2. Sa Susunod Na Habambuhay

384 67 1
                                    


Tila ipinagkakait nitong kapalaran ang magandang bukas sa ating pag-iibigan,
Na kahit anong gawin nating laban, ay kasawian pa rin ang kinauuwian.

Mga matang masasaya na ngayon ay luhaan.
Mga pusong matitibay, nasa pagsubok ay tuluyang pinalumbay.

Isa bang pagkakamali ang mahalin ka ng lubusan?

Isa bang pagkakamali ang pangarapin kong makasama ka ng tuluyan?

Isa bang pagkakamali sa buhay na ito ang naisin kong ikaw lang ang mahagkan?

Bakit napakalupit sa atin ng kapalaran?
Galit ba sa atin ang may kapal,
Na tila naninibughong langit na tayo'y pinagbubuhatan?

Ilang taon akong naghintay, umaasang sa pagsusumikap ko ako ay magtatagumpay,
Nguni't sa muling pagkakataon, kabiguan pa rin ang sa akin ay ibinigay.
Hindi nga ba sapat ang pag-ibig upang magtagumpay?

Ang mga mata ay napupuno ng luha, na sinasabing huwag ipilit ang hindi nakatadhana.

Nguni't tadhana nga ba ang magpapasya sa pusong nagkakaisa?

Tadhana nga ba ang magsasabing hindi tayo para sa isat-isa?

Kaya naman sisikapin ko pa hanggang sa manaig sa sinasabi mong tadhana.

Nguni't hindi na nakapaghintay.
Ang pag-asa'y tuluyan ng namatay.

Malamig na mga kamay,
Tila rebultong walang buhay.
Ang kaluluwa niya'y tuluyang naglakbay.

Bakit hindi ako hinintay?
Bakit ang bilis mong bumigay?

Ang aking kasawian ay bumubugsong parang tubig.
Hindi ko na maisasakatuparan ang ating minimithing pag-ibig.
Nguni't kung may susunod na habambuhay, ikaw pa rin ang aking ibig.
Sa iyo pa rin, ang puso ko'y iibig.

At sa susunod na habambuhay, wala nang luhang guguhit sa ating pag-ibig.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon