41. Mundo Sa Kaisipan Ng Aking Puso

193 28 0
                                    

Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang mundo sa kaisipan ng aking puso.

Mga letra't titik ang aking naging pamantayan upang ito ay maitayo,
na may kalakip na mga karanasan, kalungkutan man o kasawian, pag-asa o tagumpay na nagpapatibay sa pundasyon.


Mga pinagsama-samang inspirasyon na maaaring magbigay ng kaunting kulay sa iyong imahinasyon,
At magbigay ng munting gabay sa iyong pangarap na destinasyon.

Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang mundo sa kaisipan ng aking puso,
Na maaaring humaplos sa iyong nalulumbay na puso.

Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang mundo sa kaisipan ng aking puso na maaaring mag-iwan ng baga sa iyong ulo.

Upang matuklasan mo rin ang palaisipan ng iyong puso, at makagawa ka rin ng sarili mong mundo na maghahayag sa nilalaman ng iyong natatanging puso.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon