"Sana maging katulad tayo ng dalawang gulong ng bisekleta, na hindi maaaring makaalis kung wala ang isa't-isa."
'Gulong ng Bisekleta'
Sa ilalim ng puno, ako'y nag-iisa,
inaalala ka.
Mga ngiti mong kay ganda, tinig mo na tila musika.Oh, anong kilig ang aking nadarama sa tuwing kasama ka. Mga tawanang kay saya na mas lalong pinalalalim ng aking pagsinta.
Sana maging katulad tayo ng dalawang gulong ng bisekleta, na hindi maaaring makaalis kung wala ang isa't-isa.
Palagi mo akong binibigyan ng pakiramdam na hindi ko nakikita sa iba. At ang iyong taglay na katangian ang dahilan kung bakit sa akin ika'y nagiging kakaiba.
Ang isang simpleng lugar ay nagiging maganda sapagka't naroon ka.
Ikaw ang dahilan kung bakit ang puso ko ay punong-puno ng saya.
Para akong nagpapadulas sa bahaghari na ikaw ang kasama.
Gusto ko pang makalikha ng maraming ala-ala, at sa alaalang iyon ikaw lang ang nais kong makita't makasama.
BINABASA MO ANG
Love's Tapestry: Weaving Words of Romance
PoetryThis is a collection of poems written by Jcena Mortiff that revolves around various forms of love. These words long to break free, the letters yearn for liberation, all gathered from the depths of the author's heart and mind. They are assembled here...