyo naka recover narin ako sa mga nangyare,naging tahimik narin ang buhay ko't hindi na ako ganoong pinaparinggan at iniirapan ng mga studyante sa University,isa sa mga ikinanatuwa ko.Nabawasan narin ang bigat ng utak at puso ko hindi tulad ng dati na halos ay sumabog na ito.

"Natutuwa ako para sa'yo,Sis.Halatang wala ka ng pinoproblema ngayon,mas naging blooming ka pa.Iba pala mag alaga ang isang Archeus."napakadaldal talaga nitong si Serrah,hindi na nag bago kahit ano ano parin ang pinagsasabi.Nagtawanan nalamang kami nila Graciele at iniba ko narin ang topic nang sa gank'n ay tumigil na siya sa kakatukso saakin kay Archeus.

Inilipat ko ang usapan tungkol sa mga lesson ng kada subject.Ilang saglit pa'y dumating na ang lecturer namin para sa unang subject.Kailangan ko ngayong bumawi,kaya nakinig talaga ako ng maigi at nag recite.Buti nalang din ay mababait ang mga lecturer rito kahit strikto,dahil pinayagan nila akong gawin at ipasa ang mga na-missed kong activities nung mga araw na absent ako.

Maya maya pa'y nag ring na ang bell,senyas na oras na para mag snack.Dali dali ko ng niligpit ang mga gamit ko nang sa-gano'n ay makapunta kaagad ako sa cafeteria at maka-oder kaagad ako ng pagkain, gutom na gutom na kasi ako.Kapag binagalan ko pa kasi ay paniguradong aabot ako roon na mahaba nanaman ang pila.

"Uyy,nagmamadali excited makita si Archeus."iyon nanaman ang panunukso saakin ni Swan,nagsi-Ayei naman ang mga kaklase ko at hindi nagpahuli roon sila Graciele.

"Ewan ko sainyo."natatawang saad ko saka tinalikuran na sila.Panigurado naghihintay na'yon si Archeus sa labas,maaga kasi ang snack time nila,mas nauuna pa sa bell,nakakahiya naman kung babagalan ko ang kilos ko baka nangangalay na ang mga binti no'n sa kakahintay saakin.

Ngunit pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay kaagad akong natigilan at gulat na napatitig sa lalakeng ngayo'y nasa harapan ko.Mukha ni Archeus ang inaasahan kong bubungad saakin ngunit nagkamali ako.Anong ginagawa niya rito?!Ano't nagpakita pa siya saakin?!

"Love..."palipat lipat ang tingin niya sa namimilog kong mga mata.

Gano'n nalamang ang biglaang pagkalabog ng dibdib ko nang sambitin niya ang salitang iyon,Hindi ko rin inaasahang magagawa pa nito lalo na ng kanyang malambing na tinig na palambutin ang puso ko gayong napakatagal ko na itong hindi naririnig.Mabilis ang tibok ng puso ko ngayon at may parte saakin na natutuwa na marinig ulit iyon mula sakanya.

Hindi pwede!Hindi na ako maaari pang makaramdam ng ganito sakanya.Naka-move-on na ako,ayoko ng maloko't masaktan pa ulit.Maawa ka sa sarili mo,Swan.Huwag ka ng papayag na gamitin pa ulit.

"Love.."Akmang lalampasan ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang braso ko at mabilis akong hinila palapit sakanya saka ako niyakap na muling ikinagulat ko at mas naging dahilan para tumindi ang lakas at tibok ng puso ko.Ano nanaman bang palabas ito,Camaro?!

"Swan..."

Panibagong gulat ang naramdaman ko nang biglang mangibabaw ang tinig ni Archeus.Sa pagkataranta'y hindi ko sinasadyang maitulak si Camaro palayo saakin."T-tara na,Archeus."

"Love,please..."napapikit ako sa inis nang muli niyang mahuli ang braso ko para pigilan ako.

"Tigilan mo na ang palabas na'to,Camaro."saad ko sabay alis ng kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko.Saka ko lang napansin ang mga studyanteng ngayo'y nakatingin saamin.Nakakahiya,baka kung ano nanaman ang isipin nila saakin.Kaya nangamgati na akong umalis.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon