Señorito 9

382 12 0
                                    

Nagising ako nang wala ng suot suot na kahit anong saplot pantaas!At nakakalat na ang damit ko't bra sa sahig.Peste talaga,walang ibang gagawa nitong iba kundi ang pilyong yon!Agad akong bumangon sa kama't nagbihis saka nag martsa pababa.Nadatnan ko siya sa kusina,nagluluto.

"Ang bastos mo talaga!Ang bastos mo!Sa susunod hindi kana makakatabi pa sa'kin!"pinagpapalo ko siya.

"Aray!Ano ba,Swan!"todo iwas naman siya."Concern lang naman ako kaya ko tinanggal yung bra mo, masamang natutulog ng naka bra,baka magka-cancer ka ."Pag dedepensa niya sakanyang sarili.

"Concern ba ang tawag do'n?pati damit ko hinubad mo?!"Asik ko.

Ngumisi siya't ipinagkruss ang mga braso."Hindi ko na tiis eh."malokong aniya.Sabi ko na nga ba't Hindi talaga ito makakatiis na may gawin saakin habang tulog ako.

"Sa susunod hindi kana makakatabi pa sa'kin!"Asik ko't padabog na umakyat pabalik sa kwarto.

"Ganyan ka ba mag Goodmorning?!Ang sweet ha!"Sigaw niya sa baba.Hindi na ako nag abala pang tumugon,dere-deretso na akong pumasok sa kwarto.

Tumungo kaagad ako sa banyo't hinubad ang bra't damit ko.Pagkahubad ko'y tumambad kaagad saakin ang maliliit na pula pula sa leeg ,balikat at dibdib ko,namumula mula pa ang tuktok ng malulusog kong dibdib,medyo mahapdi pa nga eh.Napaka-pervert talaga ng lalakeng 'yon!

Sinuot kong muli ang bra't damit ko saka naghilamus at tinali ang buhok.Pagkatapos ay muling bumaba para mag almusal.Naabutan ko siya sa dinning area,isa isang inihahain ang mga niluto niya.Sinangag,itlog at hotdog.Hindi ko naiwasang mapatingin sa nakabalandra niyang Toned muscles at 8 pack abs niya,pati na sa straight,tight and hot adonis belt niya.Pati banaman sa pagluto,ang Hot niya paring tingnan,kung isa siya siguro sa mga modelo ng brief sa magazine,paniguradong uulit ulutin ko siyang tingnan.

"Tinimpalahan na kita ng gatas."aniya.

"Kape ang gusto ko."saad ko't naupo.Gatas talaga ang iniinom ko,naiinis lang talaga ako sa ginawa niya kaya gusto kong magtaray.

"Mas maganda ang gatas sa kalusugan,Swan."inilapag niya sa tapat ko ang tinimpla niyang gatas.Hindi na ako nag inarte pa't ininom ko na ito.Habang iniinom ko ang gatas na tinimpla niya'y nilagyan niya na ng kanin ang plato ko."Anong gusto mo,itlog,hotdog o yung saakin?"Bigla akong nasamid dahil sa katanungan niyang iyon.

"Hindi na talaga sayo mawawala ang pagiging bastos noh?!"asik ko sakanya,ngunit mas lalo lang akong nainis dahil nakuha niya pang tumawa.

"Malay ko ba kung gusto mo yung saakin"Ngingisi ngising aniya sabay kindat ng maloko.

"Tch!"Inis kong kinuha sakanya ang plato ko.Tumusok ako ng dalawang hotdog at naupo na.Nagsimula na akong kumain at hindi na siya pinansin pa.

"Binibiro lang kita,galit na galit ka naman kaagad."aniya't naupo na sa may tapat ko.Nagsimula narin siyang kumain.Itinuon ko ang atensyon ko sa pagkain,ngunit ang totoo'y pinipigilan ko ang sarili kong hindi pansinin ang mga titig niya saakin.May oras na naririnig ko siyang ngumingisi't humahagikhik.Ano bang nakakatawa,eh kumakain lang naman ako.

Siya na ang nag presintang mag hugas ng mga pinagkainan,at ako naman ang nagpunas ng lamesa't nag walis.Pagkatapos ay tumungo na ako sa kwarto para maligo.Kinuha ko na ang twalya't dumeretso na sa banyo,akmang isasarado ko nasana ang pinto nang biglang may pumigil nito,walang iba kundi ang nag iisang pilyong anak ng Don Grei.

"Maliligo ako!"Asik ko.

"Sabay tayo."Aniya't kaagad na pumasok sa banyo saka mabilis na sinarado ang pinto.Tangina!

"Ano ba!Ba't dito kapa maliligo eh meron namang C.r do'n sa kwarto mo!"Bulyaw ko sakanya.Gusto ko na siyang murahin dahil naiinis na talaga ako sa kakulitan at kabastusan niya.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon