69. Baka Sakali

64 11 0
                                    

Ikaw ang laman ng puso't isip.
Pangalan mo ang bukambibig.
Nilalaman ng mga panaginip.
At kung sa pagmulat ng aking mga mata ay hindi ikaw ang mahahagip, mananatiling nakapikit.

Ikaw ang palaging awit,
Sinisigaw ng pusong umiibig.

Ikaw ang palaging hiling,
Ngunit tila napakaimposibleng dinggin.

Ikaw lang naman ang nais, ngunit bakit kahit malapit ay malayo pa rin?

Kung hindi ka para sa akin, ipipilit ko pa rin. Baka sakaling maawa ang langit at sa huli'y ipagkaloob ka sa akin.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon