Señorito 13

316 14 0
                                    

"Ano bang tinitingnan ng pilyong 'to?"inis na bulong ko sa sarili nang paglingon ko sa likuranay naroroon parin siya sa loob ng watson na buong akala ko ay naka sunod na saakin para pumunta do'n sa school supplies.

"Hoy,ano bang tinitingnan mo diyan?"tanong ko pagkalapit ko sakanya.

Ngumisi naman siya."Anong flavor gusto mo diyan?"Tanong niya sabay turo sa maliliit na box na iba iba ang kulay.Kunot noo ko namang binasa ang salitang nasa kahon ....Trust Condom. Tangina,E' condom pala 'to!

"Hanggang dito banaman,Camaro!"Saway ko sakanya,humagalpak naman siya sa tawa.Akala ko kung ano na ang tinitingnan niya dito e',yun pala condom!"Halika na nga"Hinatak ko na siya palabas ng watson.Kailangan kong makabili agad ng materials para sa mga project ko nang sa gano'n ay makauwi kami kaagad at makagawa agad ako ng project!

"Lambot naman ng kamay mo."Pinisil pisil niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya sabay halik sa ibabaw nito.Nang lingunin ko naman siya ay ginawaran niya ako ng nanlolokong ngisi sabay kindat saakin.

"Tch,bahala ka nga diyan."Binitawan ko na siya't nag martsa na nga ako papunta sa school supplies.Kumuha nguna ako ng push cart saka inusol na ito papunta sa mga naka display na colored paper.

"Ako na."Inagaw sa'kin ni camaro ang tulak tulak kong push cart.

Colored paper,bondpaper,Double sided tape,glue,glittered paper,aesthetic washy tape,dalawang 1/4 cardboard,pentelpen,long folder,stickers at iba pang mga pang-design,iyon ang mga nilagay ko sa push cart.Sinigurado ko nguna na wala akong nakalimutang materials bago kami tumungo sa counter.

"Let me pay it"Presinta ni camaro na kumukuha na ng cash sakanyang wallet.

"Wag na,ako na ang magbabayad."pigil ko."Pera mo 'yan e."

"Simula ng maging akin ka,lahat ng pera't ari-arian ko ay pagmamay-ari mo narin,Swan."Aniya,nahalata ko na kinilig ang babaeng cashier sa sinabi niyang iyon.Iniabot niya sa cashier ang atm card niya,akala ko cash ang ibibigay niya.

Habang hinihintay ang cashier na balutin ang mga binili namin ay napapansin ko ang mga titig ng mga kababaihang nakapila rito sa Counter.Iyong iba'y kinikilig pa habang nagbubulung-bulungan.Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng inis,pakiramdam ko'y inaagaw siya saakin gayong tinititigan lang naman siya.Tch!Ang gwapo kasi ng pilyong 'to!Paagaw atensyon!

"Love"malambing niyang tawag saakin sa may tainga ko sabay hawak sa magkabilang bewang ko na nag paramdam saakin ng paru paru sa tiyan ko,nasa likuran ko siya.

"Hmm?"Tugon ko.

"May tatawagan lang ako saglit."Paalam niya.

tumatango naman ako."Si-sige."medyo nautal pa ako ng kaunti nang maramdaman ang pagdikit ng labi niya sa likod ng tainga ko.Umalis nga siya't naiwan ako rito sa counter,may tatawagan lang naman siya mamaya ay paniguradong narito na siya.

"Siya ba ang pangatlong anak ng Don Grei,Ma'am?"Kinikilig na tanong saakin ng cashier habang binabalot na ang mga item na binili ko.

"Oo"Tipid na tugon ko.

"Ang gwapo niya,Ma'am!"Hala siya,Tumili pa."Balita ko engage na siya,kayo po ba ang fiance niya?"usosyo nito.Kalat nga talaga ang tungkol sa nangyareng engagement.

Gusto ko sanang sabihing si Amorie iyon at hindi ako,dahil wala akong karapatang sabihing ako nga iyon kahit pa na ako talaga ang fiance niya dahil sa simula't sapul si amorie ang mahal niya't karapat dapat sakanya,ngunit naiinis ako sa mga babaeng titig na titig kanina kay Camaro.

"Oo,ako nga ang fiance niya."pagpapakilala ko.

"Omg!Ang swerte niyo po."Tili ulit nito.Nangangati na ang dila ko't parang gusto ko na itong sabihan na paki-bilis bilisan dahil kailangan na naming umuwi't marami ng nakapila.Paniguradong naiinip na sila't naiinis na dahil sa kaka-chismis ng cashier na ito.

Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon