25. Kamatayan

255 45 0
                                    

Inilagay ng Dios ang walang hanggan sa ating isipan, kaya naman nais nating mabuhay ng walang hanggan.

Kaya para sa atin, ang mamatay ay hindi makatarungan, ngunit hindi nito mababago ang katotohanan na ang kamatayan sa buhay ng isang tao ay natural lang.


Darating ang panahon na ang ating puso ay hihinto sa pagtibok, at ito ang magiging katapusan ng katawan natin at panahon sa lupa. Mula sa alabok, ay babalik tayo sa pagiging alabok.

Hindi natin matanggap ang katotohanang ito, ngunit hindi rin naman natin ito matatakasan.


Magtago man tayo saang lupalop ng mundo, ay susunod ito.

Ngunit ang magandang balita ay mayroong magandang pangako, na may Cristong napako na sayo'y nangangako.

Katulad mong mamamatay, Siya'y namatay, ngunit katulad nya'y tayo rin ay mabubuhay.

Sya'y nagsalita na sya ang pagkabuhay at kabuhayan. Bagaman ikaw man ay mamatay, ay mabubuhay kapag ikaw sa kanya'y sumampalataya.

Tayo ay may hangganan kaya hindi natin masukat ang walang hanggan. Nais nating alamin ngunit hindi matalastas ng ating isipan.

Ano nga ba ang kamatayan?

Ito nga ba ang katapusan o pasimula palang?


Palagi nating tatandaan na nilikha tayo ayon sa wangis ng Diyos, at ang tao ay hindi lilikha ng magandang imbensyon para lang itapon.

At higit pa roon ang Diyos.

Hindi lumikha ang Diyos ng Tao para mabuhay at mamatay lang.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon