22. Pag-ibig Mong Di Masayod Ng Isipan

275 50 0
                                    

Kung paanong tinatakpan ng tubig ang dagat, ang iyong pagmamahal ay nagtatakip ng pagkukulang.

Ikaw ang nagsilbing lakas sa aking kahinaan.

Nilibiran mo ako ng paglingap ng iyong pagmamahal, at nagsilbing ilaw sa madilim kong kinalalagyan.

Higit ka pa sa haligi ng tahanan, at muog sa magugulong kapanahunan.

Ikaw ang matibay na sandigan na aking kinakapitan, at kalasag sa mga pana ng kaaway.

Hindi mo ako iniwan sa aking kabagabagan, sa halip, sa panglulupaypay binigyan mo ako ng kaaliwan.

Ikaw lang ang nanatili sa kabila ng maraming nang-iwan, kaya salamat Panginoon sa pag-ibig mong di masayod ng isipan.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon