55. Pagkatapos Ng Ulan (WILYMAM)

150 28 0
                                    

Liham Ni Dale sa Maiksing Kwentong pinamagatang When I Love You More and More.

Ito ang ikatlong araw ng ating pag-iibigan, pagkatapos ng ating pagsusuyuan, isang buwan pagkatapos ng ulan.

May isang magandang binibini ako noon na pinagmamasdan. Malayo man, ngunit aking natatanaw. Madalas siyang magpunta sa cafeteria ng paaralan, kaya naman ako, na lihim siyang sinusundan, at pinagmamasdan, ay nakahiligan na rin na pumunta sa kanyang pinaroroonan.

Tandang tanda ko pa ang araw ng una ko siyang makita. Siya'y umakyat ng entablado at umupo sa harap ng piyano habang sa labi niya itinapat ang mikropono, at doon nagsimulang magpalakpakan ang mga tao.

Dinadala ako ng madamdamin niyang musika sa magandang ibayo. Binibigyan niya ng kapayapaan ang aking puso sa pamamagitan ng kanyang tono.

Para niya akong hinahawakan sa pamamagitan ng mga salitang kanyang binibitawan. Nararandaman ko ang lamig ng kanyang tinig na tumutunaw sa aking dibdib, at pagkatapos ng araw na iyon hindi na siya mawaglit sa aking isipan, at sa puso ko ay wala na akong ibang mahagilap na nakatitik liban sa kanyang pangalan.

Minsan ko na rin siyang nakita sa ilalim ng puno at bumabasa habang tumatawa mag-isa. Samantalang ako'y napapangiti habang lihim na pinagmamasdan siya, at ako na tatanga-tanga ay natamaan ng bola dahil ang paningin ko ay nakapako lamang sa kanya, at sa pagdilat ng aking mga mata, siya ang una kong nakita na may guhit ng pag-aalala sa kanyang mukha, at doon na nagsimula na mas lalo pang lumalim ang aking lihim na pagtingin.

Katulad ng isang malaking tipak ng yelo sa karagatang artiko, hindi ko magawang ipakita sa kanya ang aking malalim na damdamin.

Kung maaari nga lang, sana totoo na lang na katulad ng lihim na pagdadalang-tao ang lihim na pagtingin, nasa bandang huli ito'y mahahalata rin.

Hindi ko alam kung paano ko aaminin ang aking nakatagong damdamin sa isang babaeng nakakuha ng aking pag-ibig sa unang pagtingin.

Ngunit sadya nga bang may kapanahunan sa bawat bagay, at panahon sa bawat panukala sa silong ng langit, may panahon ng pagtatapat at ng pag-ibig.

Iyon na yata ang pinakamasayang araw habang tayo'y nagtatampisaw sa ulan. Mga sandaling hindi ko malilimutan na babaunin ko sa paglipas ng buwan.

Mabuti na lang naglakas loob ako na ika'y lapitan gamit ang aking tsaketa habang tumatakbo sa ulan.

Dala-dala ko ang masasayang pakiramdam ng mga sandaling iyon kahit na lumisan. At pagkatapos non doon nagsimula ang matamis nating pagsusuyuan, kaya salamat ulan dahil ikaw ang naging pinto ng aming pag-iibigan.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon