47. Ako Na Lang Ang Piliin Mo

174 28 0
                                    

Bakit kailangang magtiis ka pa?

Bakit kailangang magdusa ka sa pagmamahal na ipinagkakait ng iba?

Bakit kailangan ay masaktan ka pa, kung ang hangad mo lang naman ay mahalin ka?


Bakit siya pa rin ang nais ng puso mo, kung wala naman siyang ibang ginawa kundi saktan ka?

Narito ang puso ko, ang kailangan na lang ay tanggapin mo.
Bukal sa loob kong ibinibigay ito,
Na hindi na nangangailangan pang pilitin at pagmakaawaan mo.


Ako na lang ang piliin mo at titiyakin ko na wala nang luhang tutulo sa mga mata mo.

Ako na lang ang piliin mo at sisiguraduhin kong hindi na muling masasaktan ang puso mo.

Ako na lang ang isama mo sa mga pangarap mo.
Kamay ko na lang ang hawakan mo upang isa-isang abutin ito.


Hindi ko man maipapangako sa iyo ang kasiyahang nais mo, ngunit mangangako akong magiging tapat sa pag-ibig ko.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon